I YAWNED while listening to Ms. Anne who was lecturing in front of us. She even writes a problem on the blackboard and explains how it was obtained. Ako naman ay malapit ng bumaba ang mga pilik mata ko kung hindi lang panira ng dalawang bubuyog sa harap ko. Panay bulong ang ginagawa.
Silently, I shifted my gaze towards the person beside me, who was comfortably seated in an armchair with his eyes shut, giving the impression of being in a peaceful nap.
Hindi siya napansin ni Ms. Anne dahil sa likod, hindi niya kami masyadong nakikita dito. Nang magsimula ng mag-lecture si Ms. Anne, ilang sandali pa lang itong nakikinig bago dumungo sa kanyang upuang may armrest at natulog.
Paano kaya siya nabigyan ng magandang grade kung ganito pala siya sa klase? Samantalang ako, kahit mukhang walang ni isang kurap sa lahat ng lectures, pareho pa rin ng mga grades ko. Walang nagbago. Mataas naman ang marka ko, pero hindi kasing taas ng kanya na tila kinain lahat ng aking mga grades.
Ayoko na rin siyang tignan baka sabihin niya ulit sa akin na nakakaakit siya sa paningin ko kahit na hindi naman."Class dismiss. Goodbye." I sighed, disappointed from my thoughts as I looked at the person next to me twice when the class ended. Frustration as I stood up from the chair, grabbed the bag before leaving the room.
Gusto ko lang sabihin na tapos na ang klase. Pero baka samahin pa ako ni bea kaya hinayaan ko na.
"E-esha. ."
Dala ang aking bag, lumabas ako ng silid ngunit napahinto nang marinig kong tinawag ako ni Aldrin.
Kakain na sana ako ng tanghalian ngunit naalala ko na dapat pumunta ako sa library upang kunin ang hiniram na libro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para mabasa doon bago kumain. Isang oras pa naman ang vacant namin mamaya kaya mahaba pa ang oras ko.
"Bakit?" I asked as Aldrin made his way towards me. Scratching his head, he shyly diverted his gaze towards me, his prominent front teeth and visible braces catching my attention.
"P-papunta ka ngayon sa canteen, esha?" He shyly asked.
"Hindi. Papunta ako sa library ngayon at hindi pa ako kakain, Aldrin. Hindi pa kasi ako gutom kaya mauna ka na lang muna. Sige—" Naputol ang aking sinabi nang hawakan niya ang aking kamay ngunit kaagad niya itong binitawan.
"S-sorry, esha. P-puwede bang sumama s-sayo? H-hindi pa kasi ako gutom din. A-akala ko kasi kanina kakain k-ka na." He stuttered, lowering his gaze in embarrassment.
"Sige. Walang problema sa akin." Sagot ko.
Si Aldrinado Quiapaz, isang mahiyain at mahinhin na bata na mas higit pa sa mga babae sa kanyang katangian. Kaklase ko siya mula noong nakaraang taon pa lamang, grade 7 pa kami. Mapayat si Aldrin kaya't madalas siyang binubully ng aming mga kaklase. Isang araw, nang makita ko siya na inaaway sa hallway ng mga kabataang mas mataas ang antas, agad akong sumali para tulungan siya ngunit parehas din kaming naaway at naligtas lang kami nung dumating ang mga teachers. Doon nagsimula ang pagiging malapit at pag-uusap niya sa akin.
Although my actions may appear trivial to me, he held significant meaning for himself.
I glanced towards the person exiting the room. His tousled hair and the bag slung over his shoulder caught my attention. He paused on our side, meeting my gaze. Even Aldrin directed a fleeting glance towards him.
Walang eksresiyon ang kanyang mukha. Mapanglaw at malamig ang titig nito kahit kanina nung pag pasok nya sa room mababakas mo talaga na kahit may pagkapilyo siya ay bakas sa kanya ang pagiging malamig nitong tao. Nagawa pa nyang landiin agad ang mga kaklase ko gamit lang sa pag kindat at tipid na ngiti. Hindi ko rin masisisi dahil guwapo nga ang apo ni sir Santos.