Prologo

77 4 0
                                    

Manila - Year 1872.....

Hiyawan, iyak at putok ng pistol ang maririnig sa isang nayon.

May mga taong walang saplot ang nakahandusay sa lupa at walang mga buhay.

"Mga halimaw kayo!" Buong lakas na sumigaw ang isang dalaga at tumingin ng masama sa isang sundalo.

Sa labanang iyon ay dalawang sundalo na lamang ang natira at kaunting taga nayon.

"Mira quien habla" (look who's talking) sagot ng isang sundalo at itinutok ang pistol sa dalaga ngunit bigla na lang naglaho ang dalaga sa kinauupuan nito.

Narinig niya nalang ang tangis at sigaw ng kaniyang kasama. Sa kaniyang pag lingon sa likuran ay namilog ang kaniyang mga mata sa gulat at takot.

Nakita niya ang dalaga, hawak hawak ang lupaypay at walang buhay na kasama. Makikita sa mga mata ng dalaga ang kulay dilaw na mata, matutulis na kuko at apat na buntot.

"Walang ititirang saksi!" Saad ng dalaga at sinugod ang sundalo hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Hinanap ng dalaga ang mga kasama at may iilan pa siyang nakitang buhay.

Ilang sandali pa ay napag desisyonan ng dalaga at iba pa na pumunta sa Paranaque upang puntahan ang iba pa nitong ka uri. Kailangan niya ng ligtas na lugar lalo pa't siya ay nagdadalang tao.

Parañaque - Year 1899......

Isang taon na mula nung sinakop ng Estados Unidos ang Pilipinas. Nasa isang pagpupulong ang lahat ng tao sa nayon ng Parañaque.

Natatakot ang iba, at ang iba naman ay handang pumaslang para sa kanilang kaligtasan.

"Hindi tayo mangingitil ng buhay!" Sabi ng pinono na matandang babae.

"Ngunit Dakilang Bergara, nauubos na ang ating uri at hindi naman tanggap ng mga tao ang ating pagkakakilanlan." Reklamo naman ng isang lalaki.

"Kung lalaban tayo. Hindi natin sila kayang ubusin, lalo pat kakaunti na lamang ang bilang natin." Sabi ng dakila at marahan itong naglakad pa tungo sa isang silya at inilapag ang kaniyang panungkod.

"At hindi ako makakapayag na hindi isaalang ang inyong mga buhay, hindi maaaring patuloy tayong kaunti at mananatiling nakatago."

"Kung gayon, ano ang inyong pasya Dakila?" Tanong ng isang babae.

"Lilisanin natin ang lugar na ito, at magtatago pansamantala. Kapag dumating na ang takdang panahon ay muli tayong magpapakilala sa mundo upang ipaghiganti ang mga nasawing kauri"

"Ina-" naputol ang pagsasalita ng babae ng may sumigaw sa likuran na kararating lamang.

"Dakila! May magandang ulat kaming handog" sabi ng isang dalagang basang basa ang buhok.

"Ano iyon, Hariya?"

"Ang aking grupo ay may natuklasang isang isla-" bumaling ng tingin sa mga kasama.  "-at sa islang iyon ay nakatitiyak akong ligtas tayo. " masayang saad nito.

"Kung gayon ay simulan na-" Yumanig ang lupa kasabay ng isang malakas na tunog ng pagsabog.

"Sumasalakay na ang mga ingles!" Sigaw ng isang lalaki kaya nag simula ng mag kagulo ang mga tao.

"Dakila, tayo na." Sabi ng babae. Habang hawak hawak niya ang anak na lalaki.

"Juancho, kumapit ka sa akin." Hinawakan niya ang anak na lalaki at sumunod sa landas na tinatahak ng Dakila.

Sumampa sila sa barko, at ang iba naman ay nakikipaglaban sa mga sundalo, habang abala ang iba sa paglikas.

"Trinidad, alagaan mo ang anak ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya." Ibinigay ng babae si Juancho kay Trinidad at umiiyak naman ang bata. Lumapit naman si Trinidad sa ina nitong si Dakila at naglayag na sila pa alis.

Nagpa iwan ang ina ni Juancho upang paslangin ang mga ingles na humahabol sa bangka.

Isang Kitsune ang babaing iyon kaya malakas siya kumpara sa mg taong ingles.

Ngunit nag iisa na lamang siyang natitirang lumaban at marami na siyang natatamong sugat. Hindi niya na kayang gamutin ang sariling sugat.

Napa singhap naman siya ng sinaksak siya sa tiyan, at may sumaksak din sa kaniya sa likuran.

Lumabas ang dugo sa kaniyang bibig at napaluhod, nakatingin naman siya sa halos hindi na makitang bangka, ngumiti at humandusay sa lupa.

Naglaho ang kaniyang apat na buntot at bumalik sa normal na kulay ang kaniyang mga mata.

Sa Isla naman, ay naluluha ang mga ito habang bumababa sa bangka, naluluha sila sa galak at lungkot sa mga nasawi.

Tumingala sa langit ang Dakila at iwinasiwas ang kaniyang dalang tungkod.

"Una isla donde ningún hombre ha encontrado. Que esta tierra sea nuestra tierra. Mantén esta tierra oculta con todo mi poder y fuerza, invoco una barrera. Que esta tierra esté escondida e intocable por el ser humano."

Paulit ulit na nagsasalita ang Dakila at hanggang sa kumulog at kidlat, tumama iyon sa dulo ng kaniyang tungkod at nang nawalan na siya ng lakas ay tumumba siya sa lupa.

Maya maya lang din ay makikita na ang tila naghalo halong kulay na pumapalibot sa isang malaking isla.

"Maligayang pagdating sa Casa Bergara" Sigaw ng Dakila.

~~~

This story is a work of fiction. Any names, places, events and incidents are fictional. If there are any related scenes in reality, I am truly sorry. I just want to make this story  relatable and touching.

Be advised that there will be any rude words that some of you are not comfortable with, so read at your own risk. Thank you.

My language isn't English so expect any grammatical errors due to lack of brain cells HAHAHA, I suggest that if you found out the error, kindly comment then I'll edit it. Thank you so much.

And also TYPOS. Hehehe

Enjoy reading *hug*......................

📍 PLAGIARISM IS A CRIME 📍

Rein_Glux

presents..

CASA BERGARA: The Hidden Island

All Rights Reserved

2024

Casa Bergara: The Hidden IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon