A Lyrical Frienship

9 0 0
                                    

Sa paaralan ng UP Diliman, may isang estudyante na ang pangalan ay Rui, isang estudyante na hindi alam kung ano ang patutunguhan sa kinabukasan. Ang daming niyang "what ifs" at patuloy na nag-ooverthink sa future niya. Habang si Rui ay nagmumuni muni sa labas ng kanilang classroom. Nakita siya ng dalawang lalaki na tila ang lalim ng iniisip nito. Susubukan sana nila ito kausapin pero introvert ang magkaibigan. Ang magkaibigan na iyon ay sina Paolo at Chael. Ang mga estudyante na mahilig sa music at madalas tumutugtog sila sa mga programa ng school. Habang nagmumuni muni si Rui, napansin niya na may mga lalaking nakatingin sa kaniya at nagulat siya. Kasi hindi ito familiar sa mga ito. "Ay hello, kanina pa ba kayo dyan?" sabi ni Rui. "Hmm, kani-kanina lang kasi ang lalim ng iniisip mo eh" sabi ni Paolo. Tumugon naman din si Chael at sabi nito na "ano ba ang iniisip mo? bakit ang lalim yata?". Medyo nairita na si Rui sa dalawa at sinagot niya ito ng "bakit ba? kilala niyo ba ako?" Nagtinginan sina Paolo at Chael at sinagot ni Chael ng "hindi, pero curious kami, ano ba pangalan mo?" "Ako si Rui, nice meeting you both!" sabi nito. Sa pagsabi ni Rui ng kanyang pangalan, naalala niya kaagad ang dalawa na palaging tumutugtog sa mga programa ng school at biglang sinabi ni Rui na, "wait, kayo diba 'yung lagi tumutugtog sa programs dito sa school?". "Oo, kami 'yun" sabay pa nilang sinabi. "Ahhhh, I remembered you both na pero I forgot your name" sabi ni Rui. "Ahh, ako si Paolo at siya naman ay si Chael" sabi ni Paolo. "Ahh okay, nice meeting you both!" sabi ni Rui. Pagkatapos nila magkakilala, nacurious ulit sina Paolo at Chael kung ano ang iniisip ni Rui kaya tinanong muli nila ito. "Ayy Rui, gusto kasi namin malaman ano 'yung iniisip mo kanina" sinabi ni Paolo. Napahinga ng malalim si Rui at sinagot ang tanong ni Paolo sa kaniya. "Hmm, kasi hindi ko talaga alam ano 'yung future ko kaya medyo malalim nga ang iniisip ko". Nagulat naman ang dalawa nung sinabi ng dalaga 'yung iniisip nito kaya sinabi ni Chael na "ahh okay, pero I hope malaman mo 'yung gusto mo sa future". Sinagot naman agad ito ni Rui na "Salamat! I hope din, salamat din pala sa pagiging curious kung ano 'yung iniisip ko". Ngumiti ang magkaibigan at sinabi nila kay Rui na "salamat sa pagshashare". Matapos nito ay umalis na din ang dalawa sa harap ng dalaga.

Makalipas ang ilang araw, nakasalubong ni Rui sina Paolo at Chael. Napansin ni Paolo si Rui at nag hello ito sa kaniya. "Hi Rui!" sabi ni Paolo. "Uyy, hello Paolo and Chael, ano kamusta kayo?" Sumagot si Chael na "okay lang kami, ikaw?" "Ayos lang naman din, pero kagaya pa rin nung nakita niyo ako nung isang araw iniisip pa rin talaga 'yung future ko" tugon ni Rui. "May naisip bigla ako" sabi bigla ni Paolo. Nagulat sina Chael at Rui sa sinabi ni Paolo at sinagot ni Rui na "anong iniisip mo?". "What if maging kaibigan mo kami?". Nag-agree naman si Rui sa sinabi ni Paolo at tumugon ito nang "sige, naghahanap din ako ng kaibigan eh". Bigla naman tumunog na ang school bell habang nag-uusap 'yung tatlo kaya nagpaalam na sila sa isa't isa at nagdali dali pumunta sa sarili nilang mga classroom.

Habang naglalakad sina Paolo at Chael paalis ng paaralan ay pinag-uusapan nila si Rui. Sabi ni Paolo sa kaibigan, "what if tulungan natin si Rui hanapin 'yung future niya?" Nagtataka si Chael kaya naman tinanong niya ang kanyang kaibigan na "paano 'yon? eh baka ayaw niya 'yung music". Sinabi ni Paolo, "subukan muna natin, baka malay mo gusto niya pala 'yon, pero kung hindi, wala na tayong magagawa".

Nakalipas ang ilang linggo, nakita ni Rui ang magkaibigan sa canteen at nilapitan niya ang dalawa. "Hi sa inyo". Nagulat ang magkaibigan at hindi inaasahan na makikita sila ni Rui. Sinagot ito ni Chael na "hello! ginulat mo naman kami". "Ayy pasensya na, pwede ba ko umupo din dito sa table na 'to?" Tumugon si Paolo habang busy sa ginagawa, "oo naman syempre friends na tayo diba?" "Oo, salamat" sinabi ni Rui habang nakangiti at umupo na din sa inuupuan ng dalawa. Habang kausap ni Chael si Rui ay bigla nito naalala ang pinag-usapan nila ni Paolo na oofferan nila ito sa music. Kaya naman, kahit nahihiya magtanong si Chael ay itinanong niya kay Rui ang patungkol sa pagsama sa dalawang niyang kaibigan. "Rui, may naisip kami ni Pao, what if sumama ka samin sa music, kasi siguro 'yung future mo doon talaga". Bago sumagot si Rui ay napaisip muna ito kung sasama sa dalawa nitong kaibigan. "Hmm, actually pwede naman kasi mahilig din talaga ako makinig sa music" Tumugon si Paolo ng "oh, edi, 'yun na i-pursue mo, basta i-guguide ka namin ni Chael". Tumahimik muna ang tatlo ng kaunting minuto at biglang nagsalita si Rui, "pag-iisipan ko muna". "Sige lang" sabi ni Chael. "Ano pa ba ang pwede ko pag-aralan na instrument?" tanong ni Rui sa kaniyang mga kaibigan. "Hmm, siguro okay ka sa keyboard" sabi ni Paolo. "Ahh sige! Actually may favorite nga ako na keyboardist eh" sabi ni Rui. Nacurious naman ang dalawa sa sinabi ni Rui at itinanong ito na "sino favorite mo na keyboardist?" "Ahh, ewan ko kung familiar kayo sa kanila pero si Pat Lasaten ng bandang Ben&Ben at si Carl Guevarra na bandang The Juans" sagot ni Rui. Nagulat naman ang dalawang lalaki kasi influence din nila ang mga ito pagdating sa music. "Ahh, oo kilala ko sila" sabi ni Paolo at tumugon din si Chael na "sameee! ang gagaling nila pero may kanta sila masasakit diba?" "oo pero magagaling naman sila" sabi ni Rui.

May isang gabi na pinag-isipan ni Rui ang sinabi sa kaniya ng mga kaibigan nito at sinabi ni Rui sa sarili na "oo nga ang ganda nung inooffer nina Chael at Paolo sakin, i-grab ko kaya 'tong opportunity, what if para doon nga ako?". Kinabukasan ay ang unang naisip ng dalaga ay tungkol sa pagsisimula ng journey sa music. Kaya naexcite ito na pumasok sa school at i-tatake na 'yung opportunity na ibinigay nina Chael at Paolo sa kaniya.

Nasa paaralan na si Rui at una niya agad napansin ang mga kaibigan nito na sina Paolo at Chael. "Good morning sainyo!" nakangiting sambit ni Rui. "Ganda yata ng smile mo ngayon, Rui, bakit? Anyways, good morning!" sabi ni Paolo. Habang naglalakad ang tatlo ay ibinalita na ni Rui sa mga kaibigan ang naisip niya. "Actually the reason why I am happy today is because I want to take the opportunity that you are giving to me". Nagulat sina Chael at Paolo at sinabi pa ng dalawa na "weeeeh?" "You'll be joining us na Rui?" tanong ni Paolo. "Oo, kasi inisip ko, what if para doon pala talaga ako so I take the opportunity na" sambit ni Rui. "Wow ah! Napag-isipan mo agad?" sabi ni Chael. "Oo nga, Chael, saka alam ko i-guguide niyo ako kaya kahit nagdalawang isip pa ako. I take this opportunity na". Tinanong ni Paolo si Rui "marunong ka na ba sa keyboard". "Hindi pa nga eh, pero siguro mamaya, sisimulan ko na mag-aral". sagot ni Rui sa tanong ni Paolo. "Pwede ka naman namin i-guide kung gusto mo" sabi ni Chael. "Hmm, siguro 'wag na muna saka na pag marunong na ako". Naputol na ang usapan ng tatlo nang tumunog na ang school bell.

Noong recess ay nagkita kita ulit ang tatlo at tinuloy ang usapan patungkol sa music. Ininform ni Paolo kay Rui na madami dami ang kanilang magiging schedule sa pagrerehearse. Naging okay naman si Rui sa sinabi ni Paolo at itinanong na din nito kung ano ba ang mga kantang i-rerehearse nila. "What if Pao, since Ben&Ben and The Juans fan din naman si Rui, what if 'yung songs nila 'yung i-perform natin?". sambit ni Chael "Pwede! Sige, after mo mapag-aralan 'yung keyboard Rui, magrehearse tayo ng songs ng Ben&Ben at ng The Juans. Sabi ni Paolo sa kaibigan. "Sige sige, gusto ko 'yan!" sabi ni Rui habang nakangiti.

Makalipas ang ilang buwan ay nakita na din ni Rui ang kaniyang gagawin sa kinabukasan at 'yun ay ang music. Madami na din nakakilala kay Rui kasi madalas na din siya tumutugtog sa programa sa school kasama ang mga kaibigan nito na sina Paolo at Chael. Habang tumatagal ay naging best friends na din ni Rui sina Paolo at Chael. Masaya si Rui na nakilala niya ang dalawa niyang kaibigan kasi dahil sa kanila ay nakita na ni Rui ang future nito.

Habang nag-uusap ang tatlo sa mga gagawin nila ay sinubukan ni Rui na magpasalamat sa mga kaibigan niya sa pag-encourage ng dalawa sa music kahit na ito ay nahihiya. Sinabi ni Rui sa mga kaibigan na "Alam niyo, sobrang saya ko na naging kaibigan ko kayo kasi kung hindi dahil sa inyo. Siguro hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung saan ako tutungo. Kaya salamat sa inyo, sa pag-encourage sakin. Asahan niyo na mas gagalingan ko pa. Salamat din pala sa friendship na nabuo natin" sambit ni Rui na medyo naiiyak. "Huy, wag kang umiyak, pero thank you din kasi inaccept mo 'yung opportunity at because of you mas nainspire din kami mas pagbutihan pa 'yung ginagawa namin. We're happy and grateful to have you Rui! Thank you din sa friendship" tugon ni Paolo. "Grateful to have you both kasi dahil ginagalingan niyo, mas naiinspire pa din ako mas pagbutihin pa 'yung ginagawa ko. Kaya salamat din sainyo" sabi ni Chael.

Dahil sa galing nina Paolo, Chael at Rui sa pagtugtog ay nadiscover sila at hindi lang sila naging sikat sa school na pinapasukan ng mga ito  pero nadiscover na din sila at nakilala na din sila ng buong bansa.

A Lyrical FriendshipWhere stories live. Discover now