Unang Yugto

44 3 0
                                    

Present Day......

Aeraiah's POV

Busy ako sa pag iimpake ng mga gamit dahil, sa wakas ay natuloy na ang plano naming mag bakasyon. Habang nakikipag video call naman sa GC naming apat.

"Hey, y'all should be here by six pm. Okay? " Pag paalala ulit ni Cassey sa amin.

"I don't know Cass, I mean it depends kung anong oras ako dadaanan dito ni Alluna and Angelo." Sagot ko dito at umupo sa kama, dahil kakatapos ko lang mag ayos ng gamit.

"Heto na guys, nasa labas na ako. I gotta go. Hey, Alluna, you better ready. Baka naman pag antayin mo pa ako sa labas ninyo mamaya? " Sabi ni Angelo sa nag m'make up na si Alluna.

"Duh girl. Bilisan mo nalang, I'm almost done here." Sagot nito nang hindi man lang lumilingon sa screen.

Nagpaalam na kami sa isa't isa para makapag ayos na rin. Sasakay kasi kami sa private helicopter nina Cassey. Well, sa aming apat sila lang naman ang nabiyayaan ng sobrang kayamanan. Her both parents are in the business while his dad is a politician as well.

But, Tito's never a corrupt.

They owned one luxurious golf field, clinics- since doctor ang mommy niya. May accounting firm din sila and they owned the Grande Corporation and yung kuya niya ay owner na din ng luxury hotel sa Canada. Ang yaman noh?

Habang ang mga parents naming tatlo ay stakeholders and working for their company.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

"Manang?" Tawag ko kay yaya. Medyo matanda na rin siya at matagal na siya sa amin.

"Ayah!" Tawag niya sa akin. They prefer calling me Ayah than Aeraiah, well okay lang din naman sa akin.

"Hindi pa po ba dumadating sina Mama at Dada?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa po eh, baka mamaya maya andito na yun. Alam mo naman ang Pilipinas, soooobrang traffic" sabi nito.

Pumunta siya sa kitchen at sumama naman ako sa kaniya and she prepared me a meryenda.

Napag desisyonan ko nang ibaba ang maleta ko at isang backpack and isang maliit na sling bag. Yun lang ang lahat ng dala ko. Sakto naman na pagkababa ko ng gamit ay dumating sina mama.

"Ohh, buti naabutan ka pa namin, I thought we'll never gonna see you here." Sabi agad ni mama at lumapit sa akin.

"Maya maya lang po andito na sina Angelo. Ma, don't forget to take your vitamins okay? Tsaka si dada" sabi ko kaniya at tsaka sinulyapan ng tingin si dada.

"Mag iingat ka anak." Nakangiting sabi ni dada.

May narinig naman kaming busina sa labas kaya lumabas na ako, tinulungan naman ako ni Dada sa pagbuhat ng mga gamit palabas habang hinahatid naman kami ng tingin ni mama.

Nag paalam na kami kay dada at nagstart na si Angelo mag drive papunta sa bahay nina Cassey, para siya naman ang sunduin papunta sa kung saan man naka land yung helicopter nila.

"Dapat kasi hindi nalang tayo nag helicopter " reklamo ni Angelo.

"Ano ka ba, mas maganda na yun. Kung makikipagsapalaran pa tayo sa daan, anong petsa pa tayo makakarating doon? " Sagot naman sa kaniya ni Alluna.

Hindi na sumagot si Angelo at nag play nalang ng music. Maya maya naman ay nakarating na kami sa bahay or mansion nina Cassey. Nakikita na namin siyang kumikimbot palabas at nasa likod naman niya ang dalawang butler niya na nag bubuhat ng mga gamit niya.

"Parang disney princess ah!" Sigaw ni Angelo.

"Isasabay niya pa ba yung dalawa?" Natatawang sabi ko at ganun din si Alluna.

Nang makasakay na si Cassey sa passenger seat ay umalis na rin kami.

"LET'S GO BITCHES!" Sigaw ni Cassey na sinundan lang din namin.

Pag dating namin sa helicopter nila ay parang dumilim ang paligid.

"May bagyo ba?" Tanong ko sa kanila habang sumasakay na kami.

"No, according to weather forecast, the weather is fine today. So for sure, hindi uulan yan, don't worry." Sagot ni Cassey na nasa loob na.

"Ang gara naka helicopter" sabat ni Angelo.

"Angelo, parang ngayon ka lang nakakita nito" umiirap na sagot ni Alluna.

Tinanong naman kami ng pilot kung ready na kami at sumang ayon naman kami at nagsimula nang lumipad.

"Excited" Cassey giggles at excitement.

"Me too" sabay sabay na sabi naming tatlo.

"So, Cassey, Ano sabi ni Hans?" Tanong ni Angelo. Hans was Cassey's boyfriend.

"We don't talk anymore, and guys. Let him be" nakatingin sa kalupaang sagot ni Cassey. Nakita ko namang nalungkot si Angelo, well bestfriend sila ni Hans eh.

"Sinabi niya na ba sa'yo kung bakit gusto niyang makipag break?"

"Alluna" awat ko sa kaniya, for we didn't know, she's crossing the line.

"Aeraiah, it's okay. " Nakangiting sagot ni Cassey.

"I'm glad that you're all here for me. Thank you, but to answer Alluna's question, yes he told me-"

"A-anong sabi?" Agad na tanong ni Angelo.

"Kumalma ka nga Angelo" natatawang sagot ni Cassey.

"Don't mind too much your bestfriend." Sagot sa kaniya ni Cassey.

Napansin kung umuulan na.

"Okay pa po ba ang panahon?" Tanong ko sa pilot at tumango naman siya.

"Yes- kailangan ko lang-" bigla naman kaming tinamaan or may tinamaan, well it's impossible that we hit something. So it's clearly explains that we've been hit.

"Kidlat ba yun? " Tanong ni Alluna.

"Don't panic guys" sabi ni Angelo.

"I'm fuckin scared!" Naiiyak na sabi ni Cassey, wala kaming nagawa kundi ang magdasal at maghawak kamay.

Naramdaman naman namin ang malakas na pwersa na parang unti unti kaming bumabagsak.

"What are we going to do?"

"Mamamatay na ba tayo?"

"Is this the end?"

"Natatakot ako, Aeraiah"

Umiiyak na rin ako sa takot at wala nang ibang maisip, na blanko na ako at hindi makapag salita.

"I think this will be our end" sagot ko sa kanila.

Narinig ko pa ang malakas na pagbagsak ng chopper kahit wala na akong makita, nahihilo na ako at unti unting nawawalan ng malay.

"Goodbye mama, dada. I love....you" mahinang sabi ko bago ko nabitawan at hindi na maramdaman ang lahat ng nahawakan ko.











∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

©Rein_Glux

Casa Bergara: The Hidden IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon