1.
(short chapter)Sa panahon ngayon hindi ka pwedeng maging mahina. Pag naging mahina ka, talo ka.
Ang buhay ngayon ay isang malaking digmaan. Labanan sa pagitan ng mga kapatid, estyudante, sa mga naghahanap ng mga trabaho, at lalong lalo na sa pag-ibig.
"bawat segundo ay hindi dapat sayangin, kapag may na sayang ka maaaring maagawan ka nang hindi mo namamalayan."
Iyan ang sabi sakin ng aking nanay.
Pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya.
Maagawan na kung maagawan, may mga bagay pa diyan na nakalaan sayo na hindi maaaring maagaw ng iba sayo. wala akong pake kasi walang makakapigil sakin.
Sa buhay kong ito wala nang bago.
Bahay - School - Mall - Bahay lang naman routine ko araw-araw.Minsan late, minsan hindi. Minsan kumakain ng umagahan, madalas hindi. Panganay ako at napakahirap maging isang panganay na anak. Lahat ng expectation nila ay kailangan mo makamit.
Simpleng estyudante lang naman ako na may magulong buhay at lalong gumulo dahil sa mga taong biglang dumating. Sa kanila ko nalaman kung pano lumaban, magmahal, masaktan ng sobra, magsabi ng problema at matuto ng mga kalokohang hindi ko pa nagagawa. Mga lihim na maaring mabunyag at makasira sa iba o samin. Mga taong hindi nag papatalo sa mga bagay na gusto nila ngunit malabo naman nila itong makuha.
Habang iniisip ko ito, may mga tanong pumasok sa utak ko.
"kailangan bang lumaban ng isang tao sa isang bagay na hindi nakalaan sa kanila? Kailangan ba nating maranasan ang lahat ng sakit para maging isang tao? Ano nga ba ang pinaglalaban natin sa buhay natin? Pag nakuha ba natin ito, sasaya ba tayo?""Ang buhay ay isang malaking digmaan na kailangan lagi kang handa. Handang masaktan, matalo at manalo sa gerang pupuntahan. "
