Huhugot ka pa?
Hala ka! Eto nanaman po tayo. Umiiyak nanaman tong bestfriend ko dahil niloko nanaman siya ng bago niyang boylet.
"Tumahan ka na, okay? Di bagay sayo umiiyak. Para kang basahan na pinipiga."
"Ang sama mo talaga sakin kahit kelan." Sabi niya habang nagpupunas ng luha. Eh sa mukha nga siyang ganun eh.
"Ano nanaman bang ginawa sayo?" tanong ko
At ayun kinwento niya sakin na nangako daw yung boyfriend niya na maghihintay daw siya hanggang sa makasal sila pero ayun nangangaliwa na agad hindi pa nga kasal.
Yan ang mga problema sa mga lalaki eh, mangangako tas mapapako. Oops! Hindi ko nilalahat ah. May MGA lalaki lang talagang ganun.
"Ayan ang napapala mo sa kaka hanap mo ng magiging katuwang mo pang habang buhay eh. Like duh. WALANG FOREVER!" sigaw ko
"Ang bitter nito. Palibhasa wala kang kasintahan." Sabi niya sabay irap. Ako walang boyfriend? Oo tama siya wala akong boyfriend. At bakit? Para san pa? Eh sakit sa ulo yang mga yan. Hindi lang sa ulo, pati na rin sa puso. Pag nagmamahal ka hindi pwedeng di ka masasaktan. Kaya yung iba di nagmamahal kasi takot masaktan. So why love, If it only brings pain in you?
"Hindi ko kailangan ng boyfriend. Ikaw kaya ka lang naman naghahanap ng boyfriend para may tagamaneho ka ng sasakyan mo. Edi sana driver ang hinanap mo hindi boyfriend."
"Puro ka nanaman hugot. Tapos ka na? Wag ka na kasing bitter. Tska excuse me, may driver ako basta gusto ko lang makahanap ng lalaking mamahalin ako ng totoo at gusto ko yung pang forevermore ang dating."
"Asa ka pa. Walang permanente sa mundo, lahat ng bagay nawawala at nagbabago kaya wag ka ng maniwala sa forever."
"Bitter ka talaga kahit kelan." Sabi niya sabay hila sakin.
Papunta kaming starbucks ngayon para bumili ng kape dahil bangag kami kagabi sa kaka-review ng Filipino. Eto kasing si Sir. EM ang daming pinapagawa. Buhay nga naman, sobrang hard na. Sa sobrang hard mas gugustuhin mo na lang din maging bato.
Nang makarating kami dun agad na pumunta ang kaibigan ko sa counter at ako naman sa may table. Agad kong nilabas ang aking cherry mobile na cellphone na may triple sim para mag laro ng pinoy henyo mag isa. Galing diba triple sim tas sabay mag pipinoy henyo ako mag isa. Pero syempre biro lang, mag ttwitter ako since nakakabagot sa lugar na to.
Medyo natagalan ang kaibigan ko sa pag order kaya medyo naiinip na ako kakahintay. Agaw pansin naman ang mag-jowang tong sa loob ng starbucks dahil nagsisigawan sila.
"ANO BA? AKALA KO BA MAHAL MO AKO? EH SINO YANG KASAMA MO DITO HA?"
"Babe, quiet shhh. Tropa ko lang yan."
"Tropa? Bakit di ako nainform na may tropa pala na nag lalandian."
"Babe naman wag kang gumawa ng eksena dito. Nakakahiya sa mga tao oh."
"Anong mas nakakahiya, ang mag sisisigaw ako dito o ang pagsama mo sa hipon na yan. Babe mas maganda ako diyan oh. Sexy lang yan pero di yan maganda."
Oh ang taray ng eksena nila diba? Parang The Mistress lang ang dating. Yan na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong magmahal. Kasi masasaktan ka lang. Tulad niyan.
"Binigay ko naman sayo ang lahat. Pati puso ko nasayo na. Hindi pa ba sapat?" sabi ng babae sabay iyak.
Oh diba? Binigay na niya daw ang lahat pero mukhang kulang pa. Pati daw puso binigay na. Literal na puso ba? Buti buhay pa siya. Biro lang. Anyway, may mga tao talagang kahit ibigay mo na ang lahat, kulang pa rin para sakanila kasi ang puso nila parang California King bed, pwede magkasaya kahit tatlo.
"Sorry na babe. Hindi ko sinasadya na saktan ka." Sabi nung lalaki.
Oh hindi niya daw sinasadya at nag sorry pa. Makakatulong ba ang sorry niya? Mahihilom niya ba ang sugat ng babae sa sorry niya? Para saan pa ang pulis ko may sorry naman pala. Ang sorry hindi yan doktor na kayang magpagaling ng sakit.
"Hindi mo sinasadya? Eh kung sapakin kita at sabihin kong di sinasadya, okay lang ba?" sabi ng babae habang umiiyak pa din.
"Ang arte mo naman. Wag ka ngang gumawa ng eskandalo dito. Nakakahiya ka." Sabi nung isang babae. Yung kabit.
Oh diba pakapalan lang. Siya pa may ganang magalit matapos niyang agawin ang lalaki dun sa babae. Nakakainis lang isipin no? Na may mga ganyang tao na sila na nga ang may kasalanan sila pa tong may ganang magalit. Hindi ko talaga maintindihan ang henerasyon natin ngayon. Hay nako mapapa sapo ka na lang sa ulo mo dahil sa mga nangyayari.
"Oh bakit parang naiinis ka na diyan." Sabi ng kaibigan ko pagdating niya.
"EH SA ANG TAGAL MO DUMATING EH!" sigaw ko.
"Easy ka lang. Konti lang kasi yung nag seserve dun kasi yung iba inaawat yung mag jowa. Grabe no? Para kang nanonood ng live na movie." Sabi niya habang nanonood sa mag jowa na hanggang ngayon ay nag aaway pa rin. Sabi na nga ba't sakanya ako nag mana sa pagiging chismosa eh.
Paalis na kami since tapos na mag away ang mag jowa. Oo dun lang kami umalis pagkatapos nila mag away dahil gusto pa daw manood ng kaibigan ko ng live na away. Napa iling na lang ako sa kalokohan ng babaeng to.
Agad namang may lumapit sa akin na crew ng starbucks.
"Miss, yung cellphone mo nakalimutan mo." Sabi niya ng nakangiti sabay abot sakin ng aking cellphone.
"Nako salamat." Sabi ko sabay ngiti. Ang pogi ng lalaki para siyang anghel kung ngumiti. Napangiti naman agad ako sa naisip ko.
"Yan ba yung tinatawag nilang love at first sight." Tukso ng kaibigan ko. Inirapan ko na lang siya.
"Love at first sight?" tanong ko
"Oo. Yan yung unang kita mo lang sa tao, nainlove ka na."
"Pinaglololoko mo ba ako? Tinagalog mo lang eh. What I mean is pano mo nasabing love at first sight."
"Well actually di ko rin alam. Feel ko lang na love at first sight ka." Sabi niya sabay inom sa kape niya.
"Paano naman naging love ang first sight yun. Eh hindi naman mata ang unang umiibig." Tanong ko.
"Kasi alam mo, ang mga tao ngayon, basta maganda basta pogi, gusto na nila, crush na nila kahit di pa naman nila alam ang ugali nito. Kasi ang mga tao, itsura na lang minsan ang pinagbabasehan ngayon. Tulad ng sabi ko kanina, pag pogi gusto na nila. Pag maganda o sexy mahal na nila. Kasi mata ang unang umiibig, kaya nga love at first sight."
"Dami mong alam. Yan ang napapala mo sa kakamahal ng iba't ibang lalake. Ano huhugot ka pa?" tanong ko.
"Hindi na. Last ko nayun. Kung ayaw mo maniwala sa love at first sight. Araw araw tayo pupunta dito sa starbucks at baka sakaling maniwala ka sa second sight, third sight, fourth sight, fifth sight at kahit ilang sight pa yan. Malay mo pag nakilala mo na siya. Mag iiba na yung pananaw mo sa pag ibig. Hindi ka na magiging bitter. Malay mo hindi natin alam, kayo pa ang tumupad sa Forever.." sabi niya sabay ngiting nakakaloko.
-Zammyyy
(My very first One shot. Sorry sabaw. HAHA)
