"Ma"!
Tawag ni April sa mama niya. Kaagad siya dumiretso sa kusina.
"Mabuti dumating ka na. Tulungan moko rito. Maya maya samahan moko ihahatid ko itong order sakin sa bagong customer natin" sabi ng mama niya nakatalikod ito sa kanya dahil busy sa paghahalo sa pansit guisado.
"Sige ma, kanino ba yan ihatid?" Tanung ni April na tumingin sa pinagluto ng mama niya.
"Sa bagong lipat sa kabilang subdivision. Nakita niya kasi ako kanina naglako ng palitaw." Sagut ng mama niya na tumango naman si April.
"Oh kamusta yung niluluto mo kagabi? Kinain ba sa guro mo? Tinanggap ba niya?" Tanung ng mama niya.
Tahimik si April ng nilingun siya ng mama niya. "Oo naman ma!. Tas sabi niya thank you"! Sagut ni April na nakangiti naimagine niya kasi kanina ang hitsura ng teacher niya.
"Sino binigyan niya ma? Anu yun Aprilyn? Sino pinagluto mo ng cookies?"
Takang tanung ng ate niya na kakarating lang nito. "Mano po ma" sabay kuha nito sa kamay ng mama nila.
"Wala ka na do'n ate" sabay alis ni April.
Napakunot ang noo ni Alice at ng mama nila sa ginawa ni April. "Hayaan mo nalang ang kapatid mo. Crush niya lang yun." Sabi ng mama nila.
"Ma, bata bata pa si Aprilyn, alam niyo naman ang nangyayari ngayun na panahon?" Puno ng pag alala si Alice sa kapatid niya. Alam niya crush lang ang nararamdaman ng kapatid niya pero natatakot siya.
"Wag kang praning Alison, pang inspirasyon yun ng kapatid mo. Tsaka may tiwala kami sa kanya sa inyo." Sagut ng papa nila na nakipagpalitan sa mama nila sa paghahalo ng rekado.
Pagkapasok ni April sa kwarto niya. Kaagad siya humiga sa kama niya. Wala rin naman siya'ng duty kaya dumiretso siya umuwi.
Agad tinext ni April ang teacher niya.
"Hi sir good afternoon andito na ako sa bahay" text niya sa teacher niya. Inasahan naman niya na hindi talaga siya sasagutin sa text nito pero nagpapasalamat parin siya dahil binigyan siya ng number ng teacher niya.
Bumangun muna si April nagbihis pagkatapos naglinis sa kwarto niya napatingala siya sa kisame at ngumiti.
"Bakit ba kasi ang gwapo mo sir?" Tanung ni April sa wallpaper ng cellphone niya.
"April?"
Napabangun si April at lumabas na ng kwarto niya.
Nakita niya mama niya naghahanda ng dadalhin niya. "Malayo ba yun ma?" Tanung ni April saka kinuha na ang isang kakanin.
"Hindi kaya tara na" sabay nauna ito naglakad palabas sa bahay nila. Sumunod naman si April.
"Oo nga pala umalis ka na diyan sa trabaho mo" biglang sabi ng mama niya na dali dali naman tumabi si April sa paglalakad nila.
"Ayoko ma, sayang din yun kahit papano may panggastos ako sa project ko. At pangbaon ko. Alam ko kasi nahihirapan kayo ni papa sa gastos ng dalawang kapatid ko." Gusto rin naman niya makatulong kahit kaunti.
"Isa pa ma masaya ako sa trabaho ko, may natutunan ako" dagdag ni April.
"Basta kapag napapagud ka aalis ka diyan. Maghahanap ka ng ibang mapapasukan" sabi ng mama niya. Saka huminto sila sa isang gate.