Chapter 1

23 3 0
                                    

"Ang sakit!! Maiintindihan Mo lang ako kapag nainlove ka na at pag nag heartbroken"

Ang aga aga umiiyak tong kaibigan kong to. Kung hindi ko lang siya best friend eh.Hayss.

"Tahan na Jackie, ganon talaga ang mga ibang lalaki nangiiwan" sabi ko sa kanya habang tinutulungan siya mapatahan.

"Ehhhhhhhh hindi ehh. Ako yung nakipag break sa kanya. Sabi ko kasi..."

"Anong sinabi mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Bastaa"

Ito talga to ang bitin magsalita. Bitin na bulul pa. Hays.

"Tahan na Jackie, nakakahiya nasa public tayo. Pinagtitignan tuloy tayo oh."

Tingin naman siya. Eh na sa bahay lang ako ni Jackie.Makakalimutin din pala siya ahahah. Nakalimutan ko. Kaya nga baliw masyado si Jackie pag dating sa lovelife. Jusme.

"Mag move on ka na kasi. 7 months na po kayo break ni Tyler! For goodness sake Jackie move on! Moveon na teh!" Pasigaw ko na sabi kay Jackie.

"Di ko kaya ehh. Idadaan ko nalang ito sa pagkain." Sabi nya sabay dila sa bibig.

Pumayag naman ako dahil mahilig din ako sa mga pagkain. Japanese foods to be exact. Pumunta kami sa isang kilalang Japanese restaurant. At nagorder kami ng makakain namin.

Sorry I forgot to introduce myself. I'm Michelle De Guzman, 17
years old. Mahilig ako sa sports,drawing,singing,dancing,acting at valedictorian noong nasa high school at 2 honorable noong grade 6. Maraming naiingit sa akin tulad ni Natasha na maganda pero walang alam kundi magpasikat sa kanyang yama- sorry, na carried away ata ako ahahah.

Nag order kami ni Jackie ng makakain. Tempura,Gyoza at sushi.
Naglalaway na kaming dalawa nung binigay na ang mga pagkain.

Diretso lamon naman tong PG kong kaibigan. Oo, PG. Pataygutom!

Pagkatapos namin kumain, napagisipan namin na pumunta muna ng mall. Sumakay kami sa isang taxi na papuntang Mega.

Dumiretso kami sa department store at hinila ako ni Jackie papunta sa mga section ng bag.

"Uy bili tayo ng Hermes na bag ang ganda!!!" Umirap lang ako sa kanya at tumango. Hindi naman kasi ako mayaman eh. Siya lang. Pero infairness kay Jackie maganda na mayaman pa at hindi mayabang hindi tulad ni Natasha na ma- lagi ako nakecarried away sa kanya. Bakit ba? Parang may ginawa siya sa akin dati na nakalimutan ko na o hindi kaya ay hindi ko masabi.

Pagkakuha ni Jackie ng nagustuhan nya na Hermes bag ay binayaran na nya ito. Hindi pa siguro siya nakuntento sa bago nyang bag. Hmfft.

Niyaya ako ni Jackie na pumunta sa Timezone.

"Timezone? Seryoso ka? Ang tanda na natin at nakakahiya. Huwag na. Sa iba na lang tayo pumunta." Sabi ko habang lingo lingo ang ulo.

"Sige na bes. Pagbigyan mo na akooooo gusto ko maglaro ehh dun sa parang machine na parang may claw na ikaw ang kukuha ng laruan? Sige na bes" Pagmamakaawa nya habang nakacute face at nagpout.

Simpleng "geh" lang ang naisagot ko at pumunta agad sa counter si Jackie. Habang ako tingin tingin na lang sa loob ng timezone. Nagmamasid.

May nakita akong machine na maghuhulog ka ng barya at tutulakin nito ang barya sa loob. Naengganyohan tuloy ako maglaro dahil ito ang favorite kong laro sa timezone noong highschool ako. Pumunta ako sa counter at nagpapalit ng pera sa barya.

Sinaktuhan ko ang atras abante ng machine para makakuha ako ng maraming ticket. Unang hulog ko ng barya ay 7 na barya na ang natumba kaya 7 na tickets ang nakuha ko.

Naglaro ako ng naglaro hanggang limang barya na lang ang natira. Unang barya, pangalawa,pangatlo,pangapat, walang natumbang barya.

Itong nagiisa kong barya nalang sana ang ihuhulog ko kaso may nakatapak sa akin at nabitawan ko yung barya ko at nahulog ito sa machine. Anak ng tipaklong o yung shot na yun sana mahuhulog ang eleven na barya. Halos lahat kasi ng barya sa sides na nakapwesto at 79 percent chance na mahulog ito kung hindi sana nakatapak ang matalinong taong ito.

"Sorry." Yan ang narinig ko sa nakatapak sa akin. Sasabat na sana ako kung hindi sya tumapak marami na sana akong tickets ngayon. Pero nilusot nya ang barya nya at natumba ang labing isa na barya. Ay hindi, naging 12.

"Mali calculation mo Michelle, 83 percent dapat para sa 12 na barya." Kinuha nya ang ticket na lumabas sa machine at dinagdagan ito ng 40 pang ticket.

"Huh ano to?" Tanong ko habang nakatitig sa tickets na bigay niya.

"Natapakan kita eh. Bayad ko."

Tinanggihan ko ang tickets na bigay nya pero bago ako magsalita tumalikod na siya.

"The name's Mike by the way" Yan ang huling sinabi nya bago sya umalis ng tuluyan.

Hindi man lang ako nakapag thank you ng maayos.

"Ayieeeeeeeee" Ay jusko day! Napatalon na lang ako sa lakas ng tili.

"Bes sino yun? Admirer?" Ay si Jackie pala.

"Gagi hindi no di ko nga kilala yung tao eh." Pagpapaliwanag ko.

"Paano nya nalaman ang pangalan mo?" Tanong nya habang naka ngiti ng malawak.

Oo nga no pano nya nalaman ang pangalan ko? At ang pangalang Mike? Parang alam ko yan. Mike Medino? Mike De Jesus? Ano? Ang daming Mike ang kilala ko eh. Tsk. Di ko kasi nakita ang mukha nya di ko tuloy malaman kung sino. Hmphtt.

********

Haha sorry guys konti lang keep updated kasi iuupdate ko pa to ahahah.

Pls comment kung may suggestion para sa story ko tnx.

Vote,read,comment

~~ihascupquakelovee

Perfect twoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon