Hoy !

24 0 0
                                    

Hoy ! Oo ikaw nga ! Di kita DIARY, okay ? Wala lang akong makausap kaya ako nag susulat dito. Inuulit ko di kita diary !

Hoy!

Hindi ko alam kung anong pwedeng itawag sayo kaya hoy na lang. Nakita ko sya kanina, di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Para bang lahat nag play back simula umpisa, yung saya, yung mga tawa nya, yung mga ngiting alam kong para sa akin lang, yung sweet words nya, yung holding hands na may pa sway sway pa, yung mga letters, yung pagiging pikon nya, yung mga asaran , yung mga good morning at goodnight nya, at higit sa lahat yung pag mamahal nya. Pati yung sakit at pait bumalik din. Ewan ko ba pero nung nakita ko sya isa lang naisip ko. BAKIT ?

Hoy !

Ang hirap palang mag move on no ? Kase kahit san ako lumingon andun yung alala. Nakakatawa nga ehh ako laging nakaka alala sya kaya naaalala nya ko ?

Hoy !

Nakakatanga mang pakinggan pero mahal ko pa din sya, mahal na mahal. Pero ang hirap lalo at araw araw ko syang nakikita. Nananadya ba ang tadhana at lagi ko syang nakikita ? Habang ako nag luluksa sya ayun masayang masaya at parang nakalimutan na ko ng tuluyan. Parang di nya ko kilala na nilalagpasan na lang basta. Ganun ba talaga dapat ? Pag nakaraan mo dapat balik to strangers ? Bat may iba na kahit tapos na ang relasyon nila in the end mag kaibigan sila . Bat kami hindi ? Sabagay mas maganda na yun ganito para kahit paano, paunti unti maka move forward ako at matanggap ko na wala na talaga kami.

Hoy!

Bat sa kanya napaka daling itapon ng halos dalawang taon naming pag sasama ? Ganun ba ko kadaling kalimutan ? O hindi nya lang talaga ako minahal ? Hahaha. Nak ng ! Ang sakit lang ! Ano ko pampalipas oras ? Isang bagay na pag sawa na sya itatapon na lang nya basta ? Sabihin mo nga saken hoy panget ba ko ? Wala ba kong kwentang tao ? Feeling ko kase isa akong laruan na napag sawaan.

HOY !

Ayan all caps para intense. Natawa ako ng may ipabasa saken mga kaibigan ko sa wattpad. Yung 11 ways to forget your ex-boyfriend, di ko alam pero nung nakita at nabasa ko yun parang gusto kong sundin kung ano man ang nakasulat dun. Ito na nga ba ang sign na dapat mag move forward ako at wag ng lumingon pa sa nakaraan ? Ang wag umasa na babalik pa kami sa dati ? Napakadaling sabihin pero alam kong di ganun kadaling gawin. Di ito parang overnight na natulog lang ako at sabihin sa utak at puso ko nakalimutan na at wag masaktan ay mangyayari agad kinabukasan. Process, isang healing process at ang kailangan ko , oras at ang tulong ng mga kaibigan ko.

HOY !

Sabi ng mga kakilala ko bat di daw ako mag bago para balikan ako ng ex ko at manghinayang na iniwan ako. Sabi naman ng mga kaibigan ko "Wag kang makinig sa mga baliw na yun. Kung mahal ka nya talaga kahit na para kang si Satanas sa sobrang sama ng ugali tatanggapin ka pa rin nya dahil ganun ang tunay na pag mamahal. Acceptance, isa yan sa mga kailangan para maging matibay ang isang relasyon." Pero ano nga ba talaga ang batayan ?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon