OSS #1 Accidentally in Love with a G

200 3 0
                                    

A/N : First short story ko po ito sana suportahan niyo tulad ng pagsuporta niyo sa The Pseudo Relationship Deal. Don't forget to comment and vote po. I-share and spread sa kapwa wattpad readers. Any violent reactions i-comment lang po. Thanks! Uunahan ko na po kayo baka kasi magtaka kayong kung short nga ba. Short yan sadyang marami lang akong churva ek ek pasensya na din po sa mga mura mahirap iwasan minsan kasi nakakadagdag sa feelings yung mura kaya pasensya talaga.Enjoy!

Lovelots.
weirdlovepad

--------

Haaay. Asan na kaya yung babaeng yun? Ang tagal tagal ko ng naghihintay dito sa harap ng assessment bibili lang ng makakain ang tagal tagal!

Hi. Ako nga pala si Marnelle Jayne Martinez 3rd year BS Psychology student dito sa Dream University. Sino hinihintay ko? Si bah.

Nagtataka kayo? Bah kasi tawagan namin ni Faye Rosario same age, same course same year lahat ata same na samin except ang mukha. Haha syempre we're unique in our own ways. Bah stands for Bestfriends Always Hungry. Ayos noh? Pareho kasi kaming PG. Mga patay gutom! Hahaha

Anyways. Balik na tayo sa story ko. Nasa assessment ako ngayon hindi para magpa-assess ng babayaran kundi para abangan yung crush ko. Ginawa na naming tambayan itong assessment para lang makita yung kaisa-isang crush ko. Desperada na kung desperada at kahit ano pang sabihin sakin ng iba

Gusto ko siya at feeling ko mahal ko na siya..

"Tadaa!" bulaga sa akin ni Faye. Hay nako! Itong babaeng ito talaga kung maka-tadaaa! parang kasing bilis ng daga kung bumili eh inabot na ng ten years wala pa rin

"Ay nako wag mo akong aartehanng ganyan bah! Hinintay ko pang maluto yang favorite mong pancit canton hot n spicy pa! Ang init init na nga sa pinas nagpapapawis ka pa!" Ayan nakahalata rin siya sa pagkainip ko

"Kiber mo ba eh fave ko nga di ba?" sagot ko sakanya habang binubuksan yung styro laman ang napakabangong pancit canton ko. Huwaaahh! Im in heaven!

"Oo na diyan. Your welcome ha?!" sarkastikong sagot niya "Oh any luck bah?" tanong naman nito habang sarap na sarap na kumagat sa lumpiang gulay

Nag-shrugged lang ako. Giving her a sign na wala pa ngang luck hanggang sa buong araw akong naghintay sa wala. Napatapon lang kung saan ang bag ko pagkauwi ko sa bahay at agad humilata sa kama.

"Kainis ka naman crush! Mag iisang sem na kitang inaabangan hindi ko pa rin alam pangalan mo" napabuntong hininga nalang ako. Halos isang sem ko na nga siya inaabangan sa assessment bukod sa dun ko siya unang nakita dun ko rin nalaman na student assistant pala siya dun. Araw araw ko siyang nakikita dun palakad lakad kung ano-ano dala at binibigay.

OA na kung OA ako magstalk. Basta ang alam ko na-love at first sight ako sakanya. Totoo naman yung ganun di ba? Enrollment kasi that time at may usapan kami ni Faye na sabay kami.

Flashback

mag-iisang oras na wala pa rin si bah. Kaya sa sobrang kapraningan ko oo napraning ako bakit ba?! ang hirap kayang mag-isa mong mag-enroll bukod sa maraming kapwa estudyante ang lungkot kasi wala akong ka chika kaya yun nakabunggo ako. Hindi kasi tumitingin sa daanan e pasensya ha? Pagkalingon ko

Ay shet ang pogi!

Sigaw ng inner malanding self ko. Wala akong pake kung nahulog yung folder ko pero shet talaga ang pogi niya!

Dayum ka kupido! Na-love at first sight ako!

Nakatitig lang ako sakanya nung pinulot niya yung folder ko. Tamang height, maamo ang mukha at maputi. Oh my karneng gulay! Ang bango pa niya.

One Shot Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon