Ako si tiffany, simple at mabait na babae. maraming nagsasabi na maganda daw ako pero hindi ako naniniwala, third year high school na ako ngayon. Nung first day of class, nahihiya ako dahil akala ko masungit at maarte ang mga kaklase ko pero nagkamali ako dun. After 2 days inayos na yung seating arrangement namin, katabi ko ay lalake at tahimik sya hindi kami nag-uusap dahil parehas kaming mahiyain. Nang recess na kasama ko ang dalawa kong kaibigan nung 2nd year, tinanong nila ako kung sino katabi ko at sino nasa harapan ko. tinuro ko yung lalake na katabi ko sa room at pati yung lalake na nasa harap ko, biglang nagulat ang kaibagan ko at sinabing 'Tiffany! siya yung lalake na hinihingi yung number mo sakin!' at sinabi ko ha? close pala kayo? biglang tumawa yung isang kaibigan namin at sinabing 'Nako tiffany, wag ka maniwala kay jane' at sabi ni jane 'Totoo tiffany! hinihingi nya number mo sakin Promise' hinayaan ko nlng yung sinabi ni jane.