Tikman Mo Ang Biko
Story by Right HandChapter 02
"Hello Maloi," bati ni Akira sa dalaga. Naroon sila sa school, "Para sa 'yo, special biko..." sabay abot kay Maloi ng isang styro na naglalaman ng biko.
Kinuha naman ni Maloi ang binibigay na biko ni Akira. Nakangiti ito nang bahagya.
"Ako gumawa niyan..." nakangiting wika ni Akira.
"Naku Akira, nag abala ka pa.. May baon naman ako." nakangiti ring sagot naman ni Maloi.
"Pero syempre, gusto kong matikman mo ito. Gawa ko 'to."
"Thanks ha?"
Nakangiti si Akira. Pagkuwa'y...
"Maloi, ahh... labas naman tayo after class." anyaya ni Akira.
Sandaling hindi nagsasalita si Maloi. Nag-iisip ng isasagot niya.
"Salamat na lang sa invite, Akira. Hindi ako puwede. May gagawin pa ako later.."
Nalungkot ang mukha ni Akira. Akala kasi niya ay papayag si Maloi. Si Maloi naman ay nalulungkot din dahil may gusto din naman kasi siya kay Akira kaya payag sana siya pero may pumipigil.
After ng pasok nila ay nakita ni Akira na pauwi na si Maloi. Nakita niya itong sumakay ng green car. Natanaw ni Akira na inalalayan ng isang lalaki na mukhang nasa 50 ang dalaga papasok sa kotse. Maya-maya, pumasok na din ang naturang lalaki.
"Rich kid pala si Maloi..." wika ni Akira sa sarili.
Sa loob ng kotse kung saan nandoon si Maloi...
"Luke, saan tayo papunta? Bakit iba yung daan?" tanong ng dalaga.
"Hanggang ngayon pa ba, di ka pa din sanay sa mga adventures natin?" nakangiting wika ni Luke.
"Please Luke. Masama ang pakiramdam ko ngayon. All I need is to go home." seryosong sagot ni Maloi.
"C'mon, Maloi. A month ago pa tayo huling nagkasama nang tayo lang..."
Inihinto ni Luke sa tabi ng kalsada ang sasakyan. Pagkuwa'y inilapit niya ang mukha niya sa leeg ng dalaga. Ang kamay naman niya ay humawak sa braso nito.
"Stop it, Luke." iniiwas ni Maloi ang sarili dahilan para mahinto si Luke sa tangkang paghalik nito sa leeg ng dalaga, "I'm tired. Gusto ko na talagang umuwi."
"Damnit! Bakit ba ang pakiramdam ko sa 'yo Maloi, iniiwasan mo ako, ha?" wika ni Luke sa tunog na pagalit na, "Don't tell me, may ibang lalaki ka na?" dagdag niya.
"Luke ano ba? Pagod ako. Ang gusto ko magpahinga na sa bahay. Bakit kung anu-ano 'yang pumapasok sa utak mo?"
"Dahil nararamdaman ko, umiiwas ka na sa akin."
Hindi nagsasalita si Maloi. Muli namang nagsalita si Luke. "Tandaan mo Maloi, akin ka lang! Walang ibang lalaki ang puwedeng agawan ako. Walang ibang lalaki ang makikinabang diyan sa katawan mo. Ako lang Maloi."
Hindi nagsasalita si Maloi. Ang totoo, gusto na talaga niyang makawala sa kamay ng mayamang si Luke Noble, 47 years old. Kaya lang paano? Si Luke, siya ang dahilan kung bakit may malaki at magarang bahay siyang tinitirhan kasama ang mga magulang niya at hindi sila nakukulangan ng mga pangangailangan kapalit ng ligayang naibibigay niya kay Luke.
Walang alam ang pamilya ni Maloi na may namamagitan sa kanila ni Luke. Si Luke ay amo ng ama ni Maloi. Nagkakilala lang sila nang minsang magyaya si Luke ng dinner kasama ang buong mag-anak niya sa BGC. Simula noon ay naging tago ang relasyon ng dalawa. Habang ang ama ni Maloi ay napromote sa trabaho sa kumpanya ng mga alak na pagmamay-ari ni Luke.
Kaya ang buong akala ni Mang Fritz, sadyang mabait lang sa kaniya si Luke kaya naging ganoon. Pero ang totoo, si Luke na mismo ang bumubuhay sa buong mag-anak ni Maloi.
ABANGAN!
YOU ARE READING
Tikman Mo ang Biko
Teen FictionAng kasaysayang ito ay tungkol sa isang binatilyong nagtitinda ng biko at sa babaeng mahal niya.