PROLOGUE

7 0 0
                                    

Sabi nila kung mahal mo ang isang tao handa ka sumugal kahit buhay mo na ang nakataya

Sabi nila kung mahal mo ang isang tao handa ka magsakripisyo para sa kalayaan niya

Pero paano kung sa isang iglap ang taong mahal mo ay hindi na nagparamdam at nalaman mo na lamang na wala na ito.

Hanggang saan ang kaya mo itaya?

Hanggang saan ang kaya mo isakripisyo para sakaniya?

Hanggang saan ang kaya mo para kayanin ang lahat?

" Xavierr!! Where the f*ck are you? Please sumagot ka naman sa tawag ko" sambit ng isang babae sa kaniyang telepono

"God please kung nasaan man si Xavier ingatan mo siya ibalik mo siya sakin ng buhay, hindi ko kakayanin na mawala siya please God please." Muli niyang hagulgol hanggang sa makatulog ito

_________________________________________________________________

Kinaumagahan, binuksan niya ang kaniyang telebisyon at ang unang kaniyang nakita ay ang kaniyang minamahal na si Xavier na wala ng buhay

"In a heartbreaking incident, Christian Monteverde, Matthew Castillo, Leandro Velasco, and Xavier Montenegro have tragically lost their lives, while Nathaniel Harris, Randall Harris, Kharl Brown, Jacob Brown, Paul Wilson, Alejandro Walker, Natan Clark, Jake White, Kyle White, and Callix Smith are among the ten survivors coping with injuries after the devastating event. Authorities are actively investigating the circumstances surrounding this tragic loss of lives."

Totoo ba to? Tanina? Paano, ano nangyare?

"Hello po Ms. Jane, I am nurse Eunice from St. Luke ikaw po kasi ung nasa unahan ng calls ni Mr. Xavier maari ka po ba pumunta rito sa hospital? Maraming salamat" sabi ng nurse sa binibini

Agad-agad naman kumilos ang babae at agaran niyang hinanap ang kaniyang minamahal na lalake

"Xavier!! No, no hindi ka pa patay hindi pa, No!!" sabi niya sakaniyang sarili at nilapitan niya ito at hinawakan ang telang naka balot kay Xavier at ibinaba niya ito at laking gulat niya ng makitang bugbug sarado si Xavier.

"Bakit? Bakit? Akala ko ba kakausapin mo lang si Kyle? Bakit, bakit nauwi sa ganito?!?" sambit niya sakaniyang sarili at napag desisyunan na hanapin si Kyle. Ang dati niyang manlilligaw na hanggang ngayon ay baliw na baliw kay Jane

"Nurse, may Kyle white ba dito? Ung sampung survivors na may mga sugat" tanong niya sa isang nurse

"Yes po room 420" sabi ng nurse at agad-agad siya pumarito

"Kyle!" sigaw niya ng makita si Kyle na buhay

"Anong nangyari?!?! Bakit mo pinatay si Xavier!! Bakit ano ginawa niya sayo!! Dapat ako nalang pinatay mo eh! Dapat ako na lang Kyle!" sambit niya sa lalaki habang umiiyak

"Hindi ako ang pumatay kay Xavier, sa tingin mo ba kayaa ko siyang patayin Jane?" tanong ni Kyle

"Kung nagawa mong ipapatay ang kaibigan ko sinisigurado ko na kaya mo ring patayin si Xavier! Kasi hindi mo matanggap na kahit kailan hinding-hindi kita mamahalin!" sigaw ni Jane kay Kyle

"Kaya pinagbibintangan mo rin ako na ako ang pumatay kay Xavier? Kahit tanungin mo pa sila Natan hindi ako o kami ang pumatay sakaniya! Isipin mo nalang Jane, hindi lang ako ang nasaktan. Malay mo marami pala talagang gusto pumatay sayo at kay Xavier pero sadyang si Xavier nga lang ang nauna." Sambit ni Kyle kay Jane

"Kung hindi ikaw ang pumatay kay Xavier sino? Sabihin mo sakin sino?!?!" tanong niya kay Kyle

"Hindi ko alam okay? Hindi ko alam!" sabi ni Kyle kay Jane

"Kung hindi mo alam, bakit kayo nasama nila Natan sa balita? At bakit rin kayo nasa gusaling kung nasaan si Xavier?" tanong ni Jane

"Dahil kinindnap kami nila Natan, ng tanggalin ng mga estranghero ung takip sa mata namin laking gulat nalang namin na si Xavier ay wala ng malay at bugbug sarado. At nakita namin ung bomba sa upuan kung saan malapit si Xavier at agad namang umalis ang mga estranghero kasama ang isang babae. Hindi kaya ikaw ang pumatay at nag utos na kidnapin kami Jane?" sambit ni Kyle

"Tanga ka ba?!?! Ipapatay ko ung taong mahal ko na si Xavier at ikaw na matagal ko ng kinalimutan dahil hindi kita kayang mahalin, para saan? Nahihibang ka na ata Kyle" sambit ni Jane

"Kung hindi talaga ikaw, bakit kasing tangkad mo lang ung babaeng kasama ng mga estranghero?" tanong ni Kyle kay Jane

"Hindi porque kasing tangkad ko ung babae ako na talaga un? Mag isip ka nga Kyle! Wala ng saysay ang pakikipagusap ko sayo!" sabi ni Jane ngunit bago ito umalis may sinabi si Kyle

"Hindi lang ako ang kaaway mo Jane. Malay mo mga nasa paligid mo lang. Don't trust too much Jane" sabi ni Kyle at tuluya na umalis si Jane

___________________________________________________________________________________________

Libing ngayon ni Xavier at pagkatapos ng misa ni Father ay tuluyan na ring inilibing sa hukay ang kabaong ni Xavier at nagsipag dalo rin ang sampung sugatan na sila Kyle sa libing ni Xavier. Pagkalipas ng limang minuto ay paunti-unting umaalis ang mga bisita

"Jane, patawarin mo ako pero totoo ang sinasabi ni Kyle, hindi kami ang pumatay kay Xavier maraming galet sayo at possibleng isa sakanila ang dapat ka patayiin ngunit iniligtas ka ni Xavier." Sabi ni Natan at tuluyan na silang umalis mag totropa

Naalala ni Jane na sila Kyle ay barkada ni Xavier noong grade 9 hanggang sa magcollege sila. Ngunit nang malaman ni Kyle na sila na ni Xavier ay doon nabuwag ang barkada nila.

'HUWAG KA MAG ALALA MAHAL, HAHANAPIN KO KUNG SINO ANG GUMAWA SAYO NITO. IPAGHIHIGANTI KITA KAHIT HANGGANG SA KAMATAYAN.' 


A/N: Just support my story. Thankie

Betrayed Badge: A Detective's Dark ConfessionWhere stories live. Discover now