* Prologue*

1 0 0
                                    

"Dan?" Tawag sa akin ng isang boses mula sa isang pamilyar na tao.

Nananaginip ba ako? O nag iilusyon?

"Ha" sagot ko naman habang wala paring ideya sa nangyayare.

"Naprocess mo na ba yung leave of absence mo?" Saad muli ng babae, si Elsie.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ng kaibigan ko.

"Teka nga, ano bang pinagsasabi mong leave of absence ha?" kunot noo kong tanong.

Tila siya naman ang naguluhan. "dan" inakay niya ako at pinaupo sa isang sofa malapit sa amin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan namin. Para bang nasa opisina kami base narin sa itsura ng silid.

" Diba sabi mo sa akin last week eh maglealeave ka muna sa trabaho kase nga kailangan mong ayusin yung sa inyo ng asawa mo?"

"A-ano?! asawa, wait, ano ba talagang nangyayari dito? Una, tinanong mo sa akin kung maglealeave ako, ngayon naman asawa?" mas lalong nagulantang ako sa sitwasyon.

Ano bang umiikot sa ulo ng bestfriend ko. May sinto-sinto na ba siya?

"Manager Dan, may naghahanap po sa inyo sa labas" isang magandang babae ang pumutol sa usapan namin ng kaibigan ko. Kung pagbabasehan ang kanyang itsura nasa bente anyos pa ito pataas.

"Manager?" napahawak ako sa ulo ko, "anong manager?" tumingin naman ako sa kanya.

"Po?" puno ng pagtatakang tanong ng babae.

"Shaira, can u go out for a while, kakausapin ko lang siya okay." agad namang sumunod ang dalaga.

Pagkalabas niya ay kinausap ako ni elsie "dan, ano ba. Just for now, mag isip ka muna ng tama. Alam kong may pinagdadaanan ka pero nagyon ka lang ngakaganyan. Never mo namang dinamay ang problema mo sa trabaho diba."

"T-teka, hindi ko lng talaga maintindihan elsie. Panaginip ba to o bangungot?" tumayo ako habang kagat-kagat ang labi at pabalik-balik.

"Dan, mas maiging umuwi ka nalang muna at magpahinga okay?" suhestiyon nito.

Nasa taxi na ako pauwi ng bahay, at gulong -gulo parin ako. Kung panaginip man ito ay bakit hanggang ngayon hindi pa ako nagigising?

Parang kanina lang eh isa lang akong hamak na fresh graduate sa college. Nagayon may trabaho na ako? Isa pa nagkaroon ako ng asawa nang di ko alam? Nasa future ba ako?

Teka! Parang ganun na nga.

Napakagat labi nalang ako dahil sa mga iniiisip ko.

"Kuya, maaari bang magtravel ang isang tao sa hinaharap?"

Biglaan kong nawika sa driver.

"Ma'am ano ppong pinagsasabi ninyo" tila nawewerduhan ito sa nabanggit ko.

"Wa-wala po, hayaan mo na." napabuntong hihinga nalang ako.


Pagkababa ko ng taxi ay agad akong pumasok sa bahay namin. Nagtataka ako bakit parang walang tao. Dati naman kapag dumadating ako mayroong sumasalubong sa akin, si dolly ang bunso namin. Nasa edad apat pa yun eh.

"Dolly, nandito na si ate" ani ko habang nagtatanggal ng sapatos. Nawindang na naman ako bakit nagbago ang lagayan ng sapatos. Tsaka bakit parang ang luma na agad eh kakabili ko lang yun kahapon. "ano ba talagang nangyayare?" napailing nalang ako.

"Anak? Nakapasyal ka." si mama na tila ba nagulat na makita ako.

Pati ba naman si mama nakikipaglaro sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY HANDSOME FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon