Chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4


"Hon, breakfast is ready." Sa pagpasok ko ay bumungad sakin si Pierce na naghahanda sa kusina. Sa paglipas ng araw, palaging umuuwi ito ng maaga. He makes our breakfast, lunch and dinner. Parang lahat nalang ng gawaing bahay gusto niyang akuin.

Ngumiti lang ako ng tipid at pinabayaan ito. "When are you going back to our room?" Tinignan ko lang ito at kumain. "Never mind." Bumuntong hininga ito at kumain. "Napag-isip-isip mo na ba?" Balik na tanong ko sa kanya. "What?" Sabi nya habang pinupunasan ang kanyang bibig.

"Itong nangyayari satin. Tsaka kailan mo ba ako papaalisin dito?" Tumataas baba ang kanyang balikat at nagpipigil atang manuntok."No one is leaving Antonina Isabell. No one." Madiin niyang sinabi habang tinitignan niya ako ng masama. My bad. Nagkibatbalikat lang ako at tinuloy ang pagkain.

Hindi ko pinansin ang pagdadabog niya at lumabas. Kailangan ko na pala tapusin iyong reports. Gagala ako sa boracay. Gusto ko sana sa Maldives pero wala akong pera so doon nalang siguro pagkatapos magpapalawan ako. I am giggling while going out to the mansion when Pierce's bodyguard block me. "What's this? Wha-----"

"Thank you. You may go now. Lets go, Hon. You are riding with me." Napatingin naman ako sa kapre ng pinatunog niya ang sasakyan niya. "Excuse me?" I tried to get pass his body guards but they are blocking me. "Honey, please don't be stubborn. It's been days since you have it your way and I'm done. Just please don't test my patient." Sabi niya at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Tinignan ko naman ito at parang konting-konti nalang masusuntok na ako sa kapre na to. I just roll my eyes and let him have his ways. Padabog akong sumakay habang iyong isa parang nagmomodel pa sa labas sobrang bagal maglakad. Sa pagpasok niya ay hinarap ko ito. "Pierce pwede bang bilisan mo naman? Sa laki mong tao para kang unano maglakad. Mas mabilis pa nga siguro sila." He just chuckles and drive away.

"What's unano, hon? Sorry still not good with my tagalog."

"Pano maging good? Eh english ka ng english."

"You're cute when you're mad." Sabi niya at kinindatan ako. Namula naman ako konti. Ang rupok amputa. Nakita ko na mas lalong tumawa iyong kapre. Nakita niya siguro pamumula ko. Umirap lang ako at pinabayaan siya.

"Ako kukuha sayo mamaya pagkauwi mo." Ang sexy niya talaga magtagalog, slang nga lang. Tumango lang ako at lumabas sa sasakyan. "Oy bati na sila. How's your night madam?" Bungad sakin ni Katie pagpasok ko sa office. "Oh please don't start with me." Tumawa naman ito at kinuha ang aking bag.

Pumunta ako sa counter at tinignan ang mga pastries at drinks. "May stocks pa ba sa beans Katie?" Napatingin naman ito sakin. Tinaasan ko ito ng kilay dahil mukhang nakalimutan ata. "Chariz lang madam. Yes po good for a week iyong nandito and next week ata iyong delivery confirm ko mamaya. Chill ka lang." Kinindatan ako nito habang binibigay iyong clipboard kay Jess.

Napailing nalang ako at pinalitan saglit si Jess. "Take your break for a while. Ako muna dito."

"Ay okay lang Madam."

"Sige na. It's okay. Nakita ko kanina ka pa tulala at scribble ng scribble ng kung ano ano. Ginagawa mo lang to pag may assignment kang di natapos. Kaya go tapusin mo na para mapalitan mo na ako."

"Thank you Madam." Jess is my working student. Mag-aaout yan mamayang 2 para sa classes niya at bukas na babalik. I am busy getting orders when one of the customer just keeps on staring at me. "What can I get for you, Ma'am?" Ulit ko baka kasi di narinig. "Mrs. Antonina?"

"Yes? How do you know my name?"

"hehe ako po ito si Antonnette Rose po." Napatitig naman ako sa kanya. I don't think I get her. "Iyong sa pharmacy?"

"Oh yes! How are you dear?" Sabi ko habang nagpipindot. "What do you want pala?"

"Ay ano lang po matcha frappe lang po." Tumango naman ako at sinali ang cheesecake at brownies. "Bran, ikaw muna dito. Ilagay mo ito sa table 5 and lagay mo sa tab ko." Kukuha na sana ito ng pera nang hinala ko ito. "Don't pay dear. Ako na. So kamusta tinawagan mo na ba?"

"Iyon na nga po Mrs. Anto--"

"Hep hep call me ate nalang."

"Kasi po okay na sana kaso iyong record ko po kasi. Eh nakapag 1st year po ako, 1st sem may naibagsak ako na subject tas di ko na tinuloy gawa ng kapos sa pera eh natakot na po ako." Napatango naman ako. Naalala ko na iyong scholarship grant ni Pierce ay maganda dapat academic status at walang bagsak. "Kaya ayon." Napatingin naman ako sakanya. Nakikita mong nawalan na ito ng pag-asa.

"Ay hala bat andami." Napatawa naman ako ng mahina nang ilapag na samin iyong order niya. "Dinagdagan ko. Kumain ka muna."

"Salamat po ate. Pasensya na po talaga at di ako pasado sa scholarship."

"Ano ka ba, dapat ako nga magsorry sayo. Di ko kasi alam na ganon pala. Umasa ka tuloy sa wala." Naawang tinignan ko naman ito. If only I could do something about the rules. Napag-awayan na kasi namin to ni Pierce. Sabi ko sobrang taas ng standard nila baka pweding babaan pero sagot nya we are already helping them achieve their dreams, they should help themselves more, improve and do more di ko maintindihan pero unti-unti nang tumatak sakin.

The grant is giving them a full tuition fee to the school they want, monthly allowance for 5k and nasa kanila na if they wanted a part-time job. Once you enter, your education was secure, as long as wala kang bagsak, qualified ka pero pag meron wala na.

"How about this, I can offer you a job and maybe find a state university to start again?" Nanlalaking matang tinignan naman ako nito. "Bakit niyo po ito ginagawa?" Nagkibatbalikat ako. "Naalala ko kasi sarili ko sayo. I just wanted to help."

"Hala nakakapressure. Pag-iisipan ko po. Anlayo din kasi ng state universities sa bahay namin baka kulangin ung pasahe ko sa pangangailangan ko araw-araw. Lalo na't nursing kukunin ko."

"About that, what if sa bahay ka? Like doon ka magwowork?" She is staring at me. "What?" Umiling lang ito at uminom.

Nakaalis na si Antonnette at nandito ako sa office nagpipirma ng mga papeles. Sabi niya pag-iisipan niya daw muna at tatawagan ako. I was down on my last paper when Katie knocks. "Madam, di ka pa aalis? Nasa labas na po si sir." Napatangin naman ako sa orasan. It was 5 already at di ko na napansin. "Sabi niya wag ka daw muna gulohin pero kanina pa po kasi sir at aalis na din po ako, madam." Ngumiti lang ako ng konti at tumango. "Thanks Katie. Ingat ka." Sabi ko habang inaayos ko ang gamit ko.

Sa pag-alis ni Katie at inayos ko na ang mga gamit ako. Sa paglabas ko ay dumiritso ako sa parking lot. "Hey, how's your day?" Napatingin naman ako sa kapre na nakasandal sa sasakyan. I just ignore him and went inside his car. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Let's have dinner." Napatingin naman ako sakanya. "Okay."

Ilang oras ang nagdaan napansin kong parang anlayo na namin. "Wait. Parang anlayo na nati. Where are going?"

"A date."

"What? Are you se----"

"Honey please, just shut up!" Nagulat naman ako sa pagtaas ng kanyang boses. Tinaasan ko ito ng kilay ng tumingin ito saglit sakin. "I mean. Just trust me." Unti-unti naman akong tumango at pinabayaan ito. "Okay." Hinawakan niya ang aking kamay at nilagay sa kanyang bibig. Unti-unting dumadampi ang kanyang mga labi, "I love you so much Antonina Isabell...." 

The Vows: Love or Lust?Where stories live. Discover now