Ikalawang Yugto

39 4 0
                                    


Natsumi's POV

Abala ang lahat sapagkat ngayong araw ang nakatakdang araw sa muling pagbubukas ng kalasag ng isla, at maaaring kung sino sino na lamang ang makakapasok sa islang ito, dahil ang kalasag na gawa ni Dakila noon ay may kahinaan din. Nagbubukas o humihina ito, dalawang beses sa isang taon.

Sa panahong iyon ay may tao kaming pinapalabas upang mag matyag sa labas ng isla, kung ano ang mga kaganapan doon.

Nakagawian na namin ang pag matyag sa tuwing nakatakdang humihina ang kalasag ng Casa Bergara. Kaya minabuti muna ni Ninonong Dakilang Bergara ang pag matyag dito, bago pa man siya pumanaw at paano namin susulosyunan ang problemang ito.

Sa tulong ng mahiwagang mahika ng anak ni Dakila na si Trinidad ay napapanatili naming hindi nakikita ang isla, ngunit sa parte lamang na aming pag di'diinan ng pansin.

Lubhang mahina na si Dakilang Trinidad, hindi na siya magtatagal pa sa mundo. May isang anak naman siyang babae subalit itoy maitim ang budhi at maging si Dakilang Trinidad ay kaniyang inaalipusta, ngunit sa kasamaang palad ay patay na ang anak nitong si Vacion.

Si Dakilang Trinidad at ang kaniyang anak ay mga hachesiera. Subalit si Vacion na anak ni Dakilang Trinidad ay tinatawag na noong bruja.

May napansin kaming isang sasakyang panghihimpawid at deri deritso itong bumabagsak sa isla.

"Heneral, ano na po ang ating gagawin?" Tanong ng kasama kong sundalo sa aking ama na isang heneral.

Nakatitig lamang si ama sa aming pinapanood habang si Dakilang Trinidad ay itinutok ang kaniyang diamante at pilit na isinasara ang kalasag, ngunit nabigo kami.

May dugo ang lumabas sa kaniyang ilong at natumba.

Narinig naman namin ang tunog ng pagsabog ng kung ano mang bumagsak. Agad naman kaming inutusan ni Ama na puntahan iyon, at siguraduhing mahuhuli ang lahat ng nakasakay sa sasakyang iyon.

Agad naman na lumabas ang pakpak ng iba kong kasama at nagmadaling tumungo doon.

"Lagi na lamang tayong nahuhuli sa mga taong ibon na iyon." Nakangising bulong sa akin ni Huarys. Siya ay aking matalik na kaibigan at isa siyang bampira, sila lamang ang may pinaka kaunting bilang ng lahi sa isla namin, sapagkat hindi sila nag sisilang, kahit na iba iba kami ng mga formas, ay magkaisa parin kami. Kami ay mga cambiaformas.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Ilang dekada ka na bang nahuhuli sa kanila? Huarys?" Nakangising tanong ko sa kaniya, kayat hindi na siya sumagot at naglakad na lamang.

Pagdating namin sa lugar na iyon, ay mausok.

"Pero, ako ang nauuna dito. Kaibigan" saad ni Huarys at naging pula na ang kaniyang mga mata, hudyat iyon na pag gamit niya ng kaniyang kakayahan upang malinaw na makita ang mga nasa sulok o kayang maliliit na bagay, malinaw ang mata niya sa dilim at maging sa ganitong pangyayaring napapaligiran kami ng usok, kaya niyang makita ang nasa sobrang layo at marinig ng malinaw ang hindi kalayuan, ngunit lahay iyon ay nangangailangan ng matinding konsentrasyon.

Nakita ko ang pagkagulat niya at maya maya ay bumalik naman sa dating kulay ang kaniyang mga mata.

"Ano ang iyong nakita?" Tanong ko kaagad, interesado akong malaman iyon.

"Mga dayo. Mga tao. Mga taga labas" sunod sunod niyang sabi.

"DAKPIN ANG MGA MAPANGAHAS NA IYAN!" Sigaw ni ama kaya nagsipag lusob na ang aming mga kasama, habang kami ni Huarys ay nakatayo lamang doon.

Inihanda ko na ang aking sarili sa kung ano mang posibleng mangyari, hindi natin alam kung may patibong sa paligid.

Inilabas ko na ang aking mga pangil, ganun din si Huarys kasabay noon ay ang pag palit ng kulay ng aming mga mata.

Casa Bergara: The Hidden IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon