Chapter 7: Pride

10 0 0
                                    

KHIAN POV

Nagising akong masakit ang ulo. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa kwarto ko. Pagkatingin ko sa gilid ko may babae nakahiga sa may sofa ng bed. Alam ko na kung sino yun. Bakit ba diyan siya natulog.. May sarili naman siyang kwarto dito sa bahay eh... Nalasing din ba siya at hindi na nakapunta sa kwarto niya? At- Teka

"Bakit iba na ang suot kong damit?" Bulong ko sa sarili ko baka kasi magising ko siya. Ang ganda pa man din niyang natutulog. Kapag tulog nga lang tssk.

Lumapit ako at tinitigan saglit... Mahaba pala talaga yung pilik mata niya hindi siya fake eyelashes na gaya sa mga nauuso ngayon. Makapal din konti ang kilay nito na bagay na bagay sa shape ng mata ang kinis ng mukha nito ni walang pores may baby hair lang pero hindi masyadong visible. Ang puti nya rin na kala mo hindi pumupunta sa initan. Matangos din ang ilong at yung labi niya ang nakakaaddict kulay pink kasi ang cuteee... Nakakainlove kaso dinosaur kapag gising.

Napabalikwas ako ng gumalaw siya..

"Tapos kana bang titigan ako?" biglang tanong nito. So alam niya? Malamang Khian yung saglit mo kasi pinantasya mo na eh...

"Tinitingnan ko lqng kung gaano kapanget ang PA lalo na kung natutulog" pagsisinungaling ko. Pero sh*t ang ganda niya kapag bagong gising para siyang si Do Do-hee sa my demon na kdrama.

"Talaga ba? Parang iba naman ang binibigkas ng labi mo sa pinapahiwatig ng mata mo" sagot nya.. Pati ba naman mata ko alam na alam niya... Detective ba siya?

"Oo na ang ganda mo kapag natutulog pero kapag gising hindi" pag amin ko na may konting pagsisinungaling na naman.

"Sure?" Pagpout ito at nilagay pa ang kamay nito sa pisngi.. Anooooooooo baaaaa!!! F*ckk!! F*ckk! Tumalikod ako dahil hindi ko na maiwasang kiligin... What the F*ck!!

"See confirmed. But let's go back to reality. We need to move fast dahil marami pa tayong tatapusin sa office mo. Baba ka nalang kung kakain kana at magpapalit na rin ako" sabi nito ng may maawtoridad na boses. Nilagpasan niya at naunang naglakad palabas ng kwarto ko.

"And wait, sa susunod huwag iinom kung hindi kaya baka sa susunod rape na ang abot mo, buti naman sana kung-" tigil niya

"Kung ano" pag uulit ko

"Kung kaya mong ipagtanggol ang sarili mo ganong kalagayan. Kung may iniisip kang iba paalala ko lang sayo hindi ako naattract sa abs mo kahit ilang beses ka pa maghubad sa harap ko" sagot niya na parang nadisappoint ako...

Sakit non ah...

HERMIONE POV

Nagsinungaling ako na hindi ako naaattract sa abs niya pero kailangan kong tapakan ang ego niya para mabawasan ang pagkamayabang niya..

Napansin kong malaki ang impact nito sa kanya dahil tahimik lang siyang kumakain at maging ang paggayak namin papuntang office ay hindi umimik at nagreklamo..

Lumipas ang mga oras na lahat ng inuutos ko ay ginagawa niya ng seryoso at para bang minamadali niyang tapusin ang lahat ngunit sa maayos na paraan

"Pwede bang umalis mamaya ng ako lang pagkatapos kong pirmahan itong mga huling documents?" Himala at maayos ang pagpapaalam nito ah

"Ako parin ang magdadrive" sabi ko.

"Ok, pero hindi magugustuhan ng mga mata ang makikita mo mamaya kapag nagpumilit ka pang sumama" babala nito.

"Ano bang gagawin mo?" Tanong ko

"Pagbibigyan ang mga babaeng NAAATRACT SA AKIN" may diin pa talaga sa last two words eh.

"Ah ok. Labas na ako diyan hihintayin nalang kita sa kotse" sagot ko...

"Hindi pwedeng sa kotse ka maghintay, dahil sa kotse kami magtatambay" sagot nito

"Sige ako nalang lalabas." walang gana kong sagot

Mabilis ngang natapos ang gawain pero iba naman ang epekto sa akin. Ang sakit ng ulo ko... Dahil siguro sa nangyari kagabi.. Nastress ang lola niyo kagabi....

"Sa SM muna tayo may susinduin ako ron" utos nito.

Pagstart ko ng engine tumunog yung tiyan ko. Oo nga pala gutom na ako mag aalas dos narin kasi.

"Pagkakuha natin yung sundo mo, magpadrive tru lang ako sa Jolibee. May papabili ka pa ba?" tanong ko.

"Wala" tipid niyang sagot.

Minadali ko na ang pagdadrive at wala pang 10 minutes nakarating na kami. Malapit lang naman kasi..

Pagkaparking ko may babaeng papalapit na sa amin... Maganda ito at nasa 5'6 siguro ang height. Halos kaheight ko lang. Kulot ang buhok at naka extended eyelashes.

Binuksan naman ni Khian ang bintana sa likod sign para doon siya pumasok... Malapad naman ang ngiti ng babae na pumasok doon

"Ow Hii handsome.. Bakit mo naman ginawang driver ang yaya ko" lahat ng compliment ko sa looks at magandang impression ko ay nawala. Gawin ba naman akong YAYA What the fck!!!

"Don't mind her hindi siya magiging abala sa atin" -Khian

Pagkarating ng drive tru agad akong nag order..

"Paramihan ng gravy. Thanks" pahabol ko

"Sure, Miss beautiful" sagot ng Crew

"Pwedeng pakibilisan para hindi siya nakakaabala" -Sabat ni Khian.

Inopen niya ang bintana uli...

"Ahmm, can you na add fries large na rin and 2 piece of chicken.  Charge mo na rin kay Ya—"

"Can you shut up your f*cking mouth?!! I'm not a maid and even in your dreams, I will not going to be your maid." Inis kong sagot..

"Tapang mo naman utusan ka lang ni Khian eh!" -sagot ni b*tch

"Ask him if who I am.. Isang beses mo pang magsalita diyan dudurugin ko yang bunganga mo para hindi kana tuluyang makapagsalita" seryosong sabi ko

"Just shut up Denisse" -Khian

"Add ko ba Miss beautiful? Tsaka I'm sure na hindi ka rin po mukhang maid kaya ikaw po ang susundin ko" - Crew

"No" sagot ko

"Yes" Khian

"Nakikialam ka ba sa order? Ikaw ba magbabayad niyan?" Tanong ko sa kanya

"Sige ako na magbabayad paadd yun kuya" ilaban niya talaga... Edi magsama kayo!!!

Siya pala kinampihan mo eh..

Hindi nagtagal at binigay na rin yung order ko..

Inabot ng poging crew yung order ko. Yung order sa likod ay binigay nung nakausap ko kanina... Buti naman pinaghiwalay nila..

"Enjoy your meal, madam.. Ingat" sabi nito at sabay bigay rin yung note..

May nakasulat sa note na 'You are beautiful, so don't stress yourself to ugly people. Be happy and don't forget to smile if you read this note' 09*********0 you can contact me if you want to smile more often dahil kay Jolibee bida ang saya

Literal na napangiti ako sa notes niya kulang nalang matawa ako..

"Can you stop smiling and just drive" panira talaga ng araw kahit kailan yung nasa likod!!!

"Saan kayo makakan*uta* para alam ko kung saan ko kayo dadalhin" deretso kong sabi... wlaa akong pake kung maging awkward kasi ganon naman talaga ang gagawin nila

"Pagilid mo nalang yang sasakyan kung saan hindi masyadong dinadaanan ng mga tao" -Khian

Nahiya pa sila e sa kotse rin lang naman nila gagawin...

Binilisan ko magpatakbo wala akong pake kung mag-untugan sila sirang sira talaga ang araw ko lalo nat hindi maganda pakiramdam ko

SHE DRIVING ME CRAZY (R+16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon