"Puro ka nalang selpon diyan, hindi ka marunong tumulong rito nang magkaroon ka naman ng silbi!!" Sigaw saakin ng nanay ko habang siya'y naglalaba..
"Nagseselpon.. alam mo namang nagkaklase ako nay.. online class 'to.. kung makasigaw ka na naman diyan.. " pabiro kong ani dahil lumalabas na naman ang litid nang inay dahil sa galit..
Sa totoo lang, pinagsasabay ko ang pag-aaral ko online, sa paghahanap ng trabaho sa internet.. balak ko na kasing tumigil dahil hindi rin naman pumapasok lahat sa utak ko ang napag-aaralan ko.. hindi ko alam.. kahit subukan ko mang mag-focus ay nawawala parin. Siguro nga'y tama sila.. bobita ako..
Ang hirap kong maka pick up.. hirap akong makuha kaagad ang sinasabi nila lalo na kapag malalalim.. in short, slow.
Minsan sinasabi ko nalang sa sarili ko na.. Siguro late bloomer ako, kaya ngayon ganito pa ako hanggang sa nag 23 na ako pero heto parin ako.. slow.. Pucha!
Kaya ayoko na ring mag-aral dahil pakiramdam ko'y hindi ko kakayanin hanggang sa pinaka dulo.. pakiramdam ko puro ako bagsak.. kahit ang totoo ay bagsak naman talaga ako..
Saan ako magaling? Wala!
Ay meron! Sa away..
Doon lang ako magaling.. sumbatan..
Anyway, sa lahat ng pakiramdam.. napunta yata saakin.. pakiramdam ko nga super duper ultra mega HATE ako ni lord.. dahil wala man lang akong madiscover na talento ko.. lahat puro marunong lang.. pati kagandahan ay hindi ako biniyayaan.. katalinuhan, wala.. talento? Nako! PASS na pass talaga si lord saakin..
Grabe na 'yan rold hah!
"Nagdeday dreaming ka na naman Mari!"
*PLOK
"Aray! Nay naman.." reklamo ko dahil may dumapong palanggana at tabo sa ulo at likod ko.. partida, magkasunod pa
"Anong nay! Peste ka, 'yong sinaing sa loob, amoy sunog na! Lahat nalang ng bagay ginagawa mong biro, leche.. akala mo siguro kapag nasunugan tayo ay may tutuluyan pa.. Magluto ka ro'n! " Ani nito bago bumalik sa pagkakaupo.. "Bwiset na buhay 'to, puro kunsomisyon.." ani pa ni nanay
"Nye nye nye.." iyon nalang ang nasabi ko bago pumasok sa loob at binantayan ang sinaing..
In end ko na ang klase ko online at nagchat sa GC..
BSBA Group Chat:
Sir hindi na ho ako maka in sa klase, wala na hong signal!
Message sent.
Ayan lang ang itinype ko at isinend sa GC pagkatapos no'n ay binuksan ko ang tiktok at nanood..
See? Hindi ako gaanong interesado sa pag-aaral ko dahil alam ko sa sarili kong kahit sumusubok ako ay wala paring pamapasok sa kukote ko..
Para saakin mahirap 'yon lalo na't 23 na ako.. nakakahiya bilang isang college student.. na sa ganitong edad at taon ng pag-aaral ay hirap paring umunawa.. that's why ayokong tumuloy sa pag-aaral, kasi feeling ko napag iiwanan rin ako kahit kasabay ko mga kaklase ko..
Ang problema kasi saakin, kapag nagkamali lang ako ay hindi na ako tutuloy.. mawawalan na ako ng gana at hindi na maniniwalang kaya ko.. 'yon ang mali ko, kaya madalas hanggang umpisa lang ako..
Ugali ko 'yong kapag maraming tao, na preressure ako.. ikinukumpara ko ang sarili ko sakanila lalong lalo na sa abilidad nila..
Buti pa si ano matalino..
Buti pa si ano, maganda..
Buti pa si ano, kahit hindi sumubok, may naghihintay na sakanya na magandang future..
Buti pa si ano, stable na at the age of 18..
Buti pa si ano nagpapatuloy..
Buti pa si ano malakas ang loob humarap sa hamon ng buhay..
Buti pa si ano matibay...
Buti pa si ano talentado..
Buti pa si ano.. paano naman ako kung puro sila buti pa si ano?
Saan ko ilulugar ang sarili ko kung puro lahat nang nakikita ko ay mas magaling at mas marunong saakin?
Paano ako?
How can I explain to people that I'm really stupid? How can I say that I'm tired of pretending to be good at things that I'm really struggling to do? Paano ako? Where will I place myself?
BINABASA MO ANG
A Year Of The Unsuccessful Woman
Teen FictionAs a woman with many dreams, it's hard for me to be judged by the people around me.. especially if they don't know and don't feel your lack of self-confidence.. that little thing makes you think twice about "Kaya ko nga ba o hindi talaga?" Paano mo...