Nixie
Unang araw ko ngayon sa coffee shop na pag mamay ari nung lalaki kahapon. Nilakad ko lang papunta doon.
Nasa outdoor area at ambang papasok sa mismong loob ng coffee shop nang biglang may nag salita sa likuran ko.
"Uy, Tol."
Humarap ako sa nag-salita. "Uy din."
Tumawa ito. "Angas natin ah. Ako nga pala si Jackman" pakilala nito sa sarili. Teka... siya to eh... yung nakasuntukan nung Jacob dito kahapon na biruan lang daw nila.
"Pero you can call me Jack. O di kaya baby nalang" dugtong pa niya sa sinabi sabay kindat.
"Sino to?" Isang lalaki pa ang lumabas mula sa loob. Payat na matangkad na pogi.
"Baka customer" yung Jackman.
"Pasok ka erp" yung payat na matangkad.
"Hoy mga obob! Bagong kasama natin yan dito" sumulpot nalang bigla yung Jacob.
Napapaligiran ako ng mga gwapo. Paano nalang kung yung boss nandito din. Baka mahimatay na talaga ako.
"Pasok ka tol" sinunod ko ang sinabi nung Jacob.
Tumungo kami sa locker room ng shop. Taray may pa locker room parang school.
"Yung mga kausap mo kanina kasama natin yon dito na nagtatrabaho. Yung kulot ang buhok na parang nag gluta sa kaputian si Jackman yon. Yung isang kulot din ang buhok na payat si Timmy yon."
"Kambal ba sila?" Tanong ko. Ewan bigla ko nalang na usal.
"Tanga ka ba? Edi sana magkamukha yung dalawa" parang na bad trip na sagot nito.
"May kambal naman na di magkamukha"
nakamot ko ang ulo ko at napatungo nang tignan ako nito ng masama."HINDI NGA KASI!" nagulat ako sa biglang pag sigaw nito.
Hindi na ako sumagot baka masuntok pa ako. May work uniform ang shop na to kaya nang iabot niya sa akin yung akin agad akong dumiretso ng comfort room para mag-palit na.
Pagkatapos noon ay lumabas na ako.
"Pogi natin ah" yung Jackman. Nasa counter siya. Nakatingin siya sa akin habang nakangisi. Napaiwas naman ako ng tingin.
Tinungo ko yung Timmy para mag tanong. Nakaupo siya sa outdoor area, gumagamit ng phone.
"Anong gagawin ko?" Tanong ko dito.
Nahinto siya sa ginagawa saka ako tinignan nang naka smirk. "Uwi kana"
Nainis ako sa sagot niya kaya naman padabog akong pumasok sa loob ng shop.
Yung Jacob may kausap sa phone tas yung Jackman naman nag tetext yung ngiti pa abot hanggang outer space.
Umupo nalang ako sa isa sa mga table saka huminga ng malalim. May pumasok sa loob na shop kaya dali dali akong tumayo kasi baka customer pero bigla akong na bato nang yung may ari ng shop na to pala. Ang gwapo niya sa suot niya.
"Good morning boss" masiglang bati nung Jackman dito. Tinanguan lamang niya ito. Bumati din yung Jacob. Nalipat sakin ang tingin nito kaya medyo nataranta ako.
"G-good morning, BOSS!!!" maangas at pasigaw kong bati dito. Nabasa ko naman ang pagkagulat sa facial expression niya kaya napatungo na lang ako. Nakakahiya.
Nanigas ako nang lapitan niya ako.
"Call me River" yan lang ang sinabi niya bago tumungo sa office niya doon sa 2nd floor.
Napangiti ako sa kaloob looban ko. Kasing gwapo din pala niya pangalan niya eh.
Dumaan ang ilang oras pero wala pa ding customer. Naiinip na ako kakaupo.
Ilang sandali pa bigla na lang bumukas ang pintuan ng shop saka niluwa ang tatlong babae na sa tingin ko ay magkakaibigan. Tatawa tawa sila hanggang sa makaupo sa isa sa mga table. Lapitan ko nga.
Nang makalapit na inabot ko lang sa kanila yung menu ng shop. Tinawag nila ako para sabihin sa akin ang mga orders nila. Tumango tango ako saka dumiretso sa counter.
"Yes?" si Jackman. Yung ngiti di mawala wala eh. Ganito ba talaga to
Sinabi ko dito yung orders ng mga girls na siyang ginawa naman niya agad. Bukod sa mga coffees may mga dessert din sa menu ng shop na to tulad nalang ng cake atbp.
Nang ma serve ko na ang orders ng mga yon pansin kong pa sulyap sulyap sila sa counter. Pag tingin ko sa counter area nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Topless lang naman yung Jackman. Umiwas nalang ako ng tingin. To namang mga babae na to gustong gusto ang nakikita.
Napaupo ako nang biglang tabihan ako nung Timmy.
"Tingin mo, sino mas pogi, ikaw o ako?" may pagtataka sa mukha kong binalingan ng tingin tong katabi ko.
"Ewan ko" sagot ko nalang. Anong tanong yon.
"Sagutin mo kasi"
"syempre ako" mayabang kong sagot. nagbago yung expression niya sa mukha. Yung kaninang good mood expression ngayon naging bad mood na.
"Suntukan nalang tayo" Tumayo siya saka pilit akong hinihila palabas. Tinutulak ko siya palayo pero sige pa din sya sa paghila sa braso ko. Para naman tong bata eh.
"Anong harutan yan?" Napabitaw sa akin si Timmy sabay kamot sa ulo. Umayos naman ako ng upo. Umiling-iling lang si Jacob saka na tumungong 2nd floor.
Padabog na pumuntang outdoor area si Timmy saka doon umupo. Parang bata talaga. Natatawa ako sa kanya eh.
Gabi na. Magsasara na tong shop. Nag-si uwian na din mga tao dito maliban sa amin ni Boss River.
Lalabas na sana akong shop nang tawagin akong HEY ni boss.
Humarap naman ako dito.
"Ano yon, boss?" Tanong ko sa kanya. Mas lumapit pa siya sa akin.
"Come with me, i need you" pagkatapos ay sinenyasan akong sumunod sa kanya. Tumango tango naman ako na parang bata.
Nang makalabas na ay sinenyasan niya ulit ako na pumasok sa kotse niya. Doon sa passenger seat. Sinunod ko kaagad ito kahit wala akong idea kung saan kami pupunta.
Pumasok na din siya sa kotse at walang sabi sabing minaneho ng napakabilis.
"S-saan tayo pupunta boss?" Nagatataka ang tono ng pagtatanong ko.
Binalingan niya ako sabay smirk. "I'm your boss, your my employee. Tama?"
"O-oo"
"I need you to ruin my blind date tonight"
Naikunot ko ang noo. Ano daw?
"Ang gagawin mo lang ay magpanggap na gay lover ko." Natawa ito.
Ewan ko pero napa tango tango na lang ako. Nakatitig kasi siya sa mga mata ko.
Madali lang naman yon. Kayang kaya ko yon. Nakaya ko nga magpanggap na isang akong lalaki.
"Magkano bayad?" Na tanong ko nalang bigla.
"Malaki kung magagawa mo ng maayos ang sinasabi ko"