A Time Machine

36 7 114
                                    

Hi! It's me again! 😊 After a long time, and yay! I've made it! It has been my dream to write this story...(na novel sana but ended up in a short story) ngayon lang talaga nagkaroon ng time. It just happened now or maybe it was meant to happen for me to feel delighted...and to finally feel at ease... 🥲🤣

If you are familiar with the story of Martin and Lalaine in my first novel entitled "First Love: A Love Once Lost" surely, you're gonna relate to this story and understand them very well... Hope you like this short story of Martin and Lalaine. 🥰 Let us all make time as they travel their journey... 💗

PS: I recommended this song to listen to while reading this story...

"Huli! Pero hindi kulong!" Gitla akong napalingon sa magkabilang gilid ko habang nag-i-scroll sa aking cellphone rito sa cubicle ko, matapos nilang parehong isigaw iyon sa tainga ko.

"Stalk pa more!" ani teacher Gina.

"Ano ba 'yan, cher? 2024 na, e! Kaya hindi ka maka-move on diyan!" dagdag pa ni teacher Jhun.

Napapailing na napabuntong-hininga na lamang ako sa kanila saka inayos ang mga gamit ko, isa-isang isinilid iyon sa aking bag. Masyado na naman akong nalibang sa kaka-cellphone matapos ng trabaho kaya't nawala na sa'king isip ang oras.

Tumayo ako saka isinukbit ang backpack at isang shoulder bag sa aking balikat. "Tara na't umuwi! Hindi naman kasi bayad ang OT natin, eh. Una na ako sa inyo mga chers!" Paalam ko saka naglakad palabas ng aming faculty.

"Oh, sige na mag-move on ka na! Este mauna ka na cher!" Nakangising pahabol pa ni teacher Jhun habang naglalagay ng pulbos sa kaniyang mukha. Iiling-iling na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad palabas at hindi na siya sinagot pa.

Hindi na bago sa'kin lahat ng mga pang-aasar nila, nakasanayan ko na 'yon sa loob ng dalawang taon naming magkakatrabaho. Hindi rin naman akong pwedeng mapikon sa kanila dahil may punto rin naman ang mga pang-aasar nila sa'kin.

Yes, I never really moved on...

Sa loob ng 15 years heto pa rin ako't umaasa na sana...sana isang araw ay magkaroon pa ng isang pagkakataon para sa'min ni Martin. Patuloy akong umaasa na bumalik siya sa'kin...na bumalik kami sa nakaraan. 'Yung may isang ako at siya— at masasabi kong akin pa rin siya...pero ang hirap din umasa kung alam mong malabo na itong mangyari.

If I could turn back time...

I want to go back to his arms...

Habang naglalakad ako sa daan, kamalas-malasang biglang buhos naman ng ulan. Nagngingitngit kong kinuha ang aking itim na payong saka binuksan iyon. Medyo may kadiliman na rin ang daan dahil pasado alas-sais na ng gabi. Nasa kabilang kalsada pa ang waiting shed kung saan ang bus na sasakyan ko kaya't kinakailangan ko pang tumawid.

Napakunot naman ang noo ko nang makita ang isang matandang babae na hirap sa kaniyang paglalakad patawid sa kabilang kalsada habang may bitbit na dalawang bayong.

Wala man lang siyang kahit na anong panangga sa ulan kaya naman ay minadali ko ang aking paglakad upang  maabutan siya, at saka siya pinayungan. Gitla siyang napasulyap sa'kin kasabay nang matamis na pagngiti.

Nang marating na namin ang waiting shed, maingat ko siyang inalalayang makaupo roon. Mabuti na lang din walang tao roon kaya naman nakaupo pa siya kahit paano. Bahagya kong pinupunasan ang  aking balikat na nabasa sa ulan nang marahan niya akong kalabitin sa braso.

A Time Machine (One-Shot Story) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon