Binong

8 1 0
                                    

Hi, ako nga pala si Binong. At ito ang aking istorya.
Nagsimula ang lahat noong 1998. 9 years old ako. Isang araw ay niyaya ako ng kaibigan kong si Marlon sa Tangke ng tubig dito sa subdivision namin dito sa Meycauayan. Tapos biglang dumating yung step father nya na si mang Elmo at kamag-anak nilang si Roger. Bigla akong hinawakan ni Roger. Tapos pinaalis nila si Marlon. Pagkaalis ni Marlon ay bigla nalang akong pinugutan ng ulo ni mang Elmo gamit ang isang itak. Tapos iniwanan nalang nila akong nakahandusay doon. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagising ako. Buhay na naman ako. Walang dugo at walang sugat. Kinabukasan ay nakita ako ni Marlon. At gulat na gulat sya. Ang sabi nya ay patay na daw ako. Kasi nakita nya na pinugutan ako ng step father nya. Sabi ko, oo nga. Pero nabuhay ulit ako. Tapos sinabi nya sakin na kaya daw ako pinugutan ng ulo ay dahil inutos ng tita ko na pugutan ako. Pero walang nakakaalam kung bakit. Basta ang sabi lang ay babayaran sila. Tapos, pagkalipas ng ilang linggo ay pinagtataga naman ako ng step father ko ko habang natutulog ako. Nagising ako noon dahil sa sakit. Pero, nawalan ulit ako ng malay. Pagkagising ko ay sira-sira ang banig na hinihigaan ko. Pero wala akong sugat o dugo. Pag-uwi ng nanay ko galing sa trabaho ay nagtanong sya kung bakit sira-sira ang banig na hinihigaan ko. At kinuwento ko nga ang nangyari. Pero hindi sya naniwala kasi buhay naman ako at walang sugat. Pagkalipas naman ng limang taon. Sa Hagonoy, Bulacan. Sa bahay ng lola ko. Isang umaga, bago ako magising ay ginilitan ako ng tito ko. Nagising din ako dahil sa sakit. Pagkatapos ay nawalan ulit ako ng malay. Pagkagising ko ay wala naman akong sugat sa leeg. Pero puno ng dugo yung puting sando na suot ko. Nang makita ako ng lola ko ay nasindak sya. Pero sabi ng tito ko ay tinakot nya lang daw ako. At dugo daw ng daga yung nasa sando ko. Pero hindi naman pwedeng dugo ng daga yung kasi ang dami. Lumipas naman ang limang taon ay nagpunta kami ng mga kaklase ko sa Caliraya sa Laguna. Hinulog ako ng dalawa kong kaklase sa Parang tower doon sa Caleraya. Napakasakit pagbagsak ko sa lupa. Buong katawan ko ay napakasakit. Hanggang sa mawalan ako ng malay. Pagkagising ko ay nakahandusay ako duon sa baba ng tower. Pero buhay na naman ako. Ang sabi nung dalwalang kaklase ko na si EJ at Jerome. Baka daw nakaligtas ako nung hinulog nila ako kasi marunong daw akong mag falling dahil sa Judo. Napag-utusan daw sila ng tita ko na teacher sa high school sa PUP noong panahon na iyon. Na patayin daw ako. At babayaran sila. Pero hindi daw sinabi kung anong dahilan. Isang gabi naman ay tinakpan ng unan ng Pinsan ko ang muka ko habang natutulog ako. Sinuntok ko sya at sinabi na king utos ng Mommy nya yon ay wag na nyang uulitin dahil mapapahamak lang sya. Pero umalis ako dun sa bahay ng tita ko dahil nga pinapapatay nya ako. Pero pagkalipas ng ilang buwan ay pinapunta nya ako sa bago nilang apartment. May mga sasabihin lang daw sya. Pagkatapos. Paglabas ko ng bahay nila sa Teresa Street sa Sta. Mesa, Manila. Biglang may sumaksak sakin. Bagsak na naman ako. Pero nagulat nalang kami ng mga tao doon ng biglang makabangon agad ako at pagkatapos ay wala naman akong sugat o dugo. Hindi ko talaga maintindihan. Pero palagay ko ay inutusan din ng tita ko yung lalaki na sumaksak sa akin. Tapos nung nag volunteer na ako sa Highlands Camp sa Iba, Zambales. Ay bigla nalang akong sinaksak ni kuya Al. Nawalan ako ng malay pero narinig ko ang mga sinabi nya. Ang sabi nya ay bakit walang dugo? Pero sinabi din nya na pero patay na to. Pagkagising ko ay ay butas ang polo ko. Kaparehas din nung Tshirt ko na suot nung sinaksak ako sa Sta. Mesa. Nagulat naman si kuya Al nung nakita nyang buhay pa ako. Ang sabi nya ay totoo nga ang sinabi ng tita ko na may sa demonyo ako. Pero sabi ko wala naman akong sa dimonyo dahil kaya nga ako nasa Camp ay dahil naglilingkod ako sa Dyos. Pagkalipas ng apat na taon naman ay nakilala ko ang isang singer. Nag-audition kasi ako sa Protege. Isang singing contest sa GMA 7. Hindi ako napili pero naging close kami ng singer na yon. Noong nalaman nya na may Ford Mustang ako. Ay nagplano pala sya ng masama laban sakin. Isang araw. Ay tinawag nya ako sa garahe ng bahay nila. Paglapit ko ay bigla nya akong inundayan ng saksak. Nagalit pala sya dahil ayaw kong ibigay ang kotse ko sa kanya. Pero laking gulat nya nang makita na buhay parin ako at walang sugat o dugo sa katawan. Kahit butas butas na ang aking Tshirt na suot. Ang sabi nya ay may sa demonyo daw ako. Pero ang sabi ko sa kanya ay hindi totoo yan dahil sya ang may masamang ginawa sakin kahit na tinuring ko syang kuya. Lumabas naman yung papa nya na beteranong artista.  Ngayon ay patay na sya. Nagpakamatay sya. Nagbaril sa ulo. Pero noong oras na yon ay nagulat sya kasi nagtatalo kami ng anak nya. Tapos lumabas din ng bahay yung asawa ng singer na isa ding artista. At tinanong kung anong nanyayari. So, ayon na nga kinuwento namin ang nangyari. Noong una ay ayaw nilang maniwala. Pero alam naman pala nila ang plano na papatayin ako. So, ang sabi ko ay baka prinoteksyonan ako ng Dyos. Kaya yung asawang babae ng singer ay nagsimba na sa Victory Ortigas kasama yung dalawang anak nila ng singer. Binigay ko nalang yung Ford Mustang kong dilaw. Kasi sabi nya ay masyado daw talaga syang nainggit sakin dahil kahit daw matagal na syang singer at artista ay di sya makabili ng ganon. Pagkatapos noon ay ininvite ko na rin yung best friend nyang singer na composer at yung asawa nito na singer na napakataas bumirit. Na magsimba narin sa Victory. Tapos di na ulit ako bumalik sa bahay nila. Pagkalipas ng isang taon ay may nagawa akong kasalanan. May nangyari samin ni Berna. Katrabaho ko sa Convergys. Tapos noong sinabi nya sa katrabaho naming si Kat yung nangyari samin. Ay may nangyari din samin ni Kat. Kaya lang hiwalay sa asawa si Berna. At may boyfriend syang kasalukuyan noong panahon na yon. Kaya si Kat nalang ang naging girlfriend ko. Magpapakasal na kami ni Kat noon kasi nabuntis sya. Kaya lang noong sinabi ko yon sa Tita ko ay ang sabi nya ay ipapapatay daw nila ng isa ko pang tita si Kat. Kasi daw makakakuha daw ng mana sakin si Kat kapag namatay ako. Kasi nanalo ako noon sa lotto. Kaya nga nakabili ako ng Ford Mustang at condo unit. So, ang sabi ko kay Kat ay wag nalang kaming magpakasal. Kasi di ko sya kayang proteksyonan kapag pinapatay sya ng mga tita ko. Kaya nagalit si Kat. Isang gabi, kinausap nya ako noon sa may 7 eleven sa may Vertex One Building. Doon kasi yung Convergys noon. Di na ako noon nagwowork kasi nga nanalo na ako sa lotto. Maya-maya ang sabi ni Kay ay hintayin ko lang daw muna sya doon kasi may kukunin lang sya sa taas. Sa recruitment. Pag- alis nya ay may biglang dumating na lalaking naka itim na helmet, itim na jacket at itim na pantalon at sapatos. Bigla syang bumunot ng baril. Saka ako binaril sa dibdib ng dalawang beses. Bagsak ako sa simento. Tapos maya-maya ay may lumapit sakin na agent at security guard. Nagulat daw yung agent nung makita nyang binaril ako. Tapos yung guard naman ay agad na pumunta kasi may narinig syang dalawang putok. Pagtayo ko ko ay chineck nila ako. Wala akong sugat pero butas yung Tshirt ko sa harap at sa likod. Tapos, pag tingin nila sa simento ay may dalawang butas na may usok. Dokn pala tumama yung bala pagkatagos sa katawan ko. So sabi noong agent prank ba to? Nasaan ang camera? Pero sabi namin hindi to prank. Talagang binaril ako at hindi lang talaga ako namamatay. Kaya nagshare ako ng gospel sa agent at sa guard nang maga oras na yun. Tapos dumating si Kat. Kinuwento namin yung nangyari sa kanya. At sabi nya ay naniniwala na sya sakin. Kaya hindi na kami nagpakasal. Kasi sabi nya ay sya daw ang nag-utos na patayin ako. At yung gunman pala ay si kuya Archie. Yung isang security officer ng Convergys San Lazaro. Pagkatapos noon, ay pinatay ni kuya Archie yung boyfriend ni Berna. Ang sabi ko kay Berna ay nagka vission ako na papatayin ni kuya Archie ang boyfriend nya. Kaya lang huli na ang lahat. Kasi nakaalis na pala sa makati yung boyfriend nya. At dahil doon ay nabangga ito. Kasi sinira pala ni kuya Archie ang preno ng kotse nya. Sinabi naman namin yun sa mga pulis at inembistigahan nga nila si kuya Archie. At nakita nga nila sa cctv na si kuya Archie nga ang sumira sa brake ng kotse. Kaya nakulong si kuya Archie. Ang dihilan pala kaya nya pinatay ang boyfriend ni Berna ay dahil nagkasagutan pala silang dalawa sa parking. Tapos ang sabi ni Berna ay magsama nalang kami sa condo ko. Kaya nga doon ko na sya pinatira. Kaya lang, isang gabi, pagkatapos namin magsex. Bigla nalang akong sinaksak ni berna sa tyan. Nagulat sya kasi nakahubad ako noon. Kitang kita nya na bumaon sa tyan ko yung kutsilyo. Pero pagkahugot nya ay wala akong sugat o dugo. Sabi nya sakin ay hindi ka tao. Pero syempre tao naman ako. Hindi ko lang talaga alam king bakit hindi ako namamatay. Kaya pala ako sinaksak ni Berna ay dahil akala nya ay may kinalaman ako sa pagpatay sa boyfriend nya. Pero, wala naman akong alam dun. Bigla nalang talaga akong nagkavission na papatayin ni kuya Archie ang boyfriend nya. Pero naghiwalay din kami ni Berna kasi nawalan na ako ng tiwala sa kanya dahil sa ginawa nya sakin. Hanggang ngayon ay di ko parin alam kung bakit di ako namamatay. Pero, baka ako na ang susi sa immortality na hinahangad ng mga tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Binong Where stories live. Discover now