31

522 16 0
                                        



I DEDICATE THIS CHAPTER TO YOU. THANK YOU FOR PATIENTLY WAITING FOR MY UPDATES AND THANK YOU SO MUCH FOR THE READS , VOTES AND COMMENTS. THANK YOU SO MUCH FOR GIVING THIS STORY A CHANCE.

31: Morning

"Hey good morning." Agad kong tinakpan ang mukha ko at agad na tumalikod sa kanya. Kakagising ko lang at siya agad ang una kong nakita, maganda siya tapos pogi pa, magandang bungad sa umaga pero... paano siya? Eh hindi naman ako maganda sa mata eh. I mean I am beautiful in my own way. Maganda naman ako pero, ibang usapan na kasi kapag siya.

"Face me babe," sabi niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa balikat ko. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. I mean we did not go there yet, pero yong kiss. OMG! Sobrang malinaw pa sa alaala ko.

"Eh ayoko, Casey kasi..."

"Ano?"

Humarap na ako sa kanya dahil umaabot na sa leeg ko ang halik niya, nakikiliti ako.

"Ang panget ko," sabi ko at yumakap nalang agad sa kanya. I'm trying to hide my face in her chest and I heard her chuckle.

"You're not. Ikaw nga pinakamaganda." Pabulong niyang sabi.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko.

"Binobola mo naman ako eh," sabi ko na parang batang inagawan ng kendi. Hindi ba siya mairita sa tono ng boses ko?

"I'm not. You're really pretty. I don't want you to be uncomfortable with me. Diba sabi nila kapag hindi ka komportable ibig sabihin wala don ang love?"

"Ha? Sino naman nagsabi niyan?"

"Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao hindi ka naiilang sa kanila," sagot niya. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakatitig na pala siya sa akin.

"Para kasi akong sasabog kung tumitingin ako sayo," sabi ko. Parang wala pa yata ako sa sarili ko. Kagabi ba ako nalasing o ngayon? Bigla siyang natawa sandali sa sinabi ko.

"What?"

"Eh wala!" sigaw ko tapos tumalikod ulit ako sa kanya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at hinila niya ako palapit sa kanya.

"This feels serene...Sarah." She whispered that gives me shivers.

Parang gusto ko na tuloy matulog ulit. Mamaya pa namang hapon ang class ko o di kaya pwede bang dito nalang ako. Paniguradong magagalit sa akin ang tita ko. "Ay, Casey, kailangan ko palang pumasok ng school, ngayon." Naalala ko bigla na working student pala ako, at may oras ako na kailangang bayaran.

"Oh sorry, you have class?"

"Wala pero, scholar ako eh," sagot ko sa kanya at nahiya pa ako sandali.

"Ah right, sa guidance ka nilagay 'no?" tanong niya at tumango ako bilang sagot. Umupo ako ng maayos at inayos ko narin ang buhok ko. Sumunod siya at umupo rin sa tabi ko.

"I'll make breakfast first," sabi niya.

"Ah wag na, pwede naman akong sa school kumain," sagot ko.

"Paano ako?" tanong niya na ikinatulala ko sandali.

"Ah, hehe sa school nalang rin?" tanong ko. Teka medyo malayo pala itong lugar niya sa amin. "Tulungan nalang kita magluto ngayon, dito nalang pala tayo kumain."

"Yehey."

Para siyang bata na pinabangon ng mommy niya. Bumangon na rin ako at inayos ang higaan.

"Hey, ako na 'yan," sabi niya.

"Kaya ko naman," sagot ko habang tinutupi ng maayos ang kumot, kahit sinabi ko ng kaya ko ay tinulungan pa rin niya ako. Hindi ko mapigilan ang kilig ko. Ang saya-saya ng puso ko ngayon. Hindi ako sanay na ganito pala siya.

Tapos sabay pa kaming naghilamos sa banyo.

"Casey!" sigaw ko nang mapansin ko ang ginawa niya kagabi.

"What?"

"Eh sabi ko naman sayo eh," sabi ko. "Hindi ko na naman matatali buhok ko nito."

"Bakit ba?" tanong niya.

"Ito oh," sabi ko at itinuro ang love bite sa leeg ko. Nakita ko lang siyang tumawa ng mahina. "Kung ikaw kaya lagyan ko."

"Next time babe," sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag makita 'to ng mga kaibigan ko alam ko na gagawin nila tapos paano pa kung malaman rin ng mga kaklase ko, mahilig pa naman mangealam at manukso.

Eh paano kung makita ng teacher ko, I'll just leave my hair untie.

"Sorry na," sabi niya.

"Ayoko," sagot ko.

"Galit ka?"

"Hindi naman ako galit, kinakabahan lang ako kapag mapansin 'to ng iba," sagot ko.

"I'm sorry. Nanggigil lang."

Pasalamat siya crush ko siya at kinikilig akong isipin na galing 'tong love mark sa kanya. Pagkalabas namin ng banyo ay dumiretcho na kami sa kusina. Pwede na rin kaming maglaro dito sa kusina niya dahil ang lawak.

"Baka mag-expect ka ah, I can only cook fried eggs and hotdogs."

"Halah, eh paano sa lunch mo or dinner?" tanong ko. Para namang ang galing kong magluto eh sanay nga akong hindi nagluluto kasi nga dormers ako.

"Hmm, I just order outside minsan naman I'll invite my friend who used to be chef, mahal ako non kaya pinagluluto ako."

"Ahh sana all mahal," sabi ko at napairap.

"He's a guy," sagot niya.

"So?" tanong ko.

"Gay."

"So?"

"Magluluto na ako babe," sabi niya. Ngumuso ako at tinulugan na lang rin siya pero para rin lang akong display dahil hindi ko alam paano gamitin ang mga gamit niyang nandito sa kusina kasi nga hindi rin naman ako sanay sa mga gawain sa kusina.

Nang matapos siya ay ako na ang presenta na ayusin ang lamesa tapos kumain na rin kami.

"Salamat po," sabi ko.

"Salamat rin po," sagot niya. Ang cute. Pagkatapos rin naming kumain ay agad na rin akong nagbihis. Pinahiram lang niya ako ng dress. It's a flare dress, kulay yellow. Sumakto lang rin sa akin.

-

Captured by the beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon