33: Ready
"Babe!" sigaw ko nang makita ko siya sa parking area. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Nakangiti pa ako habang tumatakbo palapit sa kanya, nawala lang nong napansin kong may kausap pala siya.
Sa sobrang excited ko siya lang ang napansin ko.
"Ay, sorry po," sabi ko. Tumingin ako kay Casey at parang hindi maganda ang timpla ng mood niya ngayon. Sino ba 'tong kausap niya? It's a guy with our uniform, Primston's uniform. Best friend? Hindi naman kasi 'to yong nalilink sa kanya na lalaki eh.
"Oh sige una na ako," sabi ng lalaki at tumingin pa ito sandali sa akin.
"Hey Sarah." Napalingon agad ako kay Casey at bumalik ang ngiti ko. Pero agad ring nawala ang ngiti ko dahil hindi siya ngumiti sa akin pabalik. May nagawa ba ako? "Sa susunod wag kang sumigaw ng babe na may ibang tao."
Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Ngayon ko lang rin naramdaman itong presensya niya.
"So–sorry," sabi ko.
"Kapag tayo namang dalawa, hindi mo naman ako tinatawag na babe eh," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Sorry," sabi ko. I just got excited. "Hindi na po mauulit."
Pumasok ako sa loob at hinintay siya sa tabi ko. Hindi naman masakit dahil pinagsabihan lang niya ako, alam ko ring nasa school pa kami. I was just excited to see her. Hindi naman masakit pero kumikirot ngayon ang dibdib ko.
"Babe, I'm sorry. I'm just not...feeling well," sabi niya pagkapasok niya sa loob at pinaandar na ang sasakyan.
"Bakit ano ba nararamdaman mo?" I asked and checked her temperature with my hands. Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya, hindi naman siya mainit.
"I'm just tired. 3rd year student na eh," sagot niya at ngumiti sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito sandali. "I'm sorry. Siguro I'm not just ready for everyone to know."
Ngayon ay napagtanto ko na kung bakit hindi ko pwede ipagkalat na girlfriend ko siya kahit gaano pa ako kaproud sa kanya. I wanna show her off, that she's my woman and I'm hers. Pero syempre kuntento na rin ako sa meron kami ngayon. Kahit nga kaming dalawa lang ang makaalam.
"May nakapansin ba?" tanong niya at natigilan ako dahil hindi ko alam anong tinutukoy niya.Hinawi naman niya bigla ang buhok ko na tumatakip sa leeg ko.
"Ah...wala naman," sagot ko.
"Gusto ko," sabi niya na hindi ko na naman agad alam kung ano ang gusto niya?
"Gusto ang alin?"
"Na sabihin mo sa iba, na sa akin galing 'yan. Pero...I'm scared, I'm not out yet." She said and suddenly turned off the car's engine.
"Thank you for telling me," sabi ko at napalingon siya sa akin. Napansin kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. Ngumiti lang ako. Dahil at least narinig ko na mismo sa kanya kung bakit.
"Okay lang, wala naman ibang kasali sa relasyon natin. Dalawa lang naman tayo, when we started this relationship," sabi ko.
Umiwas siya ng tingin sa akin at sumandal sa upuan.
"I don't want you to think that I'm not proud to be your girlfriend."
"Hindi ko naman iniisip 'yan eh," sagot ko sa sinabi niya. Isa pa alam ko naman ang status niya sa school.
"I'm not ready to tell my grandpa about this, to him I'm always the princess." She said, "he used to tell me to find a prince who had a kind and compassionate heart, intelligent and curious about the world."
It felt like something got stuck in my throat when I heard what she said.
"Funny cause he's trying to find one for me. He doesn't know that I might be the prince he's referring to." She said and chuckled.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalin ang mga mata sa labas.
Hindi naman kami nagmamadali diba? Hindi naman sa magpapakasal kami, pero kinakabahan ako what if nga, kung malaman ng parents namin? I mean alam ko sila mama at papa, okay lang. Pero sa kanya?
"Ikaw? Hindi ka ba natatakot? Kung malaman ng iba, you're in a relationship with a girl."
"Hmm kinakabahan pero, I know what my heart wants," sagot ko at bigla kong pinalo ang braso niya.
"Ouch! Babe!" sigaw niya at hinaplos agad ang braso niya. "Are you trying to give me bruises, kagabi ka pa." Natatawa niyang sabi.
"Sorry, kasi ano, nahiya ako sa sinabi ko. Sorry. Nakakahiya kasi," sagot ko at agad na tinakpan ang mukha ko.
"You don't need to be shy when you're with me. Especially when it's about me," sabi niya.
"Alam ko naman," sagot ko. Ganito lang siguro ako. "Isa pa hindi ka lang basta babae, you are one in a million." She's a rare gem.
"In love ka lang sakin," sabi niya at muntik ko na naman siyang mapalo mabuti nalang at napigilan ko ang aking sarili.
"Pero Casey, sorry ha," sabi ko.
"Why?"
"Kasi yung dalawa kong kaibigan, alam na kasi nila ang tungkol sa atin." Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya at baka magalit na naman siya.
"They would know cause they're your number one supporters right?" tanong niya at napatingin ako sa kanya. Ngayon ay nakangiti na siya. Ibig sabihin hindi lang pala ako ang napapansin niya dati?
"You should thank them. Kung hindi ka nila tinutulak dati o hindi sila nagpaparinig, I woudn't be able to notice you."
Sige, libre ko sila mamaya.
"And you should thank the dormitory too. Kasi kung hindi ka lumipat don, there's no chance you can get closer to me."
"Wow ha, sige," sagot ko.
Feel na feel niya talagang crush ko siya, pero sige na nga. Crush na crush ko talaga siya. Ganito pala feeling Lord, bakit ngayon lang?
"Can you stay again tonight?" She asked. "In my place."
"Gusto ko," sagot ko agad. Akala ko nga ngayon don kami didiretcho ayokong magpahatid lang sa dormitory. "Pero Casey, pwede bang kumuha muna ako ng damit? Nakakahiya na kasi sayo," sagot ko. "Wag ka ring mag-alala dahil lalabhan ko naman."
"No need, my clothes are your clothes now," sagot niya na ikinatulala ko.
Grabe na 'to!
Bago pa lumapat ang kamay ko sa kabraso niya ay hinuli na niya agad ang kamay ko.
"Baka masaktan mo na ako, stop doing that," sabi niya at tumango ako bilang sagot. Ang OA mo kasi Sarah.
"I love you babe," sabi niya.
"I love you too."
Then she started the engine again.
–
fb: @lisnaej
