prologue

181 12 22
                                    

I was standing at the front of the altar, waiting for my bride to arrive.

Pagbukas ng pinto ng simbahan, nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng long sleeve na princess bridal gown. Ang kanyang mukha ay natatakpan ng mahaba at makapal na puting belo.

Dahan-dahan ang kaniyang paglalakad palapit sa akin na para bang binibilang ang kaniyang bawat hakbang.

Hindi man kita ay kabisado ko naman ang bawat anggulo ng kaniyang mukha. Of course I know her. Si Elijah Monteverdi, daughter of congressman Conrad Monteverdi na matalik na kaibigan ni daddy.

This is an arranged marriage. This is not what I want and she is not the woman I want to marry but she is the one I will present at the altar today. Nakakapvta man pero bukal pa rin sa loob kong gawin ito.

Para sa mommy ko ang gagawin kong pagsasakripisyo. So I can make her happy. So that at least I can do something right for her. At para na rin maibsan ang galit niya sa akin.

Sa ganitong paraan ay mapasaya ko siya at mabayaran ko ang pagkakamali noon na naging dahilan ng paghihirap ng loob niya.

Habang palapit nang palapit ang bride ko, hindi ko maiwasang kabahan. D4mn! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bumibilis ang tibok ng puso ko!

Sandali siyang tumigil sa harap ko at tumingala sa mukha ko. Nakikipagtitigan ako sa kaniya kahit na hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya. Masyadong makapal ang belo na suot niya. Bagaman see-through iyon pero ang tanging naaaninag ko ay ang hugis ng kaniyang mukha. Ni hindi ko man lang nababanaag kung gaano siya kaganda ngayon sa kaniyang make-up.

I extended my hand to offer it to her at tinanggap naman niya ito. When her warm palm touched mine, para akong nakuryente.

This is insane! Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon sa kaniya!

Iniharap ko siya sa altar kung saan nakatayo ngayon ang pare na siyang magkakasal sa amin.

Ang buong kamag-anak, kakilala, mga bigating ninong, ninang at iba pang bisita ay naririto sa simbahan upang saksihan ang engrandeng kasalan na ito—ang pag-iisang dibdib namin ni Elijah Monteverdi.

Habang nasa kalagitnaan ng seremonya ay bigla na lang kumirot ang aking puso. Nasasaktan ito! Nasasaktan dahil mayamaya lang ay magiging legal na kaming mag-asawa ni Elijah at tuluyan ko nang bibitiwan ang nararamdaman ko sa isang babaeng gustung-gusto kong makasama habangbuhay!

Pero hinding-hindi ko ito pagsisisihan. Alang-alang sa mommy ko... Alang-alang sa kapatid kong pinabayaan ko noon. Nakahanda akong talikuran ang lahat para sa kasalan na ito!

"Mark Dillion, will you have Elijah to be your lawful wedded wife? Will you love her, comfort hee, keep her in sickness and in health and forsaking all others, be faithful to her so long as you both shall live? If so, answer I do."

There's no turning back, Mark!
Huminga ako nang malalim. Bumunot ako ng sapat na lakas para sumagot.
"I do."

"Elijah, will you have Mark Dillion to be your lawful wedded husband? Will you love him, comfort him, keep him in sickness and in health and forsaking all others, be faithful to him so long as you both shall live? If so, answer I do."

"I do."

Tila biglang sinipa ang dibdib ko nang marinig ang kaniyang boses. What the h3ll? Sino ba itong kasama ko ngayon? Bakit ganito ang epekto niya sa akin? At bakit parang malat ang boses niya?

Nang isuot ko na ang singsing sa kaniya ay lalo akong nagdududa. Maliliit at parang kandila ang mga daliri ni Elijah. Makinis at maputi, halatang mayaman. But this one has long ang slender fingers, medyo morena ang balat at may kaunting kulubot. Kamay ng isang mahirap pero masarap hawakan. Fvck! Si Elijah ba talaga ito?! Pamilyar kasi sa akin ang mga daliri pero sigurado akong hindi ito kamay ni Elijah.

Isinawalang kibo ko ang mga pagdududa ko. Until dumating sa punto...

"You may now kiss the bride."

Kinakabahan ako habang dahan-dahan na inaangat ang kaniyang belo.

My whole world stopped nang lumantad sa akin ang napakaganda ngunit nakakabuang na mukha ng babaeng hindi ko inaasahan.

It wasn't my bride!

"Bulaga!"

"What the hell?!"

Ngumiwi siya.
"Hala. Nagkamali yata ako ng pinasok na simbahan. Pareho kasing Mark ang pangalan. Hehe!" At nag-peace sign pa sa akin.

Lokohin mong lelang mo! Kanina pa binabanggit ang pangalan ng mga ikinasal bakit wala man lang siyang reaksyon?! 

Nagtiim ang mga bagang ko.
"Lanie!"

Ngumiti siya. Iyong ngiting nakakairita pero ang ganda.

"Hi, Mark. Ang pogi mo talaga! Ikaw 'yong perfect example ng wolf in... Tuxedo... Wolf in chicken wings... Wolf in ship... Sheep! 'Yon! Wolf in sheep clothing! Haha!"

At ang lakas pa ng boses!

Napahilot ako sa sentido kong biglang pumitik. Magkakaroon yata ako ng headache na isang taon ko titiisin!

Biglang lumapit si mommy at mariin na hinawakan ang braso ko.
"Who is she?!"

Saka lang ako nahimasmasan at inilibot ang paningin sa loob ng simbahan.

Nagbulungan na ang mga tao. Nalilito sila, nagdududa, naguguluhan.

Nasaan ang totoong bride?

"Who is she, Mark Dillion?!" gigil na tanong ulit ni mommy.

Hindi ako nakasagot. Pinukulan ko ng masamang tingin si Lanie na kalmado lang sa kinatatayuan.

"Ah, p-pasensya na ho, Mayora. Nagkamali ako ng kasal na in-attend-an. Magkapareho kasi ng pangalan. Sige, alis na ako. Hinihintay na ako ng groom ko. Hikain pa naman iyon baka mangisay iyon sa pag-aakalang hindi ako sisipot."

It wasn't a mistake! Plinano talaga nila ito at kasabwat nila si Lanie! Inilayo nila sa akin si Elijah! Fuck them!

"Pasensya na, Mark!" Ngumiti pa siya sa akin nang makahulugan bago tumakbo.

Tulala ang mga taong nakatingin sa kaniya habang binababaybay niya ang daan pabalik sa pinto ng simbahan.

Nang makalabas na siya nang tuluyan ay saka lang ako natauhan.

"What the hell is happening here?! Where's Elijah?! And who's that girl?!"

"Mom, believe me, hindi ko alam. Wala akong alam dito."

Gigil niyang sinabunutan ang kaniyang sarili. Nababalisa siyang nagpalakad-lakad at ako naman ay nagsimula nang mag-panic dahil sa ginagawa niya.

"Do something! Fix this mess!"

"I-I will, mom! I will!"

"Go find your bride! 'Yong totoong Elijah!"

His Beautiful SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon