I

364 21 1
                                    

"Prinsesa, gising"

Hindi ko pinansin ang boses na iyon  at bahagyang kinamot ang leeg ko dahil sa bahagya iyon na nangati habang pinagpatuloy ang pag tulog ko.

"Mahal na Prinsesa! Kamahalan!" Imbis na mawala ang boses ay lalo pa iyon na lumakas at naramdaman ko nang may bahagyang humawak sa aking balikat at niyugyog iyon na naging dahilan para imulat ko ang aking mata.

"Ano---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko noong bumungad sakin ang hindi pamilyar na lalaki. May katandaan na ito, siguro'y nasa 30's-40's na ang edad. May mahaba itong peklat sa kilay hanggang sa ibaba ng kaniyang mata. Nakasuot ito ng armor at may espada sa kaniyang tagiliran

"Mabuti't nagising kana, Prinsesa. Hinihintay na ang iyong hatol" saad nito at umalis na sa harapan ko't tumungo sa aking gilid na naging dahilan para makita ko ang buong paligid ko na kanina'y hinarangan niya.

Ang dating screen ng computer ko ay nawala na sa paningin ko at napalitan ito ng kabahayan na gawa sa bricks. Sa gitna ng kabahayan na 'yon ay may open space na may naka tayong dalawang poste na yari sa makapal na kahoy na pinagdugtong ng crossbeam na may nakasabit na lubid.

Wait?! Bitayan?! Hindi naman siguro ako shunga para hindi mapagtantong bitayan 'yung nakikita ko?!

Sa tabi ng bitayan na 'yun ay may nakaluhod na tao na tinakluban ng sako ang ulo. Pansin ang paninilaw ng damit nito na halos mahalintulad na sa basahan habang mahigpit na itinali ang kamay at paa nito na walang suot na sapatos o tsinelas man lang. Dahil sa nakaumbok na dibdib nito ay napagtanto kong babae ito.

Napalibot ang tingin ko sa paligid at kita ko kung gaano kagalit ang mga taong nakapaligid sa babae dahil pinagbabato nila ito ng kung anong hawak nila. Puro narin sugat ang babae na siyang kita dahil sa maputi ito.

Napatingin ako sa kanan ko at kita kong may mga nakaupong kababaihan roon na nakasuot ng pang medieval. Pamilyar sakin ang mga gano'ng damit dahil narin sa mahilig ako manuod ng western movies. Habang sa kaliwa ko naman ay puro kalalakihan na naka kurbata pa't may mga tungkod na hawak, habang ako naman ay naka suot ng puting gown na may bahagyang nakadikit na mga crystal bilang design.

Napadila ako sa natutuyong labi ko, hinihiling na panaginip lang sana ito, ngunit ramdam ko ang pagkabasa niyon.

Batid kong kinakabahan na ako dahil nasa hindi pamilyar na lugar ako, ngunit pilit ko iyon isinusupil at muling tumingin sa ibaba ng entabladong kinauupuan ko't tinignan ang babaeng hanggang ngayon ay nakaluhod parin sa lupa. Hindi ito gumagalaw sa pwesto niya na tila ba tanggap na nito ang kahahantungan niya.

Pilit ko hinanap ang aking boses at nagsalita. "Anong kasalanan ng babae at kailangan ko siyang hatula----" muli kong hindi naituloy ang aking sasabihin nang sunod sunod na alaala ang pumasok sa isipan ko na alam kong hindi sakin, kung hindi sa may ari ng katawan na ito na siyang tinatawag nilang "Prinsesa"

Isang mangkukulam ang babae, tawag nila sa taong may kakaibang kapangyarihan na wala sa normal na tao. Base sa alaala ng may-ari ng katawan na ito, ang mga mangkukulam ay kumalat sa lahat ng kaharian matapos ng mga itong tanggapin ang kapangyarihan na siyang galing sa "diyablo" na naging hudyat upang itakwil ang mga ito ng simbahan at ipapatay.

Napatunayan na "mangkukulam" ang babae dahil sa apoy na nilikha nito sa minahan kung saan ito nagtatrabaho na naging dahilan upang masunog ang isa sa mga kasamahan nito. Maraming naka saksi sa trahedya kaya dinakip nila ito at ngayo'y hinihintay ang kamatayan nito.

"Kamahalan?" muling sambit ng lalaki kanina na Laurence pala ang pangalan. Punong kawal ito ng Prinsesang si Leia na siyang may-ari ng katawang ito.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na siyang nagpahinto kay Laurence sa muli nitong pagsasalita. Tumayo ako sa silyang inuupuan at muling inilibot ang tingin.

Base sa alaala ko bilang normal na mamamayan, walang katotohanan ang mga mangkukulam. Siguro'y may mga taong pinanganak nga ng mayroong kakaibang kapangyarihan ngunit hindi ibig sabihin niyon ay mga kampon na ito ng diyablo. Tsaka, sa fantasy ko lang naman ito nakikita kaya imposibleng may katotohanan ang sinasabi nila na mangkukulam ang babae.

"Pakawalan ni'yo ang babae" malakas na sambit ko na naging dahilan para mapatingin sakin lahat ng tao. Rinig ko ang sari saring komento nila na hindi ko na pinansin pa at tumalikod na lang. Bahala sila riyan.

"Ngunit Kamaha-"

"Laurence" putol ko sa nagbabadyang reklamo ng punong kawal. "Dalhin mo siya sa selda. Ako ang magpapatunay na ang babaeng balak ni'yong bitayin ay walang masamang hangarin sa palasyong ito." huling saad ko at nauna ng umalis sa entablado.

"Nababaliw na nga siguro ang Prinsesa" huling rinig ko pa sa kung sino mang poncio pilato na hindi ko na lang pinansin at nagpakawala na lamang ng malalim na paghinga.

Dahil sa alaalang pumasok sa utak ko kanina ay natandaan ko ang pasikot sikot sa palasyo kaya naging madali na sa'kin tukuyin ang silid ni Leia slash, silid ko.

Habang naglalakad patungo sa ikalawang palapag ay ramdam ko ang tinging ipinupukol sa akin ng mga katulong ng palasyong ito, pero kasunod niyon ay ang pag bow ng mga ito sa akin na hindi ko na pinag kaabalahang tugunan.

Pabagsak akong humiga sa kama at tinignan ang kisame na may chandelier pa sa taas.

"Patay na ba ako?" mabilis kong inalis ang thought na 'yon sa utak ko.

Imposibleng namatay ang totoong katawan ko dahil sa pagkakatanda ko ay healthy living naman ako. On time ako kumain at zero 'yung chance na naaksidente ako kasi alam ko, bago ako mapunta sa lugar na ito, nag gagawa lang ako ng blueprint sa computer ko. Alam kong nakatulog ako that time dahil anong oras narin pero ang magising na nasa panahon na ako na uso ang mangkukulam? Napaka imposible talaga. Ano 'yon? Namatay ako habang tulog?

Muli kong nirecall ang mga alaalang pumasok sa utak ko kanina.

Leia Lancaster, pangatlo sa anim na magkakapatid. Ang limang kapatid niya ay pinatapon din sa iba't ibang palasyo para payamanin iyon, pero kumpara kay Leia, mas maayos ang napuntahan ng mga kapatid niya. Masyadong mahirap ang bansang pinagtapunan sa kaniya ng kaniyang ama. Wala ngang makain ang bansang pinapamunuan niya tuwing winter, dahil siguro'y may pagka suwail ang may-ari ng katawan na 'to kaya pinapahirapan siya ng ganito.

Base pa sa naaalala ko, ang sino mang mapapayaman ang kahariang pinamumunuan ng magkakapatid, ay may chance na maging reyna o hari ng buong bansa, at sa case ni Leia, wala itong pakialam sa trono, at hinahayaan na lang ang lima niyang kapatid na magpatayan para sa gintong korona na iyon.

"Kamahalan,"

Napatigil ako sa pag iisip at pinakinggan ang sunod na sasabihin ni Laurence sa harap ng pinto ng silid ko.

"Nasa selda na ang mangkukulam" saad nito.

"Sige. Susunod na ako" tanging sinambit ko. Rinig ko ang mabigat na hakbang nito dahil siguro sa suot nito na armor na normal na 'ata sa kaniya.

Muli akong nagpakawala ng hininga at napipilitang bumangon mula sa pagkakahiga.

Sana lang hindi ako mapahamak lalo sa pinag gagawa kong ito.

******

A/N
Some of you siguro ay mapapansin ang similarity nito sa isang particular na story kasi inaamin ko na doon ko ito binase. Ang pinag kaiba lang, may ibang twist ito.

And also, sorry if panay published unpublished ako ng mga nirereleased kong story. May mga inaayos kasi akong part na alam kong matatagalan akong ayusin. Kaya ayun.

If may typo sa chapter na 'to, ayusin ko na lang next time then ang cover photo, sa sunod na lang din since ako mismo ang nag eedit ng book cover hahhahhaha. Need ko ng maraming reference para sa cover photo nito.

-Xoxo

The Princess's Return (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon