IV

81 11 2
                                    


"The second law of thermodynamics: Heat can never pass from a colder to a warmer body without causing some other change, or it is impossible to convert heat from a single source into work without causing other effects, or entropy always  increases in an irreversible heat reaction."

Maingat kong isinusulat gamit ang lengwahe ng mundong ito ang phrases na iyon. Kung titignan, tila mo gumagalaw na bulate ang gamit na letra rito, at hindi ko maintindihan kung paano naaaral ng mga tao rito ang ganoong kakumplikadong characters.

Kung tatanungin ako kung ano sa mga physical laws ang pinaka nababanas akong aralin, walang pag aalinlangan kong pipiliin ang second law of thermodynamics. Sabi kasi rito na, ang heat ay palaging dadaan mula sa mataas hanggang sa mababang temperatura, kaya nagdaragdag ng kaguluhan sa pagkakasunud-sunod at pagtaas ng entropy. Kalaunan, ang lahat ay mawawalan ng halaga, at ang mundo'y magiging tahimik.

Ngunit, hindi kabilang ang mundong ito sa issue ng pagtaas ng entropy. Nakakapaglikha rito ng kapangyarihan mula sa kawalan, na mas kamangha-mangha kaysa sa perpetual motion machine.

"Hukbo ng kasamaan?" napaubo ako ng maisip ko iyon. "Ang mga tao rito ay hindi nakikita ang halaga ng kapangyarihan na iyon, na kung saan kayang baguhin ang buong mundo."

Kaya sisimulan kong baguhin ang maliit na bayang ito.

Pinunit ko ang papel na sinulatan ko kanina at itinapon iyon sa pugon na kung saan unti unti itong naging abo.

Kita kong medyo naguguluhan ang assistant minister sa ikinikilos ko, pero dahil sa kilala si Prinsesa Leia na iba talaga kumilos, hindi na lamang ito umimik. Pansin niya rin naman sigurong nasa good mood ako.

"Tapos na ang iyong inuutos, Prinsesa. Ang 'mangkukulam' ay binitay na kahapon." balita nito sa akin.

"Mabuti naman. Wala naman sigurong nakapansin?" tanong ko habang muling nagsusulat "Pero sabagay, lahat naman ng bilanggo ay nakasuot ng tabon sa kanilang ulo." 

Para kasi maiwasan ang gulo laban sa simbahan at sa asosasyon ng mga mangkukulam, inutusan ko ang nagbabantay sa kulungan na maghanap sa isa sa mga bibitaying kriminal na kasing katawan ni Selena at ito ang ipalit sa dalaga. Alam kong hindi ko maitatago habang buhay ang lihim na ito pero hanggat maaari ay pipigilan kong kumalat ang totoo. Mapapalaban din naman ako sa simbahan, pero hindi na muna sa ngayon. Kailangan ko munang pangalagaan ang pinaka importanteng resources na hawak ko. Kung sakali mang kakalat ang totoong ginawa ko sa iba pang mga mangkukulam, iisipin nila na may bayang maaari nilang tuluyan na walang masamang intensyon sa kanila na siyang malaking tulong din sa akin.

Kahit nasaang panahon pa man ako, talent and human resources ang maikukunsidera kong pinaka importanteng bagay sa mundo.

"Sunod mong gawin ay ibigay mo sa'kin ang buod ng nakaraang taong kalakalan, buwis at gastusin. Nais ko ring itala mo ang bilang at laki ng bakal, tela, at pagawaan ng palayok sa buong bayan."

"Kakailanganin ko ng tatlong araw upang matapos ang mga iyon, Prinsesa. Subalit-" Tila may pag aalinlangan na saad nito. 

"Anong problema?" tanong ko. Kahit alam kong nais nitong itanong kung ano talaga ang nangyari kahapon ay pinili ko paring mag maang maangan. Sino ba naman kasing tao ang dati ay parang walang pakialam sa paligid niya ay dumaan lamang ng isang araw ay ang laki na ng pinagbago. Batid ko rin na sa mata ni Marcus, ang pag aalaga ng mangkukulam ay tila ba pag dedeklara ng digmaan sa buong mundo.

"Kamahalan, hindi ko maintindihan," ani nito "Batid kong lumilikha kana ng gulo noon pa man, ngunit lahat ng iyon ay hindi naman nakakasakit, pero ngayon, isasaalang alang mo ang lahat para lamang iligtas ang isang mangkukulam? Ang simbahan ang naglagda ng batas na sila'y kitilin, maski ang iyong amang hari ay sinuportahan ito."

Bahagya akong napa-isip at kalauna'y nagtanong "Naniniwala ka ba na ang bayan na ito ay magandang bayan para mamuhay?" 

"Uh, ito," kita ko ang pagdadalawang isip nito na para bang hindi nito alam kung anong koneksyon ng tanong ko sa topic kanina pero kalauna'y sumagot parin ito ng totoo "Hindi gaano, Prinsesa."

"Napaka hirap ng bansang ito kumpara sa Rivendell at Grimburgh, anong sa tingin mo ang tyansa ko laban sa aking mga kapatid na makuha ang trono?"

Hindi nakaimik si Marcus kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Wala. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay piliin ang ibang daan". Taimtim kong pinapanuod ang pagbabago ng expression ni Marcus, at batid kong unti unti na itong nahuhulog sa bitag ko. "Daan kung saan pati ang aking ama ay mamamangha."

Hindi ko ipinilit sa kausap na ang mga mangkukulam ay masama at may masamang kapanyarihan kasi alam kong walang patutunguhan iyon. Dalawampung taon ng Assistant minister of finace si Marcus at competent siyang politician. Para sa mga katulad niya, ang pansariling kita ay mas mahalaga kaysa sa batas moral. Tsaka, sa pagkakatanda ko, ang paggamit ng emotions ay hindi tipikal kay Prinsesa Leia dahil hindi naman ito ganun kabuting tao, kaya ngayon, idadaan ko sa external conflict between religious and secular authority lalo na't masyadong malawak ang kapangyarihan ng simbahan.

Pinapakalat ng simbahan na ang mundo ay kumikilos ayon sa utos ng Diyos at ang  Pope ang boses ng Diyos. Kung malalaman ng mga tao na ang mga sinasabi ng mga ito ay puro kasinungalingan, ang nasasakupan ng simbahan ay talagang maapektuhan.

Mahihirapan akong kumbinsihin si Marcus na "ang mga mangkukulam ay hindi masama kaya nais ko silang iligtas" kaya papalitan ko iyon ng "ang mga mangkukulam ay hindi masama at magagamit ko sila para kalabanin ang simbahan". Sa ganoong paraan, makukumbinsi ko si Marcus.

"Kahit gaano pa kasagana ang bayan ng mga kapatid ko, lahat ng mga iyon ay mapapasakamay rin ng simbahan. Napalaganap na nila ang banal na karapatan ng hari, kung saan isinasaad na ang nararapat na tagapag mana ay marapat na pagpalain ng Santo Papa, sa tingin mo, tayo ba talaga ang tunay na namumuno sa lupaing ito?" Bahagya akong tumigil at seryosong tinitigan ang kaharap ko sa mata "Makikita ni Ama ang bagong pag-asa sa akin. Ang pinuno na hindi nagigipit ng simbahan at ang totong tagapag mana ng karapatan bilang reyna."

Babaguhin ko ang pinaniniwalaan ni Marcus na 'kalaban ng buong mundo' sa 'kalaban ng simbahan lamang', lalo na mismong si Marcus ay nasa side ng royal family.

"Kung makikita mo lamang ang kakaibang kapangyarihan ng mga mangkukulam na kung saan kaya nating gamitin laban sa simbahan, ang pagpapakitil sa kanila ay magiging isang malaking biro lamang. Hindi ko masasabing magiging matagumpay iyon, ngunit hindi rin ibig sabihin na hindi iyon imposible. Dalawampung taon ka ng katulong na ministro, hindi ba? Kung ako ang papalit sa trono ng hari, kaya kong tanggalin ang 'katulong', at maaaring gawin ko pa iyon na....Kanang kamay ng reyna."

Habang pinapanuod kong umalis si Marcus, nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko gaanong pinag isipan ang pangko ko, na normal lang naman lalo na at batid ko na ang plano ko ay mahirap gawin. Pero, ang importante ay mapaniwala ko si Marcus na seryoso ako sa mga sinasabi ko. Ang simpleng plano na ko na kamuhian ang simbahan ay magbibigay daan sa akin para maka attract pa ng maraming mangkukulam. 

"Pakitawag si Selena at sabihi mong kaniya akong kitain." utos ko sa katiwala ng makalabas na sa pinto si Marcus. Mabilis namang sumunod ang inutusan ko at iniwan na ako.

"Balik sa trabaho" nakangiting saad ko at kinuha ang lahat ng papel na naka kalat sa mesa't umakyat sa isang kwarto na ginawa kong opisina.

The Princess's Return (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon