Mag-isa lang akong kumakain dito sa mesa ko nang bigla na lang may nangahas na umupo sa tapat ko. Agad namang kumunot ang noo ko nang makita ko kung sino yung napaka-walang hiyang taong yun
"Ano sa tingin mong ginagawa mo?"
"Umuupo? Humihinga?" pilosopo niyang sabi kaya napairap na lang ako
"Anong karapatan mong gawin yun? Pwede ba wag mo kong istorbohin?!"
"To naman! Ikaw na nga lang tong sinasabayan eh. Alam mo ba, malungkot mamatay nang solo?"
"Tss. Baka gusto mo ikaw ang mamatay nang solo?! Hindi ka pa ba aalis?!"
"Tsk tsk. Hindi naman ako mamamatay ng solo, dahil may mga fangirls ako"
"Stupid. Your fangirls won't even be with you when I kill you" padabog kong sinubo yung huling kutsara ko ng pagkain at inirapan siya bago umalis
Nakakainis talaga yung Zeo na yun! Napakapapansin! Porke gwapo siya akala niya lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya?!
Nadapa naman ako sa may doorstep ng canteen kaya lang may humawak sa wrist ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig
Ugh. Ayan! Nakakagago naman eh! Kakasabi ko pa lang na hindi ako nagkakandarapa sa lalaking to pero eto, nadapa ako sa kanya.
"How can you kill me when you're that clumsy?" sabi niya pa nang naka-smirk
Kagigil! Leche! Bakit ba siya ganyan?! Bakit masyado siyang pa-fall?!
AT BAKIT AKO ANG DINIDIKITAN NIYA THESE PAST FEW DAYS?!
"Babalik ka na ba ng room? Sasabayan na kita"
"No thanks. Pwede bang tantanan mo na lang ako? Yun na lang ang gawin mo kung bored ka" maglalakad na sana ako kaya lang mas hinigpitan niya yung pagkakahawak niya sa wrist ko. Ugh hawak niya pa pala yun?!
"Sabi ko, sasabayan kita" mariin niyang sabi at hinila ako palabas ng canteen. Ang higpit ng hawak niya sa wrist ko. Feeling ko wala nang dugo yung kamay ko dahil ang lamig na nun
Ramdam ko rin ang titig ng mga tao sa amin, sa kamay namin. Hindi ko alam kung namumula ako dahil sa kahihiyan o dahil sa hawak ni Zeo Trinidad ang kamay ko. Hihigitin ko na sana yung kamay ko kaya lang biglang dumulas yung pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hawak niya na yung kamay ko. As in yung holding hands ba?
Great! Now we're holding hands while walking!
"Ano bang trip mo Zeo? Why are you suddenly into me?" huminto naman siya sa paglalakad at tinitigan ako sa mata.
Yung tingin niya, nakakapanghina ng tuhod. Para akong masusuka dahil may kung ano sa tiyan ko. Ugh hindi ko maintindihan
"Didn't you know?" he gave me a half-smile "I like you"
"A-ano?" nauutal kong sabi. Did he just say he like me? Seryoso ba siya?
"Tara na" ngumiti pa siya bago ako hinilang muli. Wala yata ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na lang siyang hawakan ang napaka-precious kong kamay
Loner ako kaya hindi ako sanay sa atensiyon. Hindi rin ako sanay na may kasama but these past few days, I'm always seen with this person. Itong lalaking to na ginugulo ang napaka-payapa kong buhay. Sa apat na taon ko dito sa Johnson University, sapat na saaking seatmate ko lang si Zeo, walang communication, walang ano pa man. Tapos ngayon, ngayong malapit na kaming grumaduate, he's suddenly into me?! Gaguhan ba to?
BINABASA MO ANG
Just a Dare
Romance"Kinilig ka sa lahat ng yun?" kahit sa ganitong sitwasyon, nakakapag-half smile pa siya. Ang kapal niya! "Right. All of it was just a dare"