Chapter One

88 0 0
                                    

GLYVEE'S POV 


 Everyone's enjoying the party but me? Nah, I don't think so. I just want to drink and drink hanggang sa malasing at makalimutan ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. You want to know why naglalasing ako? We just broke up after six long years of relationship. Ang sakit 'no? Akala mo na okay na lahat at di mo naiisip na mangyayari 'to pero ganun talaga 'ata ang buhay eh. Di mo talaga mapredict kung ano ang mangyayari kinabukasan kaya heto ako nagpapakalasing para kahit papaano maibsan ang sakit. 



 "Hello Miss, pwede ba kitang samahan?" sabi nung matangkad na lalaki na lumapit sa 'kin. 



Nag nod nalang ako kahit di ko masyadong aninag ang face niya at para di na humaba 'yong conversation namin tinuloy-tuloy ko pa din ang pag-inom hanggang sa naramdaman ko nalang na nahihilo ako.Napansin ko na magsasalita sana siya nang tawagin ko ang bartender at binayaran agad ang bill ko and I decided to go home. Hahakbang na sana ako ng biglang.... 



 "Oh miss, okay ka lang?" tanong nung lalaki pagkatapos niya akong masalo. Oo, muntikan na akong madapa and thanks to him dahil di ako tuluyang napasubsob.



 Well, dahil sa nasalo niya ako nakita ko ang mukha niya. Ang ganda ng mata niya may pagkachinito, matangos ang ilong at basta sa tingin ko gwapo siya. At ang bango pa niya ang sarap amuyin. Well, tama na nga 'to. Kaya agad akong tumuwid. 



 "Ah oo, okay lang ako. Salamat sa pagsalo mo. Sige alis na ako. Bye." sabay kaway pa sa kanya. 



Pasuray-suray pa din akong naglalakad palabas ng bar at dahil hindi ko dala ang kotse ko nag-abang nalang ako ng taxi. Kapag minamalas ka nga naman talaga, nahihilo na ako sobra pero wala pa din na nadaan na taxi.  Haist! Bwisit! Lango na talaga ako sa alak kaya di ko napansin na may nakaparadang sasakyan sa harap ko kaya tumingala ako at nakita ko na naman ang lalaking sumalo sa akin kanina.



 "Miss, wala atang dumadaan na sasakyan dito kapag ganitong oras gusto mo bang ihatid nalang kita sa inyo?" 



 Kahit ayaw ko man pumayag na lang ako dahil gusto ko na talagang mahiga sa pinakamamahal kong queen size bed. Kaya agad akong pumunta sa may passenger's seat at kusa kong binuksan 'yon at sumakay na. Bahala na si batman sa 'kin. Ang gusto ko lang naman ay makauwi na at makatulog sa pinakamamahal kong kama.




 ZKAII'S POV




 Nasa biyahe na kami at ewan ko ba bakit ko pa siya hinintuan kanina. Di ko naman siya kilala at sa tingin ko lasinggera pa ang isang 'to pero maganda siya. Grabe kasi kung makainom pero baka nga naman problemado. Well, bahala na 'to. Ahm, teka saan ko ba iuuwi ang babaing 'to?



 "Miss, miss.."sabay tapik sa pisngi niya. Ungol lang ang sinagot niya. Naku naman! Kapag minamalas ka nga naman oh! Tatapikin ko pa sana ulit siya ng biglang tumunog ang cellphone ko.



ZHEA CALLING.... 



 Ano na naman kaya ang problema ng brat na 'to?



 "Hello Zhea? Ano na naman ang problema mo?"agad na tanong ko sa kapatid ko.


 "Kuya Zk, umuwi ka na! Now na!"lakas naman ng boses ng babaing 'to.


 "Bakit naman ako uuwi diyan? Sa condo ko ako matutulog at saka pwede ba matulog ka na nga. Its already late pero gising ka pa." 


 "Umuwi ka nalang dito dahil nandito lang naman sina mama at papa. And guess what, kasama pa nila Phoemi."inis na sabi nito. 


 "Huh? Nandiyan sina mama at papa? I thought next week pa ang uwi nila at bakit kasama nila si Phoemi?" tanong ko "Di mo ba nahahalata? Eh gusto nila 'ata ang babaing 'yon na ipakasal sayo."sabay halakhak


 "Damn! O sige, sabihin mo na bukas pupunta ako d'yan. Sige."sabay off sa cellphone.


  


  Damn! How could they do this to me? Ayaw na ayaw ko pa naman na pinapakialaman ako lalo na yong personal na buhay ko. Bwisit! Napatingin ako sa kasama ko at may nabuong plano sa isip ko. Kaya dali-dali kong tinawagan ang tito ko na pwedeng magkasal.



 CALLING TITO ZEUS...



"Hello?"sagot ng kabilang linya


 "Hello Tito? It's me Zkaii. May hihingin sana akong favor sa inyo at kung okay lang pupuntahan ko po kayo diyan sa house niyo." 


 "Oh sige iho. I think na napaka-importante ng hihingin mong favor sa 'kin." "Salamat Tito. I'm on my wayt there." then i turned off my phone 


Agad kong pinaandar ulit ang sasakyan ko at pinuntahan si Tito. Bahala na talaga sabay lingon sa katabi ko. I will just explain to her ang lahat ng nangyari ng gabing 'to kung nasa tamang pag iisip na siya. ____________________________________________________________________________________Pasensya na kung medyo natagalan sa pag update ah at saka pasensyahan niyo na din 'yong simula nito..promise babawi ako sa mga susunod na chapter...nahihirapan kasi akong gumawa ng plot sa story na 'to kung paano ko ba siya sisimulan.. salamat po sa time niyo ^_^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married To UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon