chapter four

12 0 0
                                    

CASEY'S POV


Pagkatapos kung malaman mula kay Xeska ang pangalan at address ng pinagtatrabahuan nito ay agad ko itong pinuntahan. Wala akong dapat aksayahin na oras at ginagawa ko 'to para sa 'min ng pinakamamahal kong si Dustin. Nasa parking lot na ako ng building at bago ako bumaba ay tiningnan ko muna ang sarili ko. Ang ganda ko talaga! Ang yabang 'no?Hehehe..


Nang nakababa na ako ng sasakyan ay may nakita akong security guard na may kausap sa entrance. Agad kong nilapitan si Manong guard nu'ng makita ko na nakaalis na ang kausap niya na I think isa atang messenger kasi naka-mountain bike siya eh.


"Good morning po, Manong."agad ko na bati dito

"Good morning din iha."bati din nito na nakangiti

"Ahm Manong, pwede po ba magtanong?"ako

"Pwede naman, iha. Ano ba yon?" si Manong

"Itatanong ko lang po sana kung dito po ba sa building na 'to nagtatrabaho si Jan Zaein Samaniego?"

"Ang ibig mo bang sabihin eh si Sir Zaein?"

"Ah opo siya nga po."

"Bakit mo ba siya hinahanap iha? Girlfriend ka ba niya?"

"Ah hindi po, Manong." sabay iling ko.

Naku naman 'tong si Manong oh napaka tsismoso. Hmp! \

"Pasensya na iha kung napagkamalan kita. Ano ba ang kailangan mo sa kanya iha?"

"Okay lang po. Nandito po ako dahil may ipinapasabi 'yong kaibigan niya sa kanya. At sa katunayan po, girlfriend po ako ng bestfriend niyang si Dustin."pagsisinungaling ko sabay ngiti ng napakatamis-tamis

"Naku iha, sobrang pasensya na talaga. Girlfriend ka po pala ni Sir Dustin. Sorry po talaga."sabay yuko nito

"Okay lang po talaga Manong. Nandiyan po ba siya?"

"Pasensya na iha pero parang nagkasalisi kayo eh. 'Yong lalaking nakabisikleta kanina, si Sir Zaein 'yon."sabay kamot sa ulo

"Ah ganun po ba? Saan po ba siya pupunta?"

"Di ko alam eh."

"Sige po. Salamat po Manong ah."

"Sige iha."


Pagkatapos kung makipag-usap kay Manong guard ay agad akong nagpunta sa sasakyan ko at pinaharurot ito. Kailangan ko siyang maabutan. I badly need him para makuha ko ang approval ng Mommy ni Dustin. Pagkaraan ng ilang minuto na pagda-drive ko, napansin ko na may lalaking lumabas sa isang convenience store at kamukhang-kamukha niya 'yong guy na nakausap ni Manong kanina na sinasabi niyang si Zaein.

Agad ko siyang sinundan at grabe naman ng lalaking 'to kahit saan-saan nalang lumiliko. Di ba niya alam na ang hirap-hirap kaya. Mga kalahating oras siyang paliko-liko ng daan hanggang sa makita ko na di magkakasya 'yong car ko sa dinadaanan niya.

I don't have a choice at dahil kailangan na kailangan ko siya bumaba ako ng sasakyan at patakbong sinundan siya. Pero ang sakit-sakit sa paa na tumakbong nakaheels kaya naisip ko na hubarin at maglakad-takbo nalang na naka-paa. Kalahating oras din akong lakad takbo hanggang sa makita ko na nag-stop siya sa labas ng isang gate at pumasok sa loob nito.

Hay salamat at natapos na din ang paghihirap ko. Dinahan-dahan ko ang paglakad ko dahil sa sakit ng paa ko at nang nasa labas na ako ng gate ay agad akong nag-doorbell sa gate. Di nagtagal ay may lumabas na babae na sa tingin ko ay mas bata sa 'kin ng konti at binuksan ang gate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In love With My Best friend's Girlfriend (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon