PROLOGUE:
Ang tanga tanga ko daw dahil hanggang ngayon ay nag aantay pa daw ako para sa taong hindi naman darating. Iniiyakan ang taong wala namang kwenta. Umaasa kahit alam kong wala namang pag asa. Sinasayang ko lang daw oras ko. Well, I'm a girl. I cry over stupid guys. Handa naman akong magmukang tanga para umasa basta pinapahalagahan ko yung taong nagsabi. Kahit alam kong mapapako lang ang pangako.
Pero....
Bakit pa ba sila mangangako kung hndi naman pala nila ito tutuparin? Nakakainis diba? Nagmumuka tayong tanga dahil pinaaasa nila tayo sa wala. Alam naman kasi nating kapag umasa tayo, mag eexpect tapos sa huli ay hindi napanindigan ay masasaktan tayo. Kaya nga siguro nasabing "promises are meant to be broken". So ganon nalang yun? Paasa lang? Haaay! maiintindihan niyo din ako.
Ito ang buhay ko...
Ang buhay na lagi nalang umaasa at nasasaktan...
Kailan kaya ito magbabago?
- - - - - - - - - - - - - - -
Nagbago ito simula noong dumating siya....