The Picture and the Letter

12 0 0
  • Dedicated kay Mart Cubero
                                    

Chapter One 

Dumating na ang barkada nila Psyche, Joyce, Ellyse, Dave at Bernard sa Villa Katrina Resort para sa i-celebrate ang kanilang graduation sa high school. sinalubong sila ng caretaker ng nasabing resort. 

"Magandang gabi sa inyo. Tawagin niyo na lang akong Mang Pablo," pakilala nito. 

Nilapitan siy ni Bernard "Magandang gabi din po. Ako po si Bernard. Ito naman po si Psyche, Joyce, Dave at yun naman si Ellyse." 

"Sasamahan ko na kayo sa cabin para makapagpahinga na kayo." 

"Salamat po." 

Pumunta sila sa cabin ng grupo. Namangha sila sa pagpasok nila. 

"Ang ganda naman po dito," komento ni Psyche. "Ang luwag." 

"Isa ito sa mga pinakamalaking cabin dito. Para talaga ito sa mga magbabarkada na pumupunta dito," paliwanag ni Mang Pablo. "Kung may kailangan kayo hanapin niyo lang ako." 

"Kayo lang po ba mag-isa dito?" tanong ni Dave. 

"Hindi. May kasama ako. Inaasikaso lang niya ang ibang bisita." 

"Sino po siya?" tanong naman ni Ellyse 

"Si Lea. Huwag kayong mag-alala ipapakilala ko kayo. Sa ngayon, magpahinga muna kayo."

"Aaahhh!" sigaw ni Ellyse na gumising kina Joyce at Pscyhe. Kaagad nila nilapitan ang kaibigan. 

"Ellyse, what's wrong?" tanong ni Joyce. 

Ngunit tulog at sumisigaw pa rin si Ellyse. "No! Please huwag!" 

"Baka binabangungut siya! Tawagin mo sina Dave." 

Lumabas ng kuwarto si Psyche para puntahan si na Dave. 

Maya-maya ay pumasok na sina Dave at Psyche kasam si Bernard. 

"Anong nangyayari?" tanong ni Dave. 

"Si Ellyse parang binabangungut siya. Kanina pa siya sigaw ng sigaw," sagot ni Joyce. 

Nilapitan ni Dave si Ellyse. "Ellyse gumusing ka." 

Patuloy pa rin sa pagsigaw si Ellyse. "No! Please tulungan niyo ako." 

"Wake up now. Ellyse please gising na!" 

Hindi nagtagal ay tumigil sa pag sigaw si Ellyse at nagising. Kaagad siyang niyakap ni Dave.  

Napa-buntong hininga naman si Psyche." Buti nga nagising ka na. Natakot kami." 

Napaiyak naman si Ellyse. "Nakakatakot talaga yung panaginip ko." 

Hinimas naman ni Dave ang likod niya. "Don't worry. Panaginip lang yun." 

"Sasamahan na lang namin kayo dito," suhestiyon ni Bernard. 

"Sige. Dave tabi na lang kayo ni Ellyse tapos si Bernard sa right ni Psyche. Ako naman sa left si Psyche," sabi ni Joyce. 

"Matulog na tayo. Mamamasyal pa tayo bukas."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Picture and the LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon