A/N: this chapter is quite a bit short, hehe.
FROI
"Shut up." bulong ko.
He smirked and moved away. Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng libro, and I need to turn my eyes in different locations so that he can't see my genuine...fucking smile.
Napalitan ng gulat ang ekspresyon ko nang makita si Gavin sa entrance ng Library. He was looking at me... and biglang lumipat ang kanyang mga titig sa katabi ko.
I gulped.
Nang muling bumalik ang tingin niya sa akin ay nginitian ko siya at kumaway, sinenyasan ko siyang lumapit pero umiling naman siya. He shows some gestures with the use of his hands, napatingin naman ako sa bintana at napansin ko na makulimlim na.
His gestures gives me an idea na malapit nang umulan. Wala pa man din akong dalang payong, kaya naman... tumayo na ako at akmang maglalakad na patungo kay Gavin nang biglang hinawakan ni Kiyo ang aking braso.
"Where are you going?" he asked me.
"Umm... babalik na sa building." I answered.
He gives an eye to Gavin. Tumaas ang kanan kong kilay, they are having a conversation using their eyes. Meron siguro silang telepathy.
"Sama ka?" pinutol ko ang tensyon na nabuo sa pamamagitan ng kanilang mga titigan.
He looked at me. "I would love to." sagot naman niya.
Lumiwanag ang aking mukha at sobrang natuwa sa kanyang sinagot. Nauna akong pumunta kay Gavin, habang panay ang balik ng paningin ko kay Kiyo na binabalik ang mga librong kinuha niya.
"Tara?" tanong naman ng katabi ko.
Ngumiti ako. "Sasabay daw si Kiyo." sagot ko, tumango naman siya bilang sagot.
Kinalaunan, sabay-sabay kaming naglakad paalis. The air is filled with awkwardness, walang nagsasalita ni isa... at ako pa talaga ang nasa gitna. Nag-iisip ako nang paraan para magkaroon kami ng conversation at mapawi ang awkwardness na namamagitan sa aming tatlo.
"So..." I cleared my throat, mukhang nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa. "Nagugutom ako, pwede ba tayong pumunta sa Cafeteria?" tanong ko at sabay naman silang tumango.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Gavin.
"Kayo bahala." nakangiting sagot ko.
"Okay–" hindi natapos ni Gavin ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Kiyo.
"Empanada ang kainin mo." kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Your Eyes Can Tell
RomanceFroileen Roncesvalles thought that every moment of her life was full of happiness. Trying to run away from reality that gave her pain not only for herself but also for her loved ones. Credits to pinterest and the rightful owner of the picture used...