PROLOGUE
I was never raised to be a rebellion and spoiled daughter because that’s not how my parents raised me, however they have been missing that they have a daughter to care for. Masyado silang naging abala sa trabaho at napag-iwanan ako. Simula lamang nang tumuntong ako sa edad na desi-otso.
They thought I can handle myself on my own because I was on my right age. Hindi nila inisip na kailangan ko pa rin nang kalinga at atensyon nila. I have no choice but to bear everything, but I cannot. I just can’t and rebelling is the only way they can notice me. Kaya heto ako ngayon sa isang party bar with my friends.
Binalingan ko si George na naroon na sa dancefloor kasama ang nabingwit niyang chic. Napangisi ako nang mapansin ang kamay nitong nasa pang-upo na ng kasayaw. Napailing-iling ako at saka naman bumaling sa katabing abala sa kakatipa ng kaniyang keyboard. I took his phone and hid it inside my bag.
“Oh come on ses. Makukuha ko na yung papa oh!” sigaw niya sabay padyak ng paa.
Pinandilatan ko naman siya ng mata saka nagcrossed arms.
“We came here to party Ash not to text with someone,” saad ko saka nilayo yung bag na inaabot niya.
Sambakol ang mukha niya ng malingunan ko ngunit agad ding nagliwanag. Namamangha at may halong gulat pa itong humawak sa bibig na akala mo’y nakakita ng myth na bumaba sa lugar ng mga tao.
“Sissy! May gorgeous akong nakikita!” tili niya at saka naman ako pinagpapalo sa braso.
Panay ang turo niya roon sa dancefloor. Inabot ko ang inumin na nakatingin sa kaniya saka ininom. Nilingon ko ang kanina niya pang tinuturo at natigil naman ako sa paglagok. Nanatili ang tingin ko sa lalaki habang nasa bibig pa rin ang baso. Naibaba ko ito ng wala sa oras nang mahagip nito ang mata ko. Nag-iwas ako ng tingin at pekeng umubo.
“Diba sis? Ang gwapo, ang hot tas ang gorgeous niya tingnan! Naglalaway ako ses!” eksaherada nitong sabi habang nakadaop ang palad.
Napakagat ako sa labi ng wala sa oras dahil tama nga naman si Ash. He’s gorgeously hot.
Muli akong napatingin sa dancefloor at natagpuan itong marahan lamang na gumagalaw habang yung iba naman niyang kasama ay parang nakatakas sa hawla. He seems calculated. Kahit ang paghawi lang ng kaniyang buhok ay kalkulado. Nakapanghihina ng tuhod.
“Ano sis, puntahan natin? Ipauubaya ko na siya sa‘yo,” ani Ash na inirapan ko saka napapailing iling na ngumisi.
“You know that I‘m not good at flirting, Ash.” Umiling ako habang nilalapag ang basong ubos na ang laman.
Nagsalin ako ng panibago saka saglit na lumingon sa dancefloor para hanapin si George. Mukhang matatagalan pa ang pagbalik no’n dito. Nahagip ng paningin ko ang lalake na paalis na sa dancefloor saka tinungo ang isang table. May ibinulong ito sa lalake bago hinablot ang black coat na nakasabit sa sofa at lumabas.
“Sabi sayo sis, lapitan na natin eh. Sayang si daddy,” hagikgik nito sabay tili.
Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito.
“Oh bakit? He’s like in his fourties but still gorgeous. You know what I mean?” Taas baba ang kilay nito.
Inirapan ko siya at sumandal sa sofa dahil biglang umikot paningin ko. Doon naman ang pagring ng phone ko. Kinuha ko ito at tiningnan ang tumatawag. It was mom! Napangiti ako saka tumayo.
“Ash, sagutin ko lang ito.” Tumango siya saka ako tinaboy.
Paglabas ko ay saka ko naman sinagot ang tawag. “Hello mom,” ani ko.
“Nasaan ka? Anong oras na Heaven. Wala ka bang balak na umuwi?” saad nito sa kabilang linya.
Rinig ko sa boses nito ang pagtitimpi. That’s right. I want that. Your attention mom.
“Pauwi na po mom. I will be on my way. By the way, where’s daddy?” Napapangiti na lang ako.
Naglakad pa ako palayo sa bar at tinungo ang mini garden sa gilid. Madilim doon ngunit hindi ko alintana iyon. I am happy because mom was worried sick of me.
Hawak sa kaliwang kamay ang phone ay marahan naman ang pagsipa-sipa ko sa batong nakikita habang naroon ang tingin.
“He’s on his study room, doing his paper works,” anito.
“Did he ask about me?”
“Yes. Galit ang daddy mo Heaven. Hindi iyan uwi ng matinong babae,” mom.
Napangiti ako. “I love you mom.”
“Bilisan mo at umuwi kana,” imbes na saad niya saka ko narinig at pagbaba niya ng tawag.
Nawala ng tuluyan ang ngiti ko at napalitan muli ng lungkot. Nanghihina kong naibaba ang kamay. Tears welled up my eyes as my lips trembled. Nakagat ko ang labi saka agad na pinahid ang luhang pumatak. Ngunit kahit anong punas ko ay panay pa rin ang tulo. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang paghikbi. Itinakip ko ang braso sa aking mata saka ako napaupo.
They are still the same. They don’t care at all. I wished everyday and seems like, it will never come true. Panay ang iyak ko sa tahimik na gabi. Panay ang punas sa luhang patuloy ang pag-agos.
Napahawak ako sa dib-dib sa sobrang sakit na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
His Affection (On-going)
General FictionDispleasure and jealousy. Two different kinds of emotion that triggered you to do things out of control. The emotions that Heaven feels and growing with. Growing with sorrow is handful to lift. It is like, carrying a very heavy weight over your shou...