A/N: Wag na po kayong tumuloy sa pag-babasa kung kayo'y madaling matakot o kaya ay may sakit sa puso. Babala: Pawang katatakutan lamang..
All rights reserved No Copyright
-Jes
Ako si Marco. Isang normal na teenager lamang. Matagal na kaming nakatira dito sa Montalban. Malapit nang mag araw ng mga patay kaya't marami na namang katatakutang napapagkwentuhan. Sabi nila Papa ay isa raw kami sa unang tumira dito, sa Bario Sabah. 1988 noon nang mapadayo sila dito, hindi pa ako pinapanganak dahil 1995 pa nang akoy isilang, puros tatalahiban lamang daw at malalaking puno ang nakatayo dito. Maswerte kami at nag-karoon kami ng lupa, wala kasing nagmamay-ari nito kaya't bakuranan mo lang at iyo na.Naikwento ni Papa sa akin ang kinuwento ng mga matatanda sa kanya noon. May tindero daw ng puto noon, ang nakakapagtaka dito ay sa gabi lamang ito nagtitinda. Kapag pumatak na ang Alas-Dose ng madaling araw ay maririnig mo na ang malalim na boses nito.
" PUTO "
" PUTO "
" PUTO "
Nakakakilabot ang boses nito, animong galing sa lupa. Ang nakakatakot din ay dahil hindi mo mababanaag ang mukha nito dahil sa malaki at lumang salakot nito sa ulo. Kung titingnan mo siya ay para siyang lumulutang kapag naglalakad, ngunit kung pagmamasdang mabuti ay parang hindi naman. Nakakapagtaka ay doon sa lalagyanan ng puto ay may mga tumutulong kulay pula na parang dugo. Nakakatayo ng balahibo, ngunit ipikit mo lang daw at mawawala na ang dugo.
Ngayon, isinasalaysay ko ito sa aking mga kaibigan at pinsan. Lalo pa at bukas ay ika-uno na ng Nobyembre. Sabi ng mga matatanda ay nagpapakita pa rin ang mag-puputo.
Malapit nang mag-alas dose. Kaming tatlong magkakaibigan ay ay napagkasunduang tingnan ang magpuputo kung ito'y totoo nga ba.
" Kuya Marco? Magpapakita kaya yong magpuputo? " aniya ni Robin ang pinakabata saming tatlo.
" Oo nga! Baka trip trip lang yan ulet! " si Tony naman yun, ang pinaka-matatakutin.
" Anu ba kayo? Kaya nga natin titingnan diba? Wag kayong maingay at baka marinig tayo nila Mama at pauwiin na! " sabad ko.
Nasa likod kasi kami ng matataas na talahiban. Nagtatago kami at baka mapauwi lang kami ng kanya-kanyang magulang at di matuloy ang ghost hunting namin. Nang may biglang nagsalita mula sa likod namin. Napalingon kami.
" Puto? "
" Puto "
" PUTO "
Napako kami sa pagkakatayo. Nakatayo sa harap namin ang magpuputo. Nababalot ng malaking salakot ang mukha at may hawak na bilao. Sa tingin ko ay lumulutang ito at may tumutulong dugo sa bilao.
" Buksan mo ... "
" Buksan mo ... "
Paulit-ulit niyang sambit, malalim ang boses at nakapangingilabot. Parang nahipnosis ako at lumapit ako at binuksan ang bilao.
Napako ang aking paa sa pagkakatayo dahil sa aking nakita. Para akong napipi dahil hindi ako makasigaw, tumulo na lang mala-bigas na malamig na pawis ko.
" Puto? " tanong sa akin ng magpuputo.
" H-h-hind-i y-y-an Pu-puto .. " utal utal kong sabi.
" A-a-ano kuya Marco ? " mangiyak-ngiyak na sabi ng dalawa kong kasama.
.
.
.
.
.
.
.
.
" KUTSINTA! " sigaw ko at kumaripas na nang takbo bago pa makaltukang ng dalawa kong kaibigan.
A/N : Na trolled face dre? K lang yan! Share mo para makaganti! Kain tayo puto este kutsinta? xD
( ^_^) \/
BINABASA MO ANG
Ang Magpuputo (Most Horrifying Story) + BONUS STORIES/SEQUELS INSIDE!
HorrorRead the Most Horrifying Tagalog Stories. Read at your own risk. Di ko kasalanan kung matakot ka man o atakihin sa puso. Wag naman sana . Warning: Horrorness Level - Highest