"Besh,talaga bang susubok ka diyan sa underground battle na sinasabi mo?"tanong ni Jamie.Ang aking bestfriend...
"Oo naman besh,bukod sa limang taon na naging loyal ako sa aking gang,ay kailangan namin ng Latest upang maging opisyal na miyembro na kami ng gang.."
Ang latest,ay dalawang salita na pinagcombone ng aming pinuno.Isa pa,upang hindi kami mahalata.
Ginawa ko pang convincing yung boses ko para hindi niya ako isusumbong kay daddy.Mafia boss pa man din yun.Sigurado ako na hahanapin niya yung organisasyon namin at ipapapatay lahat ng miyembro.Ewan ko nga kung bakit ganyan siya eh."O sige.Pero ipangako mo ha?Uuwi ka dapat ng bahay.Walang labis.Walang kulang.Baka mamaya madagdagan ng fetus yang tiyan mo.haha!"
**PAK!!!***
Binatukan ko nga...Knowing her for almost 7 years,madumi yan mag-isip.Haha.
*Kringggg*
May tumatawag.Unregistered number siya pero alam na alam ko kung kaninong number to.Pinindot ko na ang answer button.
"Hello?" bungad na tanong ko kay pinuno.
[Gawin mo na ang misyon mo.]
"Teka!!!" Hindi na niya ako hinintay sumagot dahil pinutol na niya ang tawag.
Tss. -_- . Bastowwwszz
***
Nandito na ako ngayon sa kung saan gaganapin ang 34th mission ko...
Napalinga ako sa paligid.Isa itong abandonadong bodega.Binasa ko ang nakapangalan,sa bodega...
Rice Mill
Bigasan ata to dati.
Sumingkit ang maganda kong mata nang makita ang isang explosive at smoke bom--
Wait,WHAT?!THE F**K!!!
Mabilis pa sa alas kwatro ako tumalon sa gilid ng mga sako king saan may mga laman pa ito.Agad akong nagtago doon upang hindi ako matalsikan ng kahit anong damage...Duh -_- . Ang ganda ko kaya...
Wala pang limang segundo ay pumutok na ang 2 bomba.Gaya ng inaasahan ko...Pero mukhang may hinala ako.
Baka siya yun.
"Lumabas ka diyan Jess."
D@mn that voice!
Boses palang niya ay nagsitayuan na ang balahibo ko.Shake.Goosebumps.
Ano ka ba Jess?Nakalimutan mo bang may mission tayo dito?Wag ka ngang magpakatanga diyan.Boses pa nga lang,nanghihina na ang tuhod mo.Sabi ng utak kong magaling.
Right.I need to focus.
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exha---
"Wag kang gumalaw."
May tumutok sa akin ng baril.
Malalalim at malamig na boses...
Unti-unti akong lumingon at...
Tama nga ako.
Bumalik siya.Bumalik nga siya.
Pero may nag-iba
(Utak:Ano pa ba ang aasahan mo?Eh yan yung iniwan at sinaktan mo dati eh!!!)
*To be continued...