Chapter 1
I was sitting on a picnic bench nang hindi magkandaugagang umupo si Natalie sa lamesa, paharap sa akin. Nasa school yard kami, spending our thirty-minute break. Sinarado ko ang binabasang libro at bumaling sa kanya. Sinalubong niya ako ng malaking ngiti.
"Oh my God, Ely! You wouldn't believe this!" she gushed. She even shook my shoulders for emphasis.
"What happened to you? Nag-CR ka lang, nagkakaganyan ka na?"
"He asked me out! Ang ganda ko talaga!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam kong maganda si Natalie, but I had no idea kung sino ang tinutukoy niya. Halatang kinikilig siya sa kung anoman ang nangyari.
Napailing na lang ako. "Who did?"
"Terrence Castro! Sinalubong niya ako sa CR dahil hindi daw niya ako naabutan kanina paglabas ng classroom. Tapos bigla na lang niya akong tinanong if I'd like to be his date sa isang charity event this coming Saturday! Oh my God talaga!"
Terrence Castro? To be honest, it didn't ring a bell. Kaunti lang naman kasi ang mga kakilala ko dito sa school. If I was going to base it on Natalie's reaction, this guy must be one of the school's heartthrob. Madaming na siyang naikwento sa akin tungkol sa kanila pero tila walang nagrehistro sa utak ko.
"Sino 'yon?" Nandilat siya sa sinabi ko na agad ko namang dinepensahan. "Hey, it's not like I know everyone in this school."
"But you're supposed to know him! I've mentioned him before, remember? He's also a senior. Siya 'yung ex ni Sharon Morrison. Ugh, I hate that girl!" I didn't even know the girl she was talking about. "Ah, basta. You should meet him and his friends. Papakilala kita."
"Okay?"
Hinayaan ko siyang magsalita habang kumakain kami ng cheesy tuna sandwich na pinabaon ni Mama. Nang matapos ay naglakad na kami papunta sa building namin. Muling napa-kwento si Natalie tungkol sa bakasyon nila sa America. Unlike her brother, it was her first time there. Parati kasi siyang nagbabakasyon sa Australia dahil doon nakatira ang lola nila.
"Why don't we plan a trip together next summer?"
"Saan naman?"
Ngumuso siya, tila napaisip. "Well... since you've been to the States for so many times, I'm thinking of somewhere in Europe."
"I'm cool with that," sagot ko.
"Speaking of plans, may naisip ka na ba for our birthday?" tanong niya sa'kin nang makapasok kami sa classroom.
Natalie and I were born on the same day, at the same hospital. Kulang na lang, sa iisang sinapupunan kami nanggaling. She's practically a sister to me. Para kaming kambal sa tingin ng iba dahil naging tradisyon na din sa pamilya namin na sabay pinagdiriwang ang birthday naming dalawa.
Umiling ako. "Wala pa. Pero gusto ko sana, simple lang." Ngumuso siya ulit. Natalie was very particular with flashy and extravagant ideas, but she also valued my preference as her best friend. She spoiled me a lot, too. "Next year na lang tayo maghanda ng engrade, since it will be our eighteenth."
She squealed. "I can't wait for next year!"
Natapos na ang dalawang period kaya sunod-sunod na lumabas ang mga classmates namin for lunch. Inaayos pa ni Natalie ang bag niya kaya naisipan kong lumabas para kunin sa locker ang librong kailangan.
Pagbukas ko ng locker ay tumambad sa akin ang isang maliit na jar na puno ng white roses. Agad ko itong kinuha para alamin kung kanino nanggaling. May naiwan na maliit na kulay pulang papel sa locker. Inabot ko rin ito at binasa.