II

24 3 0
                                    

KRAYOLA I

Tila ba isa ka'ng krayola, na dumating na lamang sa buhay ko nang bigla.

Binigyang kulay mo ang buhay koʼng nalulumbay.

Mga halaman sa kapaligiran; na ang kulay ay matitingkad na luntian, aking ihahambing ang sakin saiyoʼy munting pagtingin.

Patuloy na lumalago ang aking nararamdaman para sayo.
Gaya na lamang nang nagtitingkaraʼng kulay lila, dilaw at pulaʼng mga rosas sa hardin ni tiya.

Mga mata moʼng itim na kumikislap, na siyang tila nagpapamukadkad sa mga nag-gagandahang bulaklak sa tuwing aras ay sisikat.

Ang iyong mga mataʼng tila ba nangungusap, kumikinang at kung minsan namaʼy nag-aalab.

Ang nakakapanulala moʼng ngiti, ang para baʼng sakiʼy kumikiliti.

Oh, ako ngaʼy tunay nang nahihibang.

Puso, ang puso ay kulay pula.
Nakabibighani tulad na lamang sa tuwing ikaʼy bumubungisngis kapag akoʼy iyong binibiro mija.

Ngunit ang nadarama para sayo ay dapat matigil na, akin nang ipangunguna.

Sapagkat ang pagtingiʼng ito ay mali na simula pa nung una.

Akoʼy hihinto na, tama.
Yayamang gaya ng puso,
Kapagdakaʼt akoʼy nasaktan, ang aking pusong pulaʼy di kasing tapang ng kung ano man.
Ito riʼy mayroong marupok na kalooban lamang.

Oh, patawad aking sinisinta.
ako ngayoʼy hihinto na.
Ang payo lamang saiyo aking liyag,
Humanap ka na lamang ng iibigiʼng iba na mas makapararamdam saʼyo ng tunay na saya.

—ms.intermittent

HER FORMIDABLE LIFEWhere stories live. Discover now