Kabanata III

237 20 17
                                    

Kabanata III

Mauricio Pangilinan

I was sick of this feeling. Iyong nasa gitna ka ng saya at pag-aaalala. Saya na sa wakas ay nagagawa mo na ang isang bagay na matagal mo nang gusto, pero pag-aaalala dahil alam mong bawal. I felt like a child standing at the edge of a pool, watching the others swim so happily. Gusto ko ay ganoon din ako pero inuunahan ako ng takot.

Sabina, dapat ay hanggang diyan ka lang. Sabina, huwag kang tatalon dahil malulunod ka. Makinig kang mabuti.

Sinusuka ko nang lahat iyon ngayon. Hindi na 'ko bata. Gusto ko nang tumalon sa kawalan. I wanted to break out of my cage but every time I would try, I would feel very scared. Gusto kong sumaya, lumabas, at galit na galit ako sa mga kadenang pumipigil sa akin pero hindi ko alam ay mismong mga kamay ko na pala ang nakahawak sa rehas.

It was very frustrating. Being raised as a good daughter, a good sister. A good provider. All that but never a child.

Kanina ko pa gustong sabihin kay Alexei na ibaba na lang ako at ako na lang ang gagawa ng paraan para makauwi sa amin. Natatakot ako dahil alam kong mag-aabang si Mama mamaya sa akin sa bahay pag-uwi.

See, this wasn't about me being with an alleged mafia. This was about me breaking the rules for the first time. At kung akala ko kanina'y sa tubig ako tatalon, ngayon ay sa kumukulong langis na. Masusunog ako nang husto.

However, this tiny voice inside my head whispered...while I might or might not escape my fate, of being tied to my family until the day I die, I must take this one chance. Na bago man lang ang graduation ko ay malasap ko ang makipag-date. To flirt, to see how things could unravel between a man and a woman. To be kissed.

Para naman may pinapanood ako sa kisame kapag nagbabalik-tanaw at hindi isang blankong imahe lang dahil kahit napakasimple noon ay hindi ko pa naranasan. So...I jumped. I would surely burn, but I would burn happily.

Kahit hindi sinabi ni Alexei kung saan kami tutungo ay parang alam ko na. Hindi kalayuan ang lupain ng mga Devin sa amin at nang makita ko ang matatayog na mga itim na rehas sa papasok nito ay tumama ang hinala ko. Where else would he take me when no place would accept him but his home?

The Devin Estate was roughly around a hundred hectare land, mostly undeveloped. When I was a child, the stories circulating within the notorious family made me think that this land was nothing but a dark, haunted forest. Now, however, I must say that it was really a dark forest. Sampung minutong puro kakahuyan at fog ang nakikita ko ngunit sementado naman ang daan. Still, the unsettling eerie vibe of the place remained until Alexei's car went inside a tunnel.

Mangha kong nilingon ang mga SUV sa likod namin na hindi na nagpatuloy pa sa pagsunod. May kung anong tumunog sa touchscreen na dashboard at nakita kong parang tracker iyon ng sasakyan niya.

I looked at the driver's side where half of Alexei Devin's face was illuminated, flickering by the second, by the light seeping inside the big tunnel. Nang napansin kong nilingon ako nito pabalik ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

The moment his car got out, a blinding light washed over us kaya ipinikit ko ang mga mata. Ilang segundo lamang iyon ngunit naramdaman ko ang pagiging banayad ng sasakyan.

"Sabina, we're here."

I expected the dark, gloomy forest with its wild tree branches moving. What I didn't expect was the calm, autumn scenery that welcomed our path. Umawang ang bibig ko habang nakatanaw sa mga naglalaglagang kahel at dilaw na tuyong dahon, sa puting-puting mga ulap na para bang isang abot lang at sa nag-iisang estruktura na tinutumbok ng sinasakyan namin.

Burning Red (Ruins of Helen # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon