Ikatlong Yugto

36 3 0
                                    

Aeraiah's POV


Isang boung araw akong nakakulong sa kwarto, gabi na kaya gusto ko maglakad lakad sa labas, makita kung ano pa ang meron sa lugar nato. Nag suot ako ng jacket at kinuha ang flashlight na nasa mesa. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at maingat na naglakad palabas. Nakahinga ako ng malalim ng makalabas na ako sa building na yun. Hindi ko alam kung nasaang building sina Cassey, kaya gusto ko rin sila makita. Naglakad lakad ako sa labas at napansin kung almost parehas na yung mga equipment nila sa mundo ko, ibig sabihin ba nito ay nasa present pa rin ako?

Then all I need is a phone. Naglakad lakad pa ako, meron din silang mga tindahan.

Napatingin naman ako sa itaas ng marinig ang tila isang tunog ng lumipad na ibon, pero malakas at malalim ang tunog ng pakpak, wala akong nakita kundi ang umiilaw na kalawakan lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napasinghap naman ako ng makarinig ako ng kaluskos ng mga dahon sa paligid.

Out of curiosity ay pumunta ako sa sulok na yun para tingnan, hinawi ko yung mga nakaharang na halaman. I turned off the light, kaya naman makita ang paligid dahil sa liwanag ng buwan.

Habang papalapit ako ay bumibilis din ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako pero gusto ko malaman kung ano man ang nasa likod ng halaman na to. May narinig akong mahinang pag growl, it must be a wild animal roaming at night. Isang huling hawi ng dahon na hindi ko dapat ginawa. Hindi ako agad makagalaw sa nakita ko sa madilim na kagubatang ito, a glowing golden pair of eyes was looking at me. Binuksan ko ang flashlight habang  hindi inaalis ang tingin sa mga matang iyon. Pero bago ko man mabuksan ang light ay mabilis itong tumakbo papalayo sa akin, hindi na siya nahabol ng liwanag ng flashlight, but I was really shocked of what I saw.

Nananaginip ba ako? O nakauwi na ba ako? Itinapat ko talaga ang flashlight sa lalaking nakahandusay sa lupa, I checked on him, kung siya nga ba ang taong to. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. But I saw a tattoo in his neck.

"Walter!" Sabi ko at pilit na ginigising siya. Inaalog ko siya pero hindi siya nagigising. Pinakiramdaman ko ang kaniyang pulso pero humihinga pa naman siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya kahit alam kong hindi siya sasagot.

"TULONG! PLEASE! TULONGAN NIYO KAMI!"

Naka ilang ulit pa akong sigaw bago may mga narinig akong taong papalapit sa amin.

"Narito siya! Dakpin kaagad ang huwad na iyan." Sabi nung isang lalaki.

"Huh? Wait, he- ahm. Tulong, kailangan ng kaibigan ko ng tulong." Nagtitigan sila na para bang nag sesenyales.

May dalawang taong lumapit sa akin para hulihin ako at binuhat din naman nila si Walter. Akala ko papasok na kami sa building pero huminto kami sa tapat nito at tinutukan ako sa leeg ng espada ng isang lalaki habang hawak hawak niya ako.

"Wh-what are you doing?" Kinakabang tanong ko. Ito na ba yung final time ko bago maging ulam nila?

"Tama nga sila na mga dayong englis ang dumating. Ano ang iyong pakay, bakit ka naparito?" Tanong  nung lalaki na parang pinuno nila. Siya ay sobrang puti ng balat at naka all black din.

"Huh? Anong bang pinagsasabi niyo?" Nakita ko naman na dinala nila si Walter sa loob ng building.

"Anong gagawin niyo sa kaniya? Saan niyo siya dadalhin?" Tanong ko.

"Huwag kang mabahala binibi, pagkat ang iyong irog ay gagamutin upang magsalita ng inyong pakay."

Irog? What's that?

But at least gagamutin nila si Walter.

Pero nagulat na ako ng may mga pumapalibot na sa akin. Sumisigaw sila na patayin na ako at ang mga kasama ko.

Casa Bergara: The Hidden IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon