Ika-apat Na Yugto

28 3 0
                                    


Aeraiah's POV

Dahil sa nangyari kagabi ay nilipat na nila kami ng mga kwarto, they make sure na magkakatabi lang ang mga rooms namin, kasama na doon si Walter. Nandito silang tatlo ngayon sa kwarto ko, katulad ko hindi rin sila comfortable sa place lalong lalo na si Cassey na hinahanap ang king sized at malambot niyang kama.

"Paano napunta dito si Walter? At bakit siya sugatan?" Tanong ni Alluna.

"Did he follow us?" Dagdag ni Cassey.

"Kagabi kasi, may naramdaman akong kung ano ang nasa labas ng building na'to, hindi ko alam kung anong klaseng halimaw iyon but it's eyes were glowing." Sabi ko sa kanila at tinitigan si Angelo. Kumunot ang noo nito na para bang wala siyang alam.

"Guys, mauna na kayo. Susunod ako, I just need Angelo's help to fix my window." Sabi ko sa kanila.

Nag agree naman sila at lumabas para puntahan ang kwarto ni Walter kung saan siya nagpapahinga. Lumapit naman ako agad kay Angelo at hinawakan ito sa mga bisig upang tumingin sa aking mga mata.

"You! What are you doing?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

"W-wala akong ginawa. Ano ba yun?"

"Are you hanging out with those man?"

"Aeraiah? Watch your mouth, baka marinig ka nina Cassey."

"Yes, tandaan mo Angelo, may naiwan ka sa lugar natin, and we both know how he's deeply inlove with you. Ipinagpalit niya pa ang girlfriend niya over you. So don't cheat Angelo."

"Aeraiah, your just over reacting."

"Okay, let's go. Puntahan na natin si Walter." Sabi ko sa kaniya, nauna siyang lumabas at sumunod naman ako.

Pagdating namin sa kwarto ay wala pa ring malay si walter may mga bandage na ang kaniyang katawan. Kung nasa past man kami ay hindi ko ma explain kung bakit may iilang high tech na gamit dito?

"Are we gonna stuck here forever? Where the hell are we?" Tanong ni Cassey, well maybe, maybe we're gonna be stuck in here.

"Hindi ko rin alam, my hunch is telling me that we're in the past." Sagot ko.

"Patay na ba tayo? Maybe this is just our punishment? Sinumpa ba tayo?" Tanong naman ni Alluna.

"Tama na guys, walang isinumpa walang namatay. We all know na yung pilot lang namatay sa crash." Sagot ni Angelo kay Alluna.

"One thing for sure. The people here, they want us dead. Kaya kailangan nating mag ingat." Sabi ko sa kanila. I am worried na mangyari ulit ang nangyari kagabi. Sigurado silang papatayin nila kami, ni wala kang makikitang awa or konsensya sa mga mata nila.

"Well, mag ingat sila sa akin" sagot ni Cassey. She's the only one who knows taekwondo and fire guns. Maarte siya but she's strong.

"But we don't know what's we're dealing with. That thing last night? Sigurado akong hindi lang hayop ang isang yun. There's something off about this place." Paliwanag ko sa kanila.

"Nagpunta ba kayo dito para mag ingay?" Sabi bigla ni Walter. Niyakap kaagad siya ng dalawa, si Alluna naman ay tumingin lang sa kaniya. Well, hindi kasi sila close ni Alluna, dahil masyadong mayabang si Walter and Alluna's never been afraid of him.

"Gising na ang kupal" bulong sa akin nito.

"Aeraiah? A-are you alright? Nakita ko ang plane na bumagsak." Alalang tanong nito sa akin.

"Wow, thank you sa conrcern ah? We're fine too Walter. Si Aeraiah lang talaga tinanong mo?" Sarcastic na sa sabi ni Cassey.

"Actually, I'm with Hans-"

"What?/Ano?" Sabay sabay na sabi naming tatlo.

"Wow, hindi niyo man lang ako sinabihan, may chorus pala. Inform niyo din ako minsan." Natatawang sabi ni Alluna, well, bakit niya ba kasama si Hans at bakit nila alam ang tungkol sa vacation namin?

Walter's POV


Alam namin kung saang island pupunta sila Aeraiah, kaya balak kong sumunod. Syempre not alone. Buti nalang at pumayag itong si Hans.

"We're only using a boat?" Tanong nito. Alangan naman na barko ang gamitin namin, eh dalawa lang kami.

"Yes, ikalma mo yang utak mong mahina. We're gonna be there safe and fine." Sabi ko sa kupal, nag reklamo pa siya pero hindi ko na marinig. Napatingin naman ako sa himpapawid ng marinig ang tunog ng plane. That's them, our babies.

Napansin kung madilim pala ang kalangitan, para bang uulan.

"Are you ready to see your baby?" Tanong ko sa kaniya at saka nag start ng engine ng speed boat. Nag suot kami ng lifeguard incase something happened.

Nasa kalagitnaan na kami ng dagat at sobrang layo na rin namin sa pier ng biglang lumakas ang hangin at umuulan na. Medyo malayo na rin yung plane pero tanaw pa rin namin.

"Fuck!" Sigaw ko.

"Told you, this is not good idea" sabi nito, kesa mainis ako ay hindi ko na siya sinagot, nagulat ako ng may lightning na tumama sa plane, I fuckin saw it.

"No, AERAIAH!" Sigaw ko. I saw the plane crashing down at nagulat ako na parang may nakita akong island, I wasn't wrong I clearly saw it.

"Na-nakita mo ba yun Han? There's a fuckin Island there. I saw it." Tanong ko sa kaniya.

"I don't know, naka fucos ako dito. Baka mabangga tayo ng ibang barko sa sobrang lakas ng ulan, baka hindi nila tayo makita."

Fuckin stupid. Pina alis ko siya para ako ang mag drive. Binilisan ko ang takbo habang nakikita ko ang island.

"Hurry up! You bitch!" Sabi ko sa boat.



Cassey's POV

"So where is he?" My heart is beating fast as I heard Hans' name. My feeling are mixed up right now. Natatakot ako na baka may kung anong nangyari kay Hans.

"I don't know, b-bigla na lang siyang nawala. M-maybe he fell off noong sobrang bilis ng takbo ko." Sagot nito.

"B-buhay pa ba siya?" Mahinang tanong ni Angelo, I look at him with my teary eyes. Nagtama ang aming paningin and we're both waiting for an answer.

"Buhay pa yun. Malapit pa naman kami sa pier noong nawala siya and he's wearing a life vest." Sabi ni Walter. I feel relieved when I heard that. Of course he's alive, Hans is a great swimmer.

That's enough for me na malamang safe siya. I still love him, even he broke up with me. I always knew that someday he's going back to me.

Lumapit sa akin si Aeraiah and tap my shoulder.

"Magiging okay siya, hm? Stop crying. I- I think, Cassey ahmm. N-nag bakasyon tayo to forget about him. Diba?" Sabi niya. Sabagay, tama siya.

"How come na hindi mo siya napansin sa liit ng sinasakyan niyo?" Biglang tanong ni Alluna.

"Are you stupid or what? Sabi ko I hurriedly speed up the engine para mahabol yung pagbagsak ninyo. Kaya na blangko na ako. Gets? " Sabi naman ni Walter.

"If you don't need anything, I'd like take a nap. Magpapahinga na muna ako." He said and close his eyes while we're still here.

"Tara na, hayaan na muna natin siyang magpahinga." Sabi ni Aeraiah.

"One more question, saan nanggaling yung mga sugat mo kung maayos naman ang pag dating mo sa isla?" Tanong ni Angelo, Walter smile while his are still close.

"Good question. Those fuckin people, as soon as I arrive they start throwing some arrows at me. They want to kill me." Sabi nito.

"Can you just leave me alone for awhile? " Hindi na kami nag salita at hinayaan na siyang magpahinga. Umalis na kami sa kwarto niya.

Aeraiah's right, they want us dead so we better look out for each other. I think this is the right moment that my friends needs me, needs my protection.

At least for now, ay may magagawa na ako para sa kanila, babalik kami. Babalik kami ng buo.














_____________________

Casa Bergara: The Hidden IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon