Chapter 1 - Miracle

49 1 0
                                    

Chapter 1

- Jolehn Point of view -

Hayyyy, buhay parang life isang taon nalang makakatapos na ako sa high school. problema wala pang ipon sa pang enrol anak ng tokwa naman miracle naman sana oohh.

Hawak ko ngayon ang Dyaryo tumitingin ng pwedeng pasukan pero sadyang malas ata ako eh. wala ako mahanap dahil sa 17 palang ako ano ba naman yun ang tagal ko mag 18 hayyyy...

*ting..ting..ting..* tunog ng bell namin pag magseserve na.

"Anu ba ! Johanna Cholehn Mendel tutunganga ka nalang ba jan? i-serve mo toh sa table no. 5!"

Naku ang epal kung boss galit na.

"Sorry po, sir! " nakakatakot toh pag galit naku lagot ako.

"Ayusin mo trabaho mo kung ayaw mo masisante, marami tayong customers"

Tumango nalang ako, galit na eh tsaka ko dinala yung order sa table no. 5 nagpaparttime ako dito sa Seafoods Choi Restaurant mula 4 pm hanggang 7 pm lang naman ako dito. konti lang sahod ko dito kasi hindi ako full time. Hindi nga sana ako tatanggapin pero nagulat nalang ako ng tanggapin ako kahit na alam nilang under age ako.

Nakakapagod din naman may isa pa akung part time sa gabi 8 pm hanggang 11 pm naman yun sa Takahashi Club. waitress ako dun kung iniisip niyo may mga porn show dun hahaha wala eh. Live Band meron. 

Natapos nanaman ang araw ko sa work makakauwi na ako.

Tinignan ko yung wrist watch ko 11:15 pm na. inaantok na ako walking distance lang naman ang bording ko dito 5 minutes away kaya medyo okay naman kung lakarin ko.

Nakarating na din ako sa bording ko, hindi ganu kalakihan tama lang para saakin ang lugar na ito. dahil, mag-isa ko lang naman wala na akong mga magulang eh ! namatay sila sa isang Car accident 6 months ago kaya tanggap ko na din na wala na sila. Nabangga sila sa Van at sila papa naman sakay sila sa kotse namatay din yung driver nung van noon kaya ang saklap ang mga nangyari noon. But, anyway okay na ako naka move on na ako sa nangyari.

Pagod na talaga ako kaya nahiga na ako sa single bed ko kahit hindi pa nag papalit hanggang sa nakatulog na ako sa sobrang pagod.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*Tok..Tok*

Nagising ako sa may kumakatok at sinag ng araw umaga na pala tinignan ko na kung anong oras 8:34 am na pala sino kaya yung kumakatok wala naman akong alam na may bibisita sakin.

kaya bumangon na ako at dumeretso muna sa C.R syempre. Baka mamaya may mga muta pa ako nakakahiya naman.Pero, sino kaya yun at lumabas na din ako.

*Tok..Tok..*

"Teka anjan na wag kang atat!" Sabi ko sa kumakatok at binuksan ko na nga..

Oops sino sila?

May ginawa ba akong kasalanan? parang wala naman ahh..

Nasa harap ko lang naman ang napakaraming police.. ayy hindi.. parang hindi naman sila pulis mukha silang mga body guard ...

ang dami nila 1..2...3... O_O 22 lang naman silang lahat ... at sino naman etong pormal masyado ang kasuotan niya.. t-tekaa..

"Ahm..... S-sino po k-kayoo?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In a Relationship with Mr. Devil (↨On-Hold↨)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon