3// Unexpected

390 12 4
                                    

NOTE! NOTE! NOTE!: MATATAGALAN PO ANG NEXT UPDATE KO. Sorry at ngayon ko lang po napost. Anyway, Enjoy reading po. :)

Chapter 3

Nikki's POV

5:10 pm.

10 minutes.

10 minutes na ang nakakalipas mula nung dumating si Nico the Pervert. At 10 minutes late na din si tita! Asan na ba kasi sya?

Ang awkward talaga. Tapos yung secretary pa ni tita, umuwi na at iniwan ako mag-isa kasama sya!

Kanina pa rin ako bored. -____-

"So boring." sabi ko sa sarili ko.

"Yeah, right." muntik na kong mapatalon sa gulat nung bigla syang magsalita.

TAKE NOTE: Muntik ko nang mabitawan ang aking itats!!

Napalingon tuloy ako sa kanya.

"What?" tanong nya na parang may ginawa syang krimen.

"Pshh." inirapan ko lang sya at kinalikot na lang ang aking itats(itouch).

10 minutes. 10 minutes na akong nagkakalikot ng itouch ko. Dahil sa nabobored na ko, tumayo ako at nagpunta sa banyo ni tita at nagpalit ng damit. Lagkit na lagkit na ko sa uniform ko eh.

Sinabi ko kay perv na magpapalit lang ako, pero mukang di naman nya narinig kaya pumasok na ko sa comfort room.

Paglabas ko ng comfort room, nakaupo pa rin si perv sa sofa at busy na naglalaro sa ipad nya.

Umupo ulit ako sa kabilang dulo ng sofa at nagkalikot na naman ang itouch.

10 minutes. 10 minutes pa na paghihintay, kapag hindi pa dumating si tita sa loob ng 10 minutes, ako'y lalayas na at uuwi na sa aking mahiwagang condo na punong-puno ng kuromi.

Habang naglalaro ako sa aking itats, parang narinig ko syang nagsalita. So, pinause ko muna yung game at tumingin ako sa kanya.

"Huh?"

*ang ganda mo sana kaso bingi lang... asdgfhjkl*

"Ano!?" ako'y wag nyang maloko-loko at ayusin nya ang pagsasalita nya kung ayaw nyang masapak ang kanyang gwa--- oopss! wala akong sinabi. >.>

"Wala!! Sabi ko ang pangit mo. Tsaka sabi ni mama, isabay na daw kita papunta sa amin, nandun na din daw ang parents mo." sabi nya sakin sabay tayo.

Ako naman, tinitigan lang sya at inirapan. Sa GANDA kong to, pangit!? How dare him! 

"What? Ayaw mo pa bang umuwi o gusto mo pang titigan ang gwapo kong mukha? *smirk*"

Napatayo naman ako bigla doon at aambahan ko na sana sya ng suntok.

"Oh! Chill ka lang, masyado kang HOT! " sabi nya tapos nag-smirk ulit sya na parang may double meaning ang sinabi nya.

Aba! Pag ako napuno, tutuluyan ko na talaga to. =_____=

"Pssh" inirapan ko ulit sya at nauna na kong lumabas.

"Oh, ano pang tinutunganga mo dyan? Di pa ba tayo uuwi? Tss."

"*smirk* As you say so.. *lumapit sya sakin at bumulong at kinagat ang tenga ko* .. TAKAW!" sabi nya at biglang tumakbo

Watch Out! She's Back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon