"kuya, tara na po" sabi ko kay kuya romel, driver namin.
Kakatapos lang ng dalawa at kalahating buwan na bakasyon at balik school na naman kaming mga studyante. Grade 9 na kami ngayon at classmate ko ulit yung mga naging kaibigan ko noong grade 8, pero hindi na lahat.
Pagkadating ko sa school, nakita kong mahaba na ang pila dahil chine check ng guard ang mga bags naming mga studyante, baka daw may nagdala ng kung ano anong bagay. Palagi naman na ganito, kada first day of school.
Pagkatapos ma check ng guard yung bag ko hinanap ko na agad kung saan ang grade 9 classrooms.
Nang mahanap kona ay nakita ko naman si mark yung best friend ko noong grade 8 at yung mga magiging classmate ko, pero kaunti pa lang sila dahil maaga pa naman.
Nakatayo palang sila sa tapat ng classroom namin dahil wala pa yung magiging adviser namin na magbubukas ng classroom.
"MARKKKKK!!!!" sigaw ko. Napatingin pa yung ibang mga grade 9 students. Pero wala akong pake...charrrr.
Nang makarating ako sa puwesto nya ay hinampas ko sya,dahil love language ko yun sa kanya ehh! yung physical attack hahaha
"Aray, first day palang yanna nang hahampas ka na naman." inirapan ko lang sya."Asan na si jake?" isa pa naming kaibigan.
"Obvious naman na wala pa sya ehh" sinamaan ko sya ng tingin.
"Alam mo naman na hobby nya ang pagiging late" sabi pa nya. Nagkibit balikat nalang ako.
"Hi, mga anak" bungad sa'min ni ma'am Anne. New adviser ko, binuksan na rin nya ang pintuan ng classroom namin.
Pumasok na kami at naghanap na muna ako ng mauupuan pansamantala dahil di pa naman kami na a-arrange kung saan kami uupo. Nang maka upo ako, may tumabi sa'kin na ka klase kong babae.
"Hi, Ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Hello!, I'm Aris Lyne Cruz, ikaw? ano pangalan mo?" sagot nya sa tanong ko.
"I'm Iyanna Aurellia Bautista. but you can call me yanna or lia nalang for short."
"Ang conyo mo hahaha" natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.
"Yanna, late na naman si ja-" naputol ang sasabihin ni Mae ng may sumigaw. Si Mae ay classmate ko rin noong grade 8.
"Hi guys!!!" sigaw ni Jake na kakapasok lang ng classroom nagsisisigaw na. Buti na lang at wala si ma'am dahil lumabas kanina.
Unti-unti na ring nagsidatingan ang iba ko pang classmates. Pero napadako ang tingin ko sa isa kong classmate, ang...ang gwapo niya, Naka black slacks at white na polo shirt lang ng suot niya pero bat ang gwapo niya!?
Diko namalayan na nakatulala na pala ako at buti nalang may nagtanong sa'kin kung bakit ako tulala kaya tumingin ako sa likod ko kung sino yun. Si mae lang pala.
"Hoyyy, Okay ka lang? Ba't tulala ka diya? Sino ba yang tinitignan mo huh?" nagtatakang tanong niya sa'kin at tumingin sa tinitignan ko.
"Gwapo ahh" bulong niya pero narinig ko naman.
'hayss malandi rin, char'
Nag alphabetically sitting arrangement na kami, dahil bumalik na si Ma'am Anne. Hanggang sa nagintroduce yourself na kami, pero bago kami mag introduce yourself si ma'am Anne muna ang nauna.
"Hi! My dear students. I am Mrs. Anne Baltazar!" masayamg sabi niya saamin.
"Ok , kayu naman ngayon mga anak ang mag introduce yourself , but first i'll give an example kung pano niyo ipapakilala ang sarili niyo sa harap ng mga classmates niyo" ngumiti siya sa'min."Hi! Good Morning classmates, My name is Anne Baltazar, I am 28 years old, Your future teacher, And fun fact, I love singing, ganyan dapat huh!".
Syempre mauuna yung sa pinakaharap na row. Nauna si Jake dahil siya ang nakaupo sa pinakaunahan. "Hi! Good morning classmates, My name is Jake Agustin, I am 15 years old, Your future civil engineer, And fun fact, I love making new friends, thank you!" confident niyang sabi sa'min.
Pagkatapos niya ako naman dahil naka sitting arrangement na kami "Hi everyone, Good Morning. My name is Iyanna Aurellia Bautista. But, you can call me yanna or lia nalang for short. Ahm, I am 15 years old, Your future Flight Attendant, And fun fact i love reading books" ngumiti ako sa kanila.
Sumunod naman ang iba hanggang sa natapos na na mag introduce ang row 1, kaya row 2 naman ang sumunod kaya nag introduce rin yung mga naging classmate ko nung elementary.
"Hi! Good morning classmates, My name is Kim Deuz, I am 15 years old, Your future Pulis Woman, And fun fact I love to do tiktok dances".
Sumunod naman Si Ally at Angel.
"Hi! Good morning classmates, My name is Ally Dumayag, I am 15 years old, Your future Teacher, And fun fact i love writing."
"Hi! Good morning classmates, My name is Angel Mendez, I am 15 years old, Your future Flight Attendant, And fun fact I love dancing.
Hanggang sa umabot na sa pinaka last na row. Kaya naman tumayo na yung tinitignan ko kaninang classmate naming pogi!
"Uhhh Hi! Good morning classmates, My name is James Liam Suarez. But you can call me Liam. Uhh I am 15 years old, Your future Pilot, and fun fact i love playing online games"
Natapos na ang pag introduce yourself kaya hinihintay nalang namin ang susunod na teacher sa second period, nang dumating siya ay pinag-introduce lang naman kami.
Hanggang sa matapos ang morning class namin, kaya lunch break na. Pinuntahan ko lang yung mga naging classmate ko dati para sabay sabay na kaming mag lunch.
"Oyy, Jake, Angel, Ally, Kim sabay sabay na tayung kumain." sabi ko sakanila na ikinatango naman nila.
"Yanna, pwede ba nating isama na mag lunch si Fritz? Wala kasi syang kasama kumain ehh?" Sabi ni Jake kaya tumingin ako sa kanya.
"Sinong Fritz?" nagtatakang tanong ko kay jake dahil wala naman kasi akong kilalang Fritz ang pangalan.
"Siya oh! magkapitbahay lang kasi kami kaya kilala ko siya."
"Ahh , ganun bah! Sige isama na natin siya" naka ngiti kung sabi.
"Hi! Ako nga pala si Fritz Valdivieso" inilahad naman niya ang kamay niya para makipag shake hands kaya tinanggap ko.
"Nice to meet you, Fritz" nginitian ko lang siya.
Matapos makipag kilala sa'min ni fritz ay nagpunta na kami sa canteen.
Natapos nalang ang araw na wala kaming ginagawa dahil first day palang naman, kaya baka bukas meron na kaming gagawin.
Kasalukuyan akong naglalad sa hallway ng biglang bumuhos ang ulan, buti na lang at may parang bubong sa hallway namin kaya hindi ako nabasa. Pero naalala ko wala pala akong dalang payong! Hays buhay ko nga naman.
Buti na lang at nakita agad ako ni kuya romel na may dalang payong. "Buti na lang at may dala kang payong kuya romel edi sana nabasa na ako ngayon!" naka simangot na sabi ko sa kanya.
"Makalilimutin pa rin' talagang bata ka" natatawang sabi ni kuya romel sa'kin.
"Hayy, Halika ka na nga't maka uwi na tayu".Pagkadating sa bahay naligo na agad ako dahil ang lagki-lagkit na ng katawan ko dahil sa pawis. Pagkaligo ko bumaba na ako dahil tinatawag na ako nila mommy at daddy na kagagaling lang sa business trip.
"Hi Mom!, Hi Dad!" bati ko kila mom at dad na nasa sala nakaupo.
"Hi Sweetie!" bati sa'kin ni mommy.
"Hi Princess!" bati rin ni daddy sa'kin.
"How's your day going, princess?" tanong sa'kin ni daddy.
"Ok , lang naman po dad. Wala naman po kaming ginawa kundi puro introduce yourself lang, baka bukas po may papagawa na sa'min yung mga teachers po namin".
YOU ARE READING
Her Greatest Love
Teen FictionOngoing (Slow Update) They say we have one person that we love a lot but we can't have and even if we love someone else there is a part of you that you still love him and that is what they called "Greatest Love" What if your greatest love yet your...