Dito ba nakatira si Arlo Gonzaga? tanong ng babae na nasa harap ko ngayon. Natigilan naman ako at napatitig ako sa kanya. Bumaling ako sa bitbit niyang bata tapos ay sa kanya ulit. Sino siya? Bakit niya hinahanap ang asawa ko? Miss? Narinig mo ba ko? tanong niya ulit. Para akong nagising at bahagya akong ngumiti sa kanya.
Sorry, medyo nagulat lang ako. sagot ko sa kanya. Hindi dito nakatira si Arlo Gonzaga, father niya ang nakatira rito. Kung hinahanap mo si Arlo, sumakay na siya ng barko para magtrabaho. kita ko na ang pagkagulat sa kanyang mukha. Nagtaka naman ako and I am really crurious kung sino siya sa buhay ng asawa ko. Imposible naman na kapatid niya kung nag-iisang anak lang siya. Baka kamag-anak ng kanilang pamilya.
Sumakay siya ng barko? di-makapaniwala niyang sabi at tumango naman ako. Pero wala siyang sinasabi sa akin na aalis siya. Kaya naman pala ilang buwan na rin siyang indi nagpapakita sa akin. inis niyang sabi.
Miss, pwede bang malaman kung sino ka para masabihan ko si Apollo. sabi ko sa kanya. At anong ibig mong sabihin na ilaw buwan? Halos isang taon na na siya na nasa barko. napakunot noo naman siya.
Hindi naman pwede yon, lagi siyang umuuwi sa bahay pagkatapos siyang umalis hindi na siya umuwi pa, tatalong buwan na ang nakakaraan.
Im sorry? Umuuwi siya sayo? Sino ka ba sa buhay niya, Miss? Sorry kung rude ang pagkakatanong ko. Bigla ka na lang kasing sumulpot at hinahanap si Arlo. pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata tapos ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Asawa ako ni Arlo at ito ang anak namin. sabi niya. Nagulat ako sa kanyang sinabi at napatingin ako sa bata na mukhang tatlong taon na. Anong ibig sabihin nito? Na may ibang kinaksama ang asawa ko habang magkasama kami? Matagal na ba niya akong niloloko? Ikaw? Sino ka? masungit niyang sabi. Anong ginagawa mo sa bahay ng ama ng asawa ko.
Sigurado ka bang asawa mo siya? mas lalo pa siyang nainis at dinuro niya ako.
Gusto mo pa ba na isampal ko sayo ang marriage certificate namin? Matagal na kaming kasal, may anak na rin kami at buntis ako. Kaya ko nga siya hinhanap dahil hindi na siya nagparamdam, kailangan namin siya. huminga siya ng malalim at bigla na lang namasa ang kanyang mga mata. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi naman ako makapagtrabaho dahil maliit pa ang anak namin, tapos buntis pa ako. Wala na akong mapagkuhanan ng pera. Wala naman siyang pinapadala sa amin. napalunok naman ako at gustong-gusto ko na sabihin sa kanya na ako ang asawa ni Arlo. Hindi ko na lang itutuloy dahil kaawa-awa rin naman ang kanilang sitwasyon.
Pasensya ka na, hindi ko kasi alam na may asawa na pala si Arlo. Wala siyang sinasabi sa amin ng ama niya. Pumasok ka na muna at kakausapin ko si Apollo. kalmado kong sabi sa kanya at binuksan pa lalo ang pinto. Tumango naman siya at pumasok sila. Pinaupo ko sila sa sofa at tumungo naman ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Binigyan ko sila ng juice at ng sandwich na rin at mukhang gutom sila. Tatawagin ko muna si Apoolo, ah. Ang alam ko kasi talaga nasa barko na siya at nagtatrabaho roon.
Miss, pwede ko din bang malaman kung sino ka? Kilala mo si Arlo? duda niyang sabi sa akin at tumango ako.
Oo, nakilala ko na siya. Partner ako ng kanyang ama at minsan dumadalaw siya rito kaya ko siya kilala. palusot ko na lang. Tinalikuran ko siya at kinuha ang aking phone sa aking bulsa. Agad kong tinawagan si Apollo at sumagot naman siya kaagad.
Hello, mahal, napatawag ka malambing nitong sabi. Na-miss mo ba ko? Gusto mo bang umuwi ako dyan ngayong lunchtime? makahulugan niyang sabi at kinikilig na sana ako ngayon. Pero inis sa aking asawa at awa sa babae ang nararamdam,an ko ngayon. Paano nagawa sa amin ito ni Arlo?!
Oo, gusto kitang umuwi, pero hindi gaya ng iniisip mo, Apollo. bumuntong hininga ako.
May nangyari ba? Huwag mong sabihin na umuwi na si Arlo? seryoso naman niyang sabi at umiling ako.
Hindi, pero may babae na dumating at may kasamang bata at sinasabi na asawa siya ni Arlo. sagot ko sabay tingin ko sa living room. Nakita kong hinehele ng babae ang batang kasama nito.
Ano?! gulat niyang sabi. Pinapasok mo ba siya sa bahay?
Yeah, nakakaawa naman kasi. Tatlong buwan na daw hindi umuuwi si arlo sa kanila, pero hini bat sumakay siya ng barko matagal na. Halos mag-one year na siya sa barko. Ibiga bang sabihin nito, nagsinungaling siya at hindi talaga sumakay sa barko?
Posible Ang lalakeng yon! Ikaw na muna ang bahala sa kanila at uuwi na ako. nagpaalam kami sa isat-isa at nag-end na ang call. Bumalik naman ako sa living room at kinausap ko ang babae. Inimbitahan ko na rin siyang mag-lunch ka pinagpapasalamat nito. Ang pangalan niya ay Charis at mag-iisang taon na silang kasal ni Arlo na kingulat ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. Nauna lang na magkaanak sila at matagal na silang nagli-live in. Ang hindi ko mapaniwalaan, pano kami napagsabay ni Arlo? Kung ganon kaya hindi siya umuuwi ng ilang araw dahil may ibang babae siya at hindi dahil sa trabaho.
Ang walang hiyang lalakeng yon! Hindi na siya naawa kay Charis at sa anak nila! Tapos ngayon buntis pa ang babae! Mabuti na lang at nagte-take ako ng pills kaya hindi pa ako nabubuntis. Sinabiniya kasi sa akin na pag financially stable na kami, saka lang kami dapat magkaroon ng anak. Yon pala may ibang babae na pala siyang inanakan! Nasaan na kaya siya? Kung hindi siya sumakay sa barko, saan siya nagpunta?
Ilang minuto ang nakalipas at narinig ako ang ugong ng sasakyan na papasok ng bahay. Iniwan ko muna sandali si Charis at sinalubong ko si Apollo. Nanatili muna kami sa labas para mag-usap muna ng konti.
Sinabi ko sa kanya na partner mo ko kaya kilala ko si Arlo. Hindi ko sinabi na asawa niya rin ako, at hindi ko rin alam kung totoo ba ang naging kasal namin, Pa. kung sino sa amin ang totoo niyang asawa. hinawakan niya naman ako sa magkabila kong braso tapos ay niyakap niya ako.
Mamaya na muna natin pag-usapan yan at may bisita pa tayo. Isa lang ang alam ko, isang malaking gagao ang aking anak at ginawa niya ang kalokohan na ito. inis niyang sabi. Pumasok na kami sa loob ng bahay at pinakilala ko si Apollo sa babae.
Pasensya na po kung biglaan na lang akong pumunta rito. May nakapagsabi po kasi sa akin na dito rin siya nakatira. Pero wala rin naman pala, at sinabi pa ni Diana na sumakay siya ng barko.
Yon ang sinabi niya sa amin para makapagtrabaho siya at mas marami siyang kikitain pag sumakay siya sa barko. Pero sinasabi mo naman na kasama mo si Arlo ng ilang buwan at three months na siyang hindi nagpapakita sayo. Pasenya na rin sa ginawa ng anak ko, iniwan niya pa kayo. Ganito na lang, bibigyan ko na lang kayo ng allowance buwan-buwan para wala ka ng problema sa gastusin ninyo ng mga bata. Hinihiling ko lang na sana ay huwag mo rin abusuhin. Pra sayo ito at sa mga apo ko.
Ito po si Daphne, magti-three na sa susunod na buwan. nakangiti nitong sabi sabay haplos sa ulo ng kanyang anak na kasalukuyan ng natutulog ngayon.
Abay, kailangan natin na paghandaan yan, hindi ba, mahal? tanong ni Apollo sa akin. Napakurap naman ako at tumango ulit sabay ngiti sa babae. Sana nga lang hindimo kami niloloko, bigla ka na lang kasing dumating at hindi naman namin alam kung sino ka.
Pasensya na po talaga Sinabi kasi ni Arlo na hindi niya pa masabi sa inyo dahil baka itakwil mo siya. Humahanap pa raw siya ng tiyempo. naiiyak nitong sabi. Nilapitan ko naman siya at niyakap.
Ang mabuti pa, dito muna kayo magpalipas ng gabi ng anak mo. Tapos bukas, ihahatid ka na lang namin sa bahay ninyo.
Hindi na, Diana, nakakahiya naman! tanggi niya.
Okay lang, pamilya ka na rin namin dahil asawa ka ni Arlo at may anak pa kayo. Sige na, alam kong pagod ka rin sa kakahanap sa asawa mo. matamis siyang ngmiti sa akin at pumayag na rin siya. Dinala ko siya sa isang guest room para makapagpahinga sila tapos ay bumaba ako para makapag-usap na rin kami ni Apollo. kailangan ko ding hanapin ang magaling kong asawa para malaman mula sa kanya ang totoo!

BINABASA MO ANG
Daddies-in-Law
General FictionSumakay ang kanilang mga asawa sa barko para magtrabaho. At iniwan siila ng mga ito sa bahay ng kanilang mga ama para maalagaan silang mabuti. Wala na silang mga asawa at sila lang dalawa ang nakatira sa bahay na 'yon. Paano pag sa kanilang pagsasam...