CHAPTER 2

69 9 0
                                    

5 years later

Sa lumipas na panahon ay mas lalo akong naging busy dahil sa pag aalaga at pag papatakbo ko sa aking kompanya na pinamana ng aking Ama.

Ngayong araw ang balik ko sa pilipinas. Sa mga nagdaang taon ay hindi naging madali sa'kin dahil mag isa ko lang na namuhay doon, isabay pa ang nangyari sa'min dati ni Zamira.

Ang huling pag kikita namin ay noong nasa airport ako, hindi ko alam kung paano nya nalaman na pupunta ako sa ibang bansa. Dahil sa galit ko sakanya noon ay hindi ko sya hinayaang mag kausap kami.

Pinilit nya ako noon na kausapin ko sya kahit ayaw ko pero hindi pa rin sya tumigil non kaya naman pinaalis ko sya sa pamamagitan ng pag tawag sa guard. Nag pumiglas pa sya noon pero wala na syang magawa. Ang huli ko lang na narinig sakanya ay ang salitang

"Im sorry, Kenzo!"

Iyan ang salitang binitawan nya noon. 

"Good morning sir, ready na po ang lahat" Rinig kong sambit ni Vince, secretary ko. Galing sya sa pilipinas kaya alam nya mag salita ng tagalog.

"Alright, Let's go" Inayos ko muna ang mga gamit ko bago kami naglakad palabas. Natanaw ko doon ang sasakyan na nag hihintay sa'min.

Alam ng mga kaibigan ko ang pagbabalik ko kaya naman nag handa sila para sa pag kikita naming lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa airport na kami. Sumakay ako sa private plane na pag mamay ari ko.

Pinikit ko ang aking mga mata para matulog muna. Sigurado akong hindi ako titigilan ng mga kaibigan ko dahil ilang taon rin akong hindi bumalik sa pilipinas.

Nagising nalang ako dahil sa naramdaman kong may kumakalabit sa'kin.

"Sir, nandito na po tayo" Saad ni Vince. Tumango lang ako at hinanda ang aking sarili.

Hinayaan ko na si Vince nalang ang manguha ng mga gamit ko. Naglakad ako patungo sa sasakyan namin.

Lumipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa bahay na pinagawa ko noon.
Balak ko itong ibenta noon dahil ang bahay na ito ay pinagawa ko para sa'min ni Zamira. Hindi ko nga alam kung ibebenta ko na ba 'to o hindi.

Pumasok ako sa loob. Walang nagbago, araw araw kong pinapalinis sa mga tauhan ko. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko kayang pabayaan ang bahay na 'to.

"Sir, mauna na po akong umalis. Hinihintay na po kase ako sa'min. Alam kase nila na uuwi ako sa pilipinas" Pag papaalam sa'kin ni Vince. Tumango ako bago nagsalita.

"Sure, Hindi muna kita pag tra-trabahuin ng isang linggo. Don't wory kaya ko naman na. Mas maigi kung wala ka munang iisipin habang kasama mo ang pamilya mo" Sambit ko.

"Salamat po, una na po ako" Paalam nya. Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang.

Umakyat ako sa taas at nag tungo sa isa sa mga kwarto dito. Nilapag ko sa lapag ang mga gamit ko. Nag deretso ako sa banyo para maligo. May mga gamit na rito dahil linggo linggo kong pinapapalitan ang mga 'to.

Matapos akong makaligo ay tinext ko si Leo para sabihing papapunta na ako. Sa condo nila Leo kami mag kikita ng mga kaibigan at mga naging kaklase ko noon.

Kinakabahan ako dahil baka makita ko doon si Zamira. Baka bumalik ang nararamdaman ko sakanya at ako na naman ang magiging kawawa sa huli.

Matapos kong mag ayos ay nag deretso na ako sa kotse ko at nag drive patungo sa condo ni Leo. Ang sabi nya sa'kin ay nandoon na sila lahat at ako nalang ang hinihintay nila.

Pinarada ko sa gilid ang kotse ko tsaka lumabas. Nagtungo ako sa elevator.

Lumabas na ako at pumunta sa pwesto nila Leo. Hindi pa rin nag babago ang Condo nya kaya naman alam ko na kung saan banda ang pupuntahan ko.

She's A Ghost?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon