Chapter 59

624 29 3
                                    


I went downstairs to get some water dahil kanina pa natutuyo ang lalamunan ko kakatawa. Nanonood kasi kami ng movie ni Dior sa taas, 'yung movie na dapat panonoorin namin kanina. We have snacks upstairs, but soda won't quench my thirst. That's why I need to get some water. Didiretso na sana ako sa kusina nang may marinig akong nag uusap. Gising pa rin pala si Manang at si Tita.

"Her past might ruin my son's career. Hindi ka ba natatakot para sa future ng anak ko? Baka lumabas na lang sa news na pumatol ang anak ko sa kabit ng isang sikat na abogado sa Pilipinas. Paano ang anak ko?"

Natigilan ako't nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko iyon kay Tita. I already expected that. Dahil nang dumating siya, ramdam na ramdam kong ayaw niya sa akin para sa anak niya. Alam kong isa sa rason ang nangyari noon, ang pumatol ako sa abogadong may asawa. Hindi ko naman sila masisisi kung hindi nagbago ang tingin nila sa'kin kahit matagal na iyon.

Nanghina ang mga tuhod ko dahilan para maituon ko ang aking kamay sa pader. Unti-unting pumatak ang luha ko at halos wala na 'kong marinig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I love his son, and I will do anything for him. Gusto kong makita nila na handa akong gawin ang lahat para kay Dior. I'm willing to ruin myself a million times just for him. Alam kong ginawa ko na ito noon kay Philip, and I know this time, ruining myself for this man is worth it.

"Nakaraan na ni Claudette iyon, Laura. At saka, hindi ba dapat tanggapin mo na rin ang tinanggap ng anak mo? Mahal siya ng anak mo at wala ka ng magagawa ron. Maniwala ka sa'kin, kung ano man ang nangyari noon, sigurado akong pinagsisisihan iyon ni Claudette."

Pinawi ko ang mga luhang nagbadya sa aking pisngi nang marinig kong magsalita si Manang. God knows how thankful I am to have Manang. I appreciate how much she believes in me, how much she loves me to the point that she's willing to defend me from anyone.

Nagmadali akong umakyat at tinahak ang madilim na pasilyo papunta sa kwarto namin ni Dior. Humawak ako sa doorknob ng pinto at bago ko pihitin iyon ay inayos ko muna ang sarili ko at huminga nang malalim. He can't see me looking like shit.

Nang makapasok ako ay bumungad sa'kin ang madilim naming kwarto, tanging ilaw lang ng laptop ang nagsisilbing liwanag ng silid. Tinapunan ko ng tingin si Dior at napagtanto kong nakatulog na pala siya kakahintay sa akin. Pumunta ako sa side table para buhayin ang lamp at marahan na kinuha iyong laptop para patayin iyon.

Marahan akong umupo sa tabi niya at dahan-dahang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking daliri. His mom is right. My past might ruin his son's life and the only solution to that is for me to let him go.

Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sobrang sakit talaga para sa'kin ng mga narinig ko. Ang malaman ko pa lang na hindi niya 'ko gusto para sa anak ko ay labis na kinadudurog ng puso ko. Ngayon pa narinig ko na para sa kanya ay hindi ako makakabuti sa anak niya.

Napatakip ako sa aking bibig sa takot na baka makalikha ako ng ingay at magising siya. Mabilis akong tumayo at dumiretso sa balkonahe ng kwarto namin bago ko marahang sinara ang glass door. Tinuon ko ang aking siko sa railings at hindi na napigilan pang humagulgol.

"Ang sakit sakit..." Bulong ko sa aking sarili. "Pagod na pagod na 'kong ayawan ng mga taong nasa paligid ko..."

I embraced myself when the wind touched my skin. I don't know how my heart stays pure even though it has been hurt a million times. Hindi ko alam kung paano ko pa rin nagagawang magmahal at magpakatanga. Pakiramdam ko'y pagdating sa ganitong bagay ay hindi ako mapapagod.

Marahan akong tumingala, bumungad sa'kin ang buwan at mga bituin na tila ba naiintindihan ang nararamdaman ko ngayong gabi. Sobra akong nasasaktan. Hindi pa ba sapat ang lahat ng nangyari para mabayaran lahat ng kasalanan ko?

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon