"Tang*na! Pag ikaw talaga naabutan ko!!"
Natatawa lang akong lumingon sakaniya habang tumatakbo ako palayo sakaniya.
"PAG naabutan mo 'ko!!" Pang-aasar ko sakaniya.
Patuloy pa din ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa isang iskinita. Sumandal ako sa pader at dinukot ang wallet na nasa bulsa ko. Napangiti ako nang makita ang laman nito.
"Pag siniswerte ka nga naman"
Inihagis ko 'yon sa ere at sinalo gamit ang isang kamay. Sumilip ulit ako sa kalsada at hindi ko na nakita yung lalaking humahabol sa 'kin. Lalabas na sana ako ng iskinita, nang biglang sumulpot yung lalaki.
"Huli ka!!"
Bahagya akong napaatras
"Akin na ang wallet ko"
"Ayuko"
"Kapag hindi mo binalik sa 'kin 'yan, ipapakulong kita"
"Wag po! Maawa po kayo sa 'kin" naiiyak na sabi ko. "Maawa po kayo, kailangan ko lang po ng pera. May sakit po ang lola ko"
"Lumang palusot na 'yan! Ibalik mo na ang wallet ko!"
Lihim akong napangisi nang makita ang dalawang pulis na naglalakad sa may kalsada.
"Wag po!! Wag niyo po ako sasaktan! Maawa po kayo sa 'kin!!"
Nakita ko kung paano lumingon ang dalawang pulis sa gawi namin.
"Ano 'yan?" Tanong nong isang pulis
"Tulungan niyo po ako, sinasaktan po niya ako! Gusto ko lang naman po humingi ng tulong" kunwaring umiiyak na sabi ko.
"A-Ano? Wala akong ginagawa! Ninakaw--"
"Mamang pulis, tulungan niyo po ako! Sasaktan niya daw po ako kapag hindi ko binigay ang gusto niya"
"Ano ba ang hinihingi sa 'yo?"
Napayuko ako at nanginginig ang kamay na niyakap ang sarili.
"G-Gusto niya po ako... G-Gahasain..."
"A-Ano? Wala akong sinasabing ganyan!"
"Pinipilit niya po akong hawakan kanina"
"Sumama ka sa amin"
Agad na hinawakan nong dalawang pulis yung lalaki, at nagpupumiglas naman siya.
"Wala akong ginagawa!! Gusto ko lang bawiin ang wallet ko!"
"Wag ka na magpalusot! Sumama ka nalang at sa prisento ka magpaliwanag!"
"T-Teka!! Bitawan niyo 'ko!!"
Napangisi ako pero agad din nawala nang makita ang isang babae.
"Mahal, anong nangyayari?" Takang tanong nito. "Bakit niyo hinuhuli ang asawa ko?"
Dahan-dahan akong napaatras at mabilis na tumakbo sa loob ng iskinita. Nahinto ako nang makitang may nakaharang na pader.
"Huwag kang gagalaw!"
Napaharap ako sa kanila at bumalandra ang nakatutok na baril sa akin. Dahan-dahan kong itinaas ang dalawang kamay ko, sabay yuko. Naramdaman ko ang paghakbang ng kung sino papunta sa akin. Nang nakalapit siya, agad niyang hinawakan ang isang kamay ko at nang pupusasan na niya ako, mabilis akong umikot papunta sa likuran niya, at dahil hawak niya ang isang kamay ko, pumulupot ang braso ko sa leeg niya. Mabilis kong kinuha ang baril niyang nakasuksok sa belt pouch niya at tinutok 'yon sa sintido niya.
"Wag kayong gagalaw kung ayaw niyo mabutas ang sintido nito" banta ko
"Miss, pag-usapan natin 'to" sabi nong isang pulis.
I smirked
"Sorry, I'm busy" sabi ko at malakas na tinulak yung pulis, kaya halos masubsob ito sa lupa. "Next time nalang"
Pagsabi ko non, tumalikod ako at mabilis na tumalon papunta sa isang trash can, sabay talon at pag-akyat ng pader. At dahil nahuli ang isang paa ko muntik ng matamaan 'yon ng bala nang magpaputok yung pulis, buti nalang at naitaas ko agad 'yon.
"That's dangerous! You almost killed me!" Inis na sabi ko. Nakatayo na ako ngayon sa tuktok ng pader. "See you--I mean. Huwag na sana tayo magkita-kita" nakangising sabi ko at hinagis pabalik sa kanila yung baril na kinuha ko bago tumalon na sa kabilang bakod.
"Tang*na! Ba't niyo pinatakas?" Rinig kong tanong nong lalaki.
"Pasensya na boss"
"Pero paano niya naakyat ang ganun kataas na pader?"
"E 'di tumungtong siya sa busurahan, hindi mo ba nakita?" Masungit na sabi nong lalaki.
"Sir, kahit na tumungtong ka sa basurahan, mataas pa din yung aakyatin niya."
Wala akong narinig na response mula sa lalaki. Hindi ko nalang sila pinansin pa at naglakad nalang palabas ng bakuran na 'yon. Dumaan muna ako sa isang drugstore para bumili ng gamot, tapos after non sa palengke naman ako pumunta para bumili ng mauulam. At dahil malaki ang nadelehensya ko ngayon, masarap na ulam ang lulutuin ko ngayon.
Pag-uwi ko sa bahay, agad akong dumeretso sa papag kung saan nakahiga si nanay. Maliit lang ang bahay namin, pagpasok mo ng pinto bubungad agad ang papag ni nanay at ang mga naka-kalat na gamit.
"Nay, nakauwi na po ako" sabi ko pagkaupo ko sa gilid ng papag. "Nakabili na po ako ng gamot niyo"
Dahan-dahan na bumangon si nanay mula sa pagkakahiga at sabay nito ang malakas na pag-ubo. Mabilis kong hinagod ang likod niyo para tumigil ito sa pag-ubo.
"Magluluto po muna ako ng pagkain natin, tapos pagka-kain natin uminom na po kayo ng gamot" sabi ko at tumayo na ulit. Humakbang na ako papunta sa kusina. Actually wala talagang kusina, dahil magkakasama na lahat. Sala, kwarto at kusina. Ang hiwalay lang ay ang banyo namin. Tela at marupok na plywood lang ang dingding ng bahay namin, at ang bubong ay yero naman pero madami ng butas, kaya kapag uulan naka-kalat ang mga palanggana at balde.
"Sino na naman ang nabiktima mo ngayon?"
Nahinto ako sa paghihiwa ng baboy sa tanong ni nanay. Hindi ako nakasagot at tinuloy lang ang paghiwa.
"Rose, hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na tigilan mo na 'yang ginagawa mo. Bukod sa masama na, delekado pa. Paano kung mabaril ka ng mga pulis? O kaya mapatay ka ng mismong nanakawan mo?"
"E nay, kapag hindi ko naman po ginawa 'to wala po tayo kakainin. Wala po tayo ipapambili ng gamot niyo."
Tanging buntong-hininga nalang ang narinig ko mula kay nanay. Alam ko naman na mali ang ginagawa ko, pero wala naman akong ibang choice e. Gusto ko man magtrabaho, wala namang tumatanggap sa akin dahil ni isang requirements wala ako. Kahit nga birth certificate wala ako.May mga trabaho naman na hindi na kailangan ng requirements, ang problema naman ang itsura ko.
My hair is purely white, mahaba na hanggang lagpas na ng bewang ko. Ginupitan ko ang buhok ko dati, pero napagalitan lang ako ni nanay kaya simula non di na ako nag-gupit. And my eye color is shiny blue with a curl and thick eyelashes. Ang daming nagagandahan sa mata ko, pero madami din ang ayaw at natatakot sa akin. They call me freak. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko magtrabaho kahit na gustong-gusto ko.
Tinatanong ko na din ang sarili ko kung normal ba ako? Bakit kakaiba ang itsura ko sa itsura ng isang normal na tao. Yung balat ko, subrang puti at kinis na kahit anong gawin kong pagpapaaraw, hindi ako umiitim. Kapag nagkakasugat ako kahit maliit na peklat ay walang naiiwan, at nakakapagtaka na mabilis gumaling ang sugat ko. Isa o dalawang araw ay wala na siya.
Minsan natatakot na rin ako sa sarili ko, lalo na, na kahit galaw ko ay kakaiba rin. Hindi ako mabilis mapagod kahit gaano pa kalayo ang tatakbuhin ko. Mabilis din ako tumakbo at mataas kung tumalon, katulad ng nangyari kanina. Walang normal na tao ang makakaakyat sa ganuong kataas na pader.
So I'm not normal?
What I am then?
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Fantasy Series 1)
FantasyRozianne Quevin, isang kakaibang babae sa mata ng mga tao. Isang babaeng hindi lamang may pangkaraniwang ganda kundi pati talento at lakas. Isang babaeng akala ay katulad lang din siya ng iba. Ngunit hindi niya alam, na may paparating sakaniya na is...