"Rozianne... Do you trust me?"
Saglit akong natigilan sa tinanong niya. We are at his secret place. Inaya ko kasi siya na pumunta dito, dahil baka sakaling mawala ang init ng katawan ko. The fresh air makes me calm a bit, dagdagan pa ng yakap niya mula sa likod ko.
"I want to know about you"
Humarap ako sakaniya at tinitigan siya sa mga mata niya. Nakatitig lang din siya sa akin, may emosyon sa mukha niyang hindi ko maintindihan kung ano.
"I can't trust my enemy" deretsong sagot ko sakaniya at nakitaan ko ng kaunting gulat sa mga mata niya.
"So, ganun ang tingin mo sa 'kin? An enemy" nakatiimbagang na sabi niya at humakbang palayo sa akin.
"Aren't you?" I said. "Alam kong alam mo na taga-Gualvana ako"
"I know" walang emosyon na sabi niya. "Masiyado ng gabi, magpahinga ka na"
Nauna na siyang umalis habang ako ay nanatili doon, sinusundan siya ng tingin kahit na hindi ko naman na siya nakikita. Bakit may kaunting lungkot sa boses niya? Or I'm just imagining things? Umalis na din ako sa lugar na 'yon at ngayon ay naglalakad na ako sa hallway papunta sa kwarto ko. Malapit na ako sa hallway nang makita sa daan si Mr. Prinsipe at ang isang lalaking nasa middle age na. Agad akong nagtago sa isang tabi.
"Sorry po ama"
Ama? That means...
Hindi ko mapigilan ang mapakuyom dahil sa galit. That's the man who killed my father, and imprisoned my mother!
"Pagkatapos mong magdala ng kaaway dito sa sarili nating palasyo, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan pa kita" ma-awtoridad na sabi nito. "This is the first you did this, Arczyn! The first time you disappoint me, because of that Gualavanian girl!"
"I'm sorry"
"Sorry is not enough, Arczyn! If you want my trust back, captured that girl and eliminate her!" Bahagya akong kinabahan sa sinabi niya.
F*ck! I'm in danger!
"But father, I can't kill her"
Huh? What is he saying? Can't kill me? Why?
"What?"
"She's my--"
Hindi ko na narinig pa ang sumunod na mga sinabi niya, dahil may naririnig akong footsteps hindi kalayuan papunta sa dereksyon ko. Mabilis akong naglakad papunta sa ibang dereksyon at kailangan ko pang umikot para makabalik sa kwarto ko. Pagdating ko don, naabutan ko yung servant na nag-aasikaso sa akin na nag-aayos ng kama ko. Medyo kinabahan ako dahil baka nautusan na siya ng hari na patayin ako.
"Miss, nakahanda na po ang pagkain niyo"
"H-Hindi ako nagugutom" sabi ko. "Magpapahinga na ako"
"Uh... Sige po. Iiwan ko nalang po ito dito para po kapag nagutom kayo--"
"Okay"
"Uhm... Okay po"
Umalis na siya at nang makalabas siya, agad kong sinara ang pinto at ni-lock 'yon. Mabilis akong naglakad papunta sa cabinet at kinuha ang mga gamit ko doon. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang anduon pa yung libro, baril at espada ko. Nakita ko yung damit na binigay sa akin ni princess Via. Malinis na ito at nawala na yung matsa ng dugo mula sa goblin at wolf. Napagdesesyonan ko na ayon nalang ang isuot ko, dahil kapag yung damit ko ang isuot ko baka pagtinginan lang ako ng mga tao. I need to be careful.
After ko magbihis, sinuot ko na sa bewang ko ang belt ng espada. Nilagay ko naman sa loob ng backpack ko ang baril, libro at iba ko pang gamit. Sinuot ko na ang kapa ko at handa na akong umalis. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at tinignan kung gaano kataas mula dito sa kwarto ko, pababa. Too high...
Umatras ako palayo sa bintana at naghanap ng puwedeng gawing tali. Wala akong nakita at tanging ang kumot at bedsheet lang ang nakitang kong puwedeng gamitin. Hindi ko na inaksaya ang oras ko at pinagdutong ko na ang mga 'yon. After non, tinali ko 'yon sa railing ng bintana at nang masigurong hindi na 'yon matatanggal, agad ko na itinapon 'yon sa labas.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tumungtong sa railing ng bintana at dahan-dahan na binaba na ang paa habang mahigpit kong hinahawakan ang tela. Dahan-dahan akong bumababa, hanggang sa narating ko ang dulo ng tela. Nakulangan pa ito ng tela, medyo mataas pa ang babagsakan ko. Pero hinayaan ko nalang at tumalon nalang ako. Napamura pa ako dahil sumakit ang mga paa at binti ko. Para 'yon kinuryente. Pero tulad ng dati ay, mabilis din 'yon nawawala.
Nang maka-recover ako, agad na akong umalis doon. Pahirapan pa dahil madaming bantay ang naka-kalat sa labas ng palasyo. Mabuti na lamang at madaming lugar ang puwedeng pagtaguan, tulad ng mga matataas na damo at mga halaman. Pagkatapos ng pakikipagpatentero sa mga bantay, nakahinga ako nang makalabas na ako ng palasyo. Mabilis na akong lumayo sa lugar na 'yon, at kakatakbo ko ay nakarating ako ng bayan ng Moharima. Maingat ko na ibinaba ang hoodie ng kapa ko at bahagyang yumuko.
Wala namang masiyadong tao dahil halos hating gabi na rin, kaya medyo panatag ang loob ko. Naglakad-lakad lang ako, hanggang sa nadaanan ko ang isang inn. May nakalagay na signage sa itaas ng pinto. Angel's Inn. Aalis na sana ako dahil nakita kong sarado na ang pinto, pero natigil ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang batang babae. Napatingin ito sa akin.
"Magandang gabi po" bati nito
"M-Mandang gabi" nag-aalinlangang bati ko pabalik.
"Magchi-check-in po kayo?"
"Uhm... Sana"
"Hindi po kayo sigurado?"
Magsalita siya ay parang hindi isang bata
"Akala ko sarado na kayo"
"Hindi pa naman po" sabi nito. "So, papasok po kayo?"
"Uh... Ouhm.."
"Tara po"
Nauna na siyang pumasok sa loob, habang ako ay nag-aalinlangang sumunod sakaniya sa loob.
"Ate!! May customer tayo!" Sigaw ng bata. Nilibot ko ang paningin ko buong paligid. Medyo maluwag naman ang tanggapan, may mga nakahilirang mahahabang lamesa at upuan sa magkabilang side, at sa gitna ay ang counter bar.
"Sa ganitong oras?"
May lumabas na isang babae sa isang pinto sa loob ng counter bar, na sa tingin ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon. Tinignan ako nong babae.
"Geli, tumanggap ka na naman ng customer ng ganitong oras? Hindi ba sinabihan na kita na wag tatanggap ng customer ng ganitong oras!! Hindi ka na nadala sa nangyari sa atin noong nakaraang araw!" Sermon nito sa bata.
"Uh... Kung hindi kayo tumatanggap ng customer ng ganitong oras, babalik nalang ako bukas" sabi ko.
"Saan ka matutulog miss?" Tanong nong bata.
"Uhm... Sa gubat nalang muna siguro"
Hindi ako nagsinungaling, ayon talaga balak ko kung sakaling wala akong makitang bukas na inn.
"Ate, hahayaan mo yung ganun? Paano kung may mangyari sakaniya? Ngayon pa na nagkalat ang mga mababangis na hayop sa gubat."
"Huwag mo 'ko kinukonsensya Geli!" Masungit na sabi nito at maya-maya ay bumuntong-hininga. "Sige na, tumuloy ka na dito, pero may dagdag ang bayad"
"Walang problema" sabi ko. "Thank you"
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess (Fantasy Series 1)
FantasiRozianne Quevin, isang kakaibang babae sa mata ng mga tao. Isang babaeng hindi lamang may pangkaraniwang ganda kundi pati talento at lakas. Isang babaeng akala ay katulad lang din siya ng iba. Ngunit hindi niya alam, na may paparating sakaniya na is...