WARNING: mention of illegal drugs
De Almeida
"Kilala mo 'yong nasa table na 'yon?" Marita, gestured the table beside Matthew's.
Napukaw ang tingin ko kila Matthew dahil sa tinutukoy ni Marita. Tatlong lalaki ang naroon at abala lang sila sa pakikipagkwentuhan at inuman.
"Alam mo namang wala ako masyadong kilala sa mga mayayaman diba?"
"Well, my friend told me those three have the biggest issue in the city. Bigatin sila, sikat at laging napapadpad sa news."
"Political?" I asked.
"Hindi. Sikat sila dahil malaki raw ang factor nila sa community. Ang sabi ng kaibigan ko ay si Lluemel De Almeida raw ang panganay sa magpipinsan. Sunod naman 'yong sa kaliwa, si Rafayel De Almeida at 'yong pangatlo sa tabi ng table nila ay si Matthias De Almeida."
I was stunned about what she said. "Matthias? Hindi ba Matthew?"
"What? You know him?" naguguluhan niyang tanong.
Tumikhim ako. "Uh, hindi...narinig ko lang na ang pangalan niya ay Matthew."
Napatingin naman siya sa 'kin. "Yeah, well his real name is Matthias not Matthew. He's been using that name because people mistook him for his younger brother. They got both the same name kaya ang ginagamit niya lagi ay Matthew."
Matthew...Matthias..
Hmm, Matthias ang totoo niyang pangalan.
"So, ano 'yong sinasabi mong issue nilang tatlo?"
Luminga-linga siya sa paligid, natatakot na baka marinig siya ng mga tao at lumapit sa akin.
"This news were decades ago but...Senior De Almeida was involved with illegal drugs and kidnapping for ransom," she said, almost a whisper.
"Huh?"
She cleared her throat and continued to talk.
"You don't know how much their family hold so much power. They are rich rich, girl. Halata naman na mayaman sila noon pa man pero 'yon nga ang nakakapagtaka dahil maayos naman ang negosyo nila. Marami silang negosyo pati na rin sa ibang bansa. You know they owned real estate, banking, telecommunication.. you can just name it. Kulang pa nga 'yan, e. Their family is a success when it comes to business. Pero ang sabi sabi ng iba ay kaya nainvolved sa drugs si Mr. De Almeida Senior ay dahil nalulong ang tatay ni'to sa sugal at halos maubos ang perang pinaghirapan nila.."
She paused for a while and urge me to sit down. Dahil tapos na kami parehas sa trabaho ay puwede na kaming maupo sa kinauupuan ng mga costumer.
"Their family has a big reputation. Every people in town and city loves them. Nagbago lang pagkatapos ng nangyari 20 years ago." she sighed. "Until now hindi parin nawawala ang rumors tungkol diyan pero mas grabe noon. Gosh, I can only imagine what they've gone through. Kaya minsan nalang sila makita rito dahil 'yong ibang De Almeida raw ay nasa ibang bansa at ayaw na pumunta ng pilipinas pagkatapos ng nangyari."
I was confused, surprised, and curious that I wanted to ask more questions.
"So, nagtatago sila?" that was all I could ask.
She nodded. "Yes, they are still in a hiding pagkatapos makalaya ang tatay nila. After what happened bigla nalang rin sila naglaho na parang bula. That's why it's a surprise na nandito ang tatlo sa pilipinas."
I was speechless for a moment. Napamaang lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ng kaibigan.
"What are the odds right? Angat na angat na kayo sa buhay pero dahil lang sa isang pagkakamali, muntik nang mawala 'yon. It must be so hard for them dahil hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang bakas ng ginawa ni Senior De Almedia. I mean, the rumors are still there pero wala ng pakielam ang ibang tao,"