"Kung hindi lang talaga kita kaibihan Happy binigwasan na talaga kita." Naiiling na sabi ni Ayrish sa akin. Si Ayrish ang aking childhood bestfriend. Nakaupo kami sa ilalim ng puno ng mangga sa labas ng bahay namin habang tahimik akong nag co-crochet.
"Ay, alam mo naman na kailangan ko ng part-time. Hindi ko naman kasi kayang panuorin si Nanay na kumakayod mag-isa para sa amin ni Viel."
"Ewan ko sa iyo! diba pinagsabihan kana ni Tita? Mag focus ka sa pag-aaral hindi sa pagpapart time. Maawa ka naman sa sarili mo Happy. Ilang thesis na ang naisulat mo, ilang math modules na ang nasagutan mo, ilang essay na pinasagot sayo tapos magpapart time kapa sa convenient store? Happy naman."
Ibinaba ko ang ginagawa kong crochet at nginitian si Ayrish.
"Para naman tong timang. Kaya ko naman best! Ang mahalaga more part time more money! Edi happy si Happy."
"Ehh kung humingi ka ng tulong sa tatay mo? Para naman may maiambag kahit 25 cents sa pag-aaral mo."
Dinaig pa talaga ng kaibigan kong to si nanay. Grabe bumunganga!
"Yan ang hinding hindi ko gagawin." Seryuso kong sabi sa kanya. Ang tatay ko? nangibang bahay.
"Hoy! Hindi bagay sa iyong mag seryuso ang pangit mo! Maiba nga ako Happy may plan ka bang mag-transfer ng ibang school? Alam kong maraming nag sco-scout sa iyo na ibang school? Opening na next week. May plan ka bang ituloy ang Sirius?"
"Hindi na Bes." Kahit gusto ko hindi na. Kapag lumipat pa ako ng school mahihirapan ako sa part time job ko.
Grade 12 na kami ni Ayrish at next week ang opening ng 2nd Semester at ang Strand namin ay STEM. Kasalukuyan kaming nag-aaral sa pampublikong paaralan sa probinsya ng Aklan at ang pinaka popular na institusyon sa probinsya ay ang Sirius University. Sirius University, ang pinakasikat na paaralan sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Ang paaralang pinapangarap ng lahat pero ang mga tulad ko ay napakalaking impossible na matanggap. Ang paaralang para lang sa may pera, may pangalan sa lipunan at matatalino.
Nagkibit balikat lang si Ayrish at nagpaalam ng umuwi dahil nag text na si Tita.
"Ate, siguro ang gandang mag-aral sa Sirius?" nakatuon ang pareho naming atensyon sa TV ng biglang i-feature ang S.U. "Ate, bagay ka jan. Matalino ka naman. Kayang-kaya mo silang itumba." Natatawa akong lumapit sa nakakabata kong kapatid na babae na si Viel at pinisil ang pisngi nito.
"Grade 5 ka palang pero kung makapagsalita ka parang ang tanda mo na. Hindi ako pwede jan Viel wala tayong pera at ano ka ba hindi ako matalino nuh."
"Nanay! Si ate pinisil na naman ako!" pagsusumbong niya ng biglang dumating si Nanay mula sa pagtitinda ng ukay-ukay sa palengke. Tumayo ako at agad nagmano sa kanya.
"Talaga ba baby namin?" pang-aasar ni Nanay kay Viel at pinisil din nito ang pisngi niya.
Tawa kami ng tawa ni Nanay habang lukot ang mukhang nakatingin sa amin sa Viel. Ganito lang ang buhay namin. Simple at sanay na wala ang haligi ng tahanan.
Isang text message ang natanggap ko.
From: Ate Lyn
Good afternoon Happy!
Punta ka dito sa store may sasabihin ako sa iyo.
Bakit kaya? Dali-dali akong nagbihis at nagpaalam muna kay Nanay. Mamaya ko nalang sasabihin sa kanya na meron akong part-time.
Abot tenga ang ngiti ko ng makapasok ako sa papasukan kong convenient store.
"Ate Lyn nandito na po ako!" masaya kong bati.
"Happy nandito kana pala. Pasensya kana Happy pero hindi ka na muna namin ihahire. Napag-usapan kasi namin ni Kuya Mac mo na kami muna ang tatao dito. Ang hina kasi ng sales ng store." Malungkot na sabi ni Ate Lyn.
Ngumiti lang din ako sa kanya.
"Ate wag ka na pong mag sorry. Tawagan niyo lang po ako kung need niyo po hah ng part timer. Maraming salamat po." Ngiting-ngito ko kahit sa loob ko ay naiiyak na ako. Agad rin akong nagpaalam sa kanya at malungkot na
Pinagtatadyakan ko ang maliliit na bato na madadaan ko habang papunta sa pinakamalapit na park.
Lord naman. Hindi naman sa sinusumbatan po kita pero bakit naman po ako pa? Hindi pa nga nagsisimula tanggal na agad! Gusto ko lang naman makatulong kay Nanay ehh.
Nakaupo lang ako sa isang bench habang nakatanaw sa asul na kalangitan hanggang sa may lumapit sa akin na isang matandang lalaki na nasa 70s at may hawak na notebook.
"Bakit po? lolo pasensya na pero hindi ako tumataya sa STL ehh." Sabay ngiti ko sa kanya.
Bigla siyang tumawa na ikina-kunot ng noo ko.
"Hindi iha. Magpapatulong lang sana ako sa iyo."
Napatingin ako hawak niyang notebook.
"Oo naman po. Ano po yun ?"
At iniabot niya ang notebook sa akin.
Anak ng...
The equation 24x2+25x−47ax−2=−8x−3−53ax−2 is true for all values of x≠2a, where a is a constant.
What is the value of a?
"Lolo? Seryuso ka po?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Isang tango lang ang isinagot niya sa akin.
Kinuha ko ang ballpen sa bag ko at nagsimula ng magbilang. Tahimik na umupo si Lolo sa tabi ko at nakamasid lang sa ginagawa ko.
Akala ko may ipapabasa lang pero math Equation ang iniabot.
"-3" po ang sagot. Sabay abot ng notebook sa kanya.
"Salamat iha! Sa loob lang ng 5 minuto na solve mo. Anong pangalan mo?" na halatang natutuwa pa sa akin.
"Happiness po. Happy for short." Nakangiti kong sagot. "Hindi niyo na po ba ichecheck?"
"Hindi na! salamat dito Happy." At tumayo na siya at nagsimulang maglakad.
---
A/N : Wag naman sanang ma Writer's blocked ako T.T
BTW.
ANSWER EXPLANATION: There are two ways to solve this question. The faster way is to multiply each side of the given equation by ax−2 (so you can get rid of the fraction). When you multiply each side by ax−2, you should have:
24x2+25x−47=(−8x−3)(ax−2)−53
You should then multiply (−8x−3) and (ax−2) using FOIL.
24x2+25x−47=−8ax^2−3ax+16x+6−53
Then, reduce on the right side of the equation
24x2+25x−47=−8ax^2−3ax+16x−47
Since the coefficients of the x2-term have to be equal on both sides of the equation, −8x=24, or x=−3.
credits: https://blog.prepscholar.com/hardest-sat-math-questions
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Happy
Teen FictionHappiness. Happy for short. Ang babaeng may natural red hair, electric blue with a black tint eye color, ivory (neutral undertone) complexion, 5'2 feet at may 180 IQ level. A girl who dream big pero may mga bagay na isinasantabi at inuuna. Until...